Kris Bernal reveals how she stops co-actors from flirting with her

by Rommel Gonzales
Sep 20, 2019
Kris Bernal: “Sa ngayon, parang pag may nagme-message sa akin na mga artista, 'tapos alam naman nilang may boyfriend ako, parang, ‘Alam niyo naman, di ba? Bakit kailangan niyong maglandi?’ Mga ganun, kaya seen zone lagi sila.”
PHOTO/S: Noel Orsal

Multong obsessed kay Rayver Cruz ang papel ni Kris Bernal sa Kapuso drama series na Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko.

Sa tunay na buhay, hindi pa raw naranasan ni Kris na ma-obsess sa isang lalaki.

“Kasi pag na-obsess ako sa isang guy, sa akin sila mapupunta. Ha! Ha! Ha!” halakhak ng dalaga.

May na-obsess na ba sa kanya?

“Madami!” at muling tumawa ang 30-year-old Kapuso actress sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Artista?

“Artista at saka alam mo maraming... alam naman natin dito sa showbiz, maraming malalanding artista, tigilan niyo ako!”

Paano niya hinaharap ang mga naglalandi sa kanya?

“Seen zone ko talaga, hindi ko pinapansin," sagot ni Kris.

“Siguro, kung bata-bata ako. Pero ngayon na nasa edad na ako, 'tapos mamamansin ako ng mga…

“Sa ngayon, parang pag may nagme-message sa akin na mga artista, 'tapos alam naman nilang may boyfriend ako, parang, ‘Alam niyo naman, di ba? Bakit kailangan niyong maglandi?’

Continue reading below ↓

“Mga ganun, kaya seen zone lagi sila.”

KRIS BERNAL ON SETTLING DOWN

Wala pa silang balak ng boyfriend niyang businessman na si Perry Choi na magpakasal?

“Matagal pa, siguro in three to four years, hindi kami nagmamadali.”

Two years na ang kanilang relasyon.

“Pero siyempre, gusto ko rin of course magka-family. Siyempre, gusto ko rin, mga three children.”

Handa na raw si Kris maging ina kapag 34 na siya.

Mabuti nakakapaghintay si Perry?

“Actually hindi siya makahintay, pero siyempre dahil nga hindi naman ako nagmamadali.”

Paano kapag biglang nag-propose si Perry?

“Natatakot ako!”

Magno-no siya?

“Hindi ako magno-no! O, ayan, sinabi ko na!” at tumawa muli si Kris.

“Hindi ako magno-no pero…. hindi ko kasi alam kung ano ang puwedeng mangyari sa career ko if, you know, pag pumasok ako sa ganun, pag kasal na ako.”

Paano kapag nag-propose si Perry, alin ang pipiliin niya—career o dyowa?

“Ang hirap naman! Hindi ba puwedeng pareho?

Continue reading below ↓

"Pero of course, malilimitahan na ang career ko, ganun?”

Hindi naman.

“Ganun? Hindi, sige, siguro puwede na akong ma-engage or ikasal ng mga… 32.”

Pero kapag 34 years old na siya, saka raw siya mag-aanak.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kris Bernal: “Sa ngayon, parang pag may nagme-message sa akin na mga artista, 'tapos alam naman nilang may boyfriend ako, parang, ‘Alam niyo naman, di ba? Bakit kailangan niyong maglandi?’ Mga ganun, kaya seen zone lagi sila.”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results