Pia Wurtzbach, Maxine Medina assure fans Gazini Ganados properly guided for Miss Universe 2019

by Bernie V. Franco
Sep 19, 2019
Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach (left) and Miss Universe Philippines 2016 Maxine Medina (right) are confident that Gazini Ganados (center) is being properly trained and groomed for the Miss Universe 2019 pageant.

Don’t worry about Gazini.

Ito ang mensaheng ipinararating nina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at Miss Universe Philippines 2016 Maxine Medina tungkol kay Gazini Ganados.

Si Gazini, 23, ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe 2019 pageant.

Sa isang recent Instagram post ni Pia, isang netizen ang nagtanong kung tini-train ba niya si Gazini.

Sinagot ito ng 29-anyos na former Miss Universe.

Tiniyak niyang walang dapat ipag-alala pagdating sa preparasyon ni Gazini.

Sabi ni Pia, “oo naman! There’s a lot of us guiding her.

“Kalma lang [smile emoji] trust the process [heart emoji] she’s preparing [smile emoji]”

Continue reading below ↓

Ganito rin ang nilalaman ng pahayag ni Maxine, 29, nang matanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng Los Bastardos nitong Septemer 18, Miyerkules.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Mensahe ni Maxine kay Gazini, “Just take one step at a time, just pray and believe in yourself.

“Whatever happens, God will give you what you deserve.”

Kumpiyansa rin si Maxine na malaki ang tsansa ng pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2019.

“Ang nakikita ko kay Gazini, she can make it.

“Don’t worry about it,” paniniyak ni Maxine.

Wala pang inilalabas na petsa at host country para sa 68th edition ng prestigious international beauty pageant.

Samantala, ang magpapasa ng korona sa bagong Miss Universe ay ang ika-apat na Miss Universe ng Pilipinas na si Catriona Gray.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach (left) and Miss Universe Philippines 2016 Maxine Medina (right) are confident that Gazini Ganados (center) is being properly trained and groomed for the Miss Universe 2019 pageant.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results