Christian Bautista, Kat Ramnani will have real honeymoon after first wedding anniversary

by Rommel Gonzales
Sep 19, 2019
Nakatakdang mag-honeymoon sina Christian Bautista at Kat Ramnani bago matapos ang 2019.
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram

Mag-iisang taon nang kasal sina Christian Bautista at Kat Ramnani sa November 18.

“It’s been a fun, fun ride with Kat and talagang we’re planning for our real honeymoon end of the year!” masayang bulalas ni Christian.

Sikreto muna kung saan sila pupunta.

Hindi sila nakapag-honeymoon pagkatapos ng kanilang kasal last year.

“Work agad, e. Yung sa Bali, saglit lang, so meron pa kaming actual honeymoon.”

Dito na ba sila bubuo ng baby?

Sagot ni Christian, “God willing, you know, God willing! Kung mangyari.”

Ang plano nila ay magkaanak after two years pa.

“So, parang to get to know each other, enjoy, travel, do things as a couple.

“I’m sure, narinig niyo na rin 'yan sa ibang couples pero it helps daw, e! Na mas maging strong yung connection ninyo.”

Kung mabubuntis si Kat na wala pang dalawang taon ay ikatutuwa ba nila iyon?

Continue reading below ↓

“Yeah! It’s always a blessing. Children are a blessing.”

Handa na si Christian na maging tatay.

“I’m excited!” bulalas niya.

Ano ang nais nilang maging anak?

“Gusto ko, boy; siya, girl!”

Baka raw hanggang dalawang anak lamang ang plano nila.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Asia’s Romantic Balladeer sa grand mediacon ng The Clash Season 2 noong Setyembre 11, Miyerkules, sa Hive Hotel sa Sgt. Esguerra St., Quezon City.

THE CLASH SEASON 2

Isa si Christian sa judges ng The Clash Season 2.

Ano ang hinahanap niya sa susunod na mananalo sa naturang singing competition?

“Dapat, of course, meron siyang extreme talent. Ang talent niya, extreme talaga.

“And dapat meron siyang connection to the audience.

"Kailangan, meron siyang heart at emotion when he or she performs, and the willingness to always be better all the time.”

Continue reading below ↓

At dahil judge din siya sa Season 1, ano ang nakikita niyang malaking pagkakaiba sa season 1 at 2?

Ayon kay Christian, “Sabi nila, dahil napanood na nila yung season 1, mas ready sila for the challenges to come.

“Kasi, sa The Clash, binabagu-bago namin yung challenges lagi, e.

“So, parang any moment puwede kang matanggal talaga, any moment.

“First episode, may tanggal agad!

"So, yung kaba na rin na yun, medyo yung iba, nadadala pa rin pero yung iba, naha-harness talaga. Nagiging ang galing ng performances.

“So I hope na ma-will nila yung sarili nila to rise up to the challenge.”

THE CLASH WITHOUT REGINE

Sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz ang Clash Masters o hosts ng The Clash Season 2. Journey Hosts naman sina Rita Daniela at Ken Chan.

Si Regine Velasquez ang host ng unang season ng The Clash bago ito lumipat sa ABS-CBN at naging judge ng Idol Philippines.

Continue reading below ↓

Komento ni Christian, “I guess, it also helped na si Ate Reg, nag-Idol para talagang yung transition e mas smooth, so…

“There will be questions, comparisons, of course, but we just have to accept it.

“Iyon, accept it.

"And sina Julie, Rayver, Rita, Ken, they also give their own style, their own version, their own freshness as well.

“So, we’re happy and very contented.”

Sa tingin ni Christian, kahit wala si Regine, “tatayo” ang The Clash?

“Yes, yes. Kasi, pinapanood kasi yung buong The Clash Season 1 for everything, e.

“Of course, they watch it for Ate Reg, they watch it for the judges, they watch it for the host, pero mas yung contestant talaga, e.

“Lalo na yung sa simula, kasi yung, ‘Ano kaya yung buhay nito, may istorya ba siya?’

“So, mas contestant pa rin ang nagdadala ng contest. Dapat, contestant ang nagdadala ng contest!”

Continue reading below ↓

Mapapanood na ang Season 2 ng The Clash tuwing Sabado (after Daddy’s Gurl) at Linggo (after Daig Kayo Ng Lola Ko) simula September 21.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakatakdang mag-honeymoon sina Christian Bautista at Kat Ramnani bago matapos ang 2019.
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results