Jake Cuenca reacts to Kylie Verzosa-Maxine Medina spitting issue

by Bernie V. Franco
Sep 19, 2019
Jake Cuenca (center) reacts to duraan issue involving Los Bastardos co-stars Kylie Verzosa (left) and Maxine Medina (right). Kylie is Jake's girlfriend in real life.
PHOTO/S: Noel Orsal

Nagbigay ng kanyang saloobin si Jake Cuenca, 31, tungkol sa duraan isyu sa pagitan ng co-stars niya sa Los Bastardos na sina Kylie Verzosa, 27, at Maxine Medina, 29.

Si Kylie ang real-life girlfriend ni Jake, samantalang si Maxine ang leading lady ng aktor sa ABS-CBN afternoon teleserye.

Inamin ni Kylie na naduraan niya si Maxine sa isang eksena nila dahil na-carried away siya.

Ayon kay Jake, magandang pag-usapan ang gagawing eksena sa pagitan ng dalawang aktor, pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay nagagawa ito.

“Pag gumagawa ng teleserye, sinabi ko naman talaga kay Kylie na dapat pagka ganyan, may etiquette na pinag-uusapan ng artista ang gagawin sa eksena,” sabi ng aktor sa farewell press conference ng Los Bastardos nitong September 18, Huwebes.

“Pero masasabi ko lang, nangyayari din naman na hindi pinag-uusapan."

Kuwento pa ni Jake, “Naalala ko si Josh [Colet], nasapak ako noon.

“Hanggang ngayon sira pa rin ang shoulder ko dahil sa eksena na nagawa namin ni Gerald [Anderson].

Continue reading below ↓

“Hindi naman niya intensiyon na baliin shoulder ko.

"Kami ni Coco [Martin] ilang beses na kaming natsismis sa eksena, nagkakasakitan kami… nangyayari kasi.”

Si Josh ay co-star ni Jake sa Los Bastardos.

Hindi binanggit ni Jake kung ano ang proyekto ni Gerald, pero huli silang nagkatrabaho sa teleseryeng Ikaw Lang Ang Iibigin (2017).

Nagkatrabaho naman sina Jake at Coco sa teleseryeng Ikaw Lamang (2014) at FPJ’s Ang Probinsyano (2016), gayundin sa pelikulang Ang Panday (2017).

“Lahat tayo, lahat kami dito ibinibigay namin best namin.

“Kung naiintindihan ninyo ang nararamdaman ng artista na napi-pressure, nakikita mo sa Twitter binabatikos ka sa acting mo, binabatikos ka sa Instagram, mag-aalala ka na baka pagalitan ka ng director, nag-aalala ka na yung senior mo baka anong sabihin sa eksena. So, gusto mong ibigay ang best mo.

“Minsan sa eksena, meron kang nagagawa na extra na hindi kanais-nais.”

Diin ni Jake, “Hindi namin intensiyon manakit, hindi namin intensiyon mambastos, pero at the end of the day, in character ka, e.”

Continue reading below ↓

LESSON LEARNED FOR KYLIE AND MAXINE

Gayunpaman, binanggit din ni Jake na malaki ang natutunan nina Kylie at Maxine sa insidente bilang mga baguhang artista.

“Maganda naman din, may natutunan sila dito.

“Pareho silang bago pa sa industriya.

“At the end of the day, hindi naman kami inuupo bago ang soap, 'tapos Itinuturo ng etiquette na maging artista. Wala naman, e.

“Wala namang eskuwelahan talaga magtuturo sa iyo na dapat ganoon sa eksenang iyon.

“You just figure it out. Matututunan mo, e.”

Dagdag niya, “Masasabi ko fort both girls, napakahusay nila.

“At the end of the day, I guess yung eksena na iyon, yun ang pinakamataas na rating namin.

“For both girls, I can say I’m very proud of them, especially Kylie is my girlfriend.”

Sabi ni Jake, “Responsibilidad ko kay Kylie, sa mga kapatid ko [co-stars] ituro ang tamang etiquette pagdating sa pag-arte.

“At the end of the day, nothing but kind words for the cast.”

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jake Cuenca (center) reacts to duraan issue involving Los Bastardos co-stars Kylie Verzosa (left) and Maxine Medina (right). Kylie is Jake's girlfriend in real life.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results