Derrick Monasterio opens up about breakup with beauty queen Kathleen Joy Paton

by Arniel C. Serato
Sep 19, 2019
Derrick Monasterio on breakup with Kathleen Joy Paton: "Mutual decision. Na-realize namin na hindi na healthy yung mga nangyayari sa amin for our mental health, spiritual growth."
PHOTO/S: Noel Orsal

Hiwalay na ang aktor na si Derrick Monasterio at ang beauty-queen girlfriend nitong si Kathleen Joy Paton.

Si Kathleen ay Filipino-Australian at kinoronahang Miss Manila 2018 at Miss Teen International 2017.

Halos walong buwan na raw silang hiwalay, ngunit ngayon lamang siya nagkuwento tungkol dito.

Continue reading below ↓

Sa grand presscon ng pelikulang Kiko En Lala noong Martes, September 17, ibinahagi ni Derrick ang ilang detalye tungkol dito.

Panimula niya, “Mutual decision.

"Na-realize namin na hindi na healthy yung mga nangyayari sa amin for our mental health, spiritual growth.

“Mga kulang-kulang one year [din inabot].”

Dagdag pa niya, “Matagal na rin kaming wala, siguro mga eight months, nine months na rin.”

Bakit ngayon lang siya umamin sa relasyon nila gayong hiwalay na sila?

Pagtanggi niya, “Ay, umamin po ako nung tinanong po nila ako.

“Sabi ko may dini-date ako, pero di ko sinabi kung sino.

“Mga kulang-kulang one year.

“Well, hindi kasi kami ganun ka-compatible, e, so...”

Samantala, mapapanood ang Kiko En Lala sa mga sinehan simula sa September 25.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Derrick Monasterio on breakup with Kathleen Joy Paton: "Mutual decision. Na-realize namin na hindi na healthy yung mga nangyayari sa amin for our mental health, spiritual growth."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results