Derrick Monasterio laughs off blind item about co-actor's invitation for "sexual adventure"

by Arniel C. Serato
Sep 19, 2019
Derrick Monasterio on gay experience: "Wala. Kasi straight talaga ako, e. Akala ko dati may chance kasi galing ako sa all-boys school, maraming gay dun. Yung mga kaibigan ko dun na dating straight, nagiging gay, e, dahil dun nag-aaral. Pero, wala talaga.”
PHOTO/S: Noel Orsal / Courtesy: @derrickmonasterio on Instagram

Wala raw itulak-kabigin sa anim na nagguguwapuhang aktor na bida sa pelikulang G! LU, ayon kay Derrick Monasterio.

Bukod kay Derrick, kasama rin sa movie sina Kiko Estrada, Enzo Pineda, David Licauco, Teejay Marquez, at Ruru Madrid bilang mga miyembro ng VBC (Valley Boys Crew).

(From left) Kiko Estrada, David Licauco, Derrick Monasterio, Teejay Marquez, Enzo Pineda, and Ruru Madrid

Continue reading below ↓

Pagmamalaki ng Kapuso actor, “Lahat naman kami magaganda ang katawan.

“Lahat naman kami may hitsura. Depende na lang talaga sa acting.”

Dapat ay summer movie ang G! LU, ngunit naurong ito at baka makapasok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2019.

Nitong mga nakaraang buwan, habang nagsu-shooting ang cast sa La Union, may blind items na lumalabas tungkol sa isang cast member daw na nagyaya ng “adventure” sa kanyang co-actor.

Lumutang na ang pelikulang tinutukoy ay ang kinabibilangan ni Derrick.

May katotohanan ba ito?

Sagot ng aktor na may kasamang malutong na halakhak, “Actually, may nagkayayaan talaga. Kain tayo, ganyan.”

Bawi niya, “Nakita ko yung blind item. Nakita ko rin yung write-up.

“Hindi totoo yun. Imposible.

"Imposibleng mangyari kasi 24/7 kaming magkakasama lahat.”

Dagdag pa niyang paglilinaw, “May nagkayayaan daw na, you know.

“Hindi, kasi kasama ko yung naka-blind item lagi, e. As in lagi kami magkasama.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Derrick sa grand presscon ng isa pa niyang pelikulang pinagbibidahan, ang Kiko En Lala.

Continue reading below ↓

Bida rin sa movie sina Super Tekla at Kim Domingo. Mapapanood ito sa mga sinehan simula sa September 25.

NOT A CHANCE

Sa edad na 24, proud si Derrick na virgin pa siya pagdating sa mga bading.

Hanggang ngayon ba ay wala talagang pag-asa ang mga ito sa kanya?

Diretsong sagot nito, “Wala. Kasi straight talaga ako, e.

Continue reading below ↓

“Akala ko dati may chance kasi galing ako sa all-boys school, maraming gay dun.

“Yung mga kaibigan ko dun na dating straight, nagiging gay, e, dahil dun nag-aaral.

“Pero, wala talaga.”

May nagyaya ba sa kanyang bading noong high school pa siya?

Sabi ni Derrick, “Dami. Sa school, e.

“'Tsaka yung mga tao dun sa school namin, mayayaman lahat.

“Kahit high school pa lang kami, nagbibigay sila ng malaking pera.

“Malaking pera na yun nung nag-aaral pa kami, kasi siyempre baon lang ibinibigay sa amin, e.

“Pero wala talaga.

“Pero may mga friends ako na talagang close ko, ha, part ng barkada na alam kong may nangyari kasi nandun ako, e.

“Pero sa akin, wala.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Derrick Monasterio on gay experience: "Wala. Kasi straight talaga ako, e. Akala ko dati may chance kasi galing ako sa all-boys school, maraming gay dun. Yung mga kaibigan ko dun na dating straight, nagiging gay, e, dahil dun nag-aaral. Pero, wala talaga.”
PHOTO/S: Noel Orsal / Courtesy: @derrickmonasterio on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results