Jerald Napoles explains why it took five years for him and Kim Molina to admit their relationship

by Rose Garcia
Sep 20, 2019
Jerald Napoles on wedding plans with girlfriend Kim Molina: "Wala pa, e. Hanggang ngayon, nagpapakilala pa kami sa isa’t isa. Meron pa kaming ganung level of thinking."
PHOTO/S: Noel Orsal

Sa mga nakaraang interviews ni Jerald Napoles, makailang ulit niyang sinabi na single siya.

Pero ang totoo pala ay limang taon na ang relasyon nila ni Kim Molina.

Biniro tuloy namin si Jerald na para siyang heartthrob na bawal umaming may girlfriend.

“Hindi naman!” natatawang sabi ng Kapuso actor.

Paliwanag niya, “Kasi, noong mga first year talaga, hindi namin alam kung saan kami pupunta.

"First year, second year, ako ang nauna sa showbiz.

“Palagi kong sinasabi kay Kim, ang daming inaasikaso sa buhay, hindi namin mabigyan pareho ng time na i-tackle yung... 'Ano ba tayo?' May ganun kami ni Kim.

“Meron din akong... 'Tayo-tayo muna ‘to.'”

Yung mga malalapit nilang kaibigan ay alam na may relasyon sila.

Masasabi ni Jerald na naging “official” sila ni Kim dalawang taon pa lang ang nakararaan, kahit limang taon na ang relasyon nila.

“Yung two to three years, medyo ano ‘yan, crucial.

"Noong naging artista ako sa GMA, 'tapos siya ina-eye na rin bigla ng ABS-CBN, hindi namin alam kung makabubuti ba lalo sa isa’t isa kung lumabas kami agad na mag-dyowa.

Continue reading below ↓

“True enough, ngayon yung market ni Kim is her brands.

"Siguro, kung lumabas kami agad na mag-dyowa, not hard, pero may konting limitation.”

Nagdesisyon silang umamin nang sa palagay nila, wala nang epekto kung lumantad man sila.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jerald sa mediacon ng pelikulang #Jowable noong September 13, Biyernes, sa Le Reve Pool and Events Place.

FAMILY'S ACCEPTANCE

Paano tinanggap ng kani-kanyang pamilya ang relasyon nila?

“Mama ko siyempre, tanggap na tanggap niya. Malamang, di ba?” pakli ni Jerald.

Matagal na rin daw alam iyon ng pamilya ni Kim na karamihan ay nasa Middle East.

“Matagal na ring alam ng pamilya niya and, siyempre, medyo conservative na pamilya.

"Ako naman, e, wala naman akong ginagawa!” natawang sabi niya.

“At saka, mga edukadong tao naman yung pamilya ni Kim.”

Nagugulat si Jerald sa mga tagahanga nila ni Kim, na mas nagugustuhan na sila nga.

Maraming views tuwing mag-a-upload sila ng picture o video online na magkasama.

Continue reading below ↓

“Siguro kasi, natural lang kasi kami,” saad niya.

“At saka sa YouTube, yung pinakamaraming views, yung magkasama kami.

"Siguro nag-umpisa ako sa YouTube, 3K subscribers lang.

"Noong nag-post na kami, pumalo na lahat sa subscription.

“Loko-loko nga kasi kami kapag magkasama.”

JERALD AND KIM'S LIGAW STAGE

Nagkasama sina Jerald at Kim sa musical stage play na Rak of Aegis. Doon pa lang, sila na ang magkapareha.

Na-develop lang ba siya kay Kim o umpisa pa lang, attracted na siya?

Ayon kay Jerald, “Na-attract na ako kay Kim, pero hindi kasi ako yung kapag na-attract, 'Ligawan ko ‘to.'

"Meron muna akong... try ko nga.

“Pero hindi kasi ako yung, 'Puwede ba kitang ligawan?'

"Ayokong mag-pretend, hindi bagay sa akin ang mag-pretend.”

Sa limang taon nila, pinag-usapan na ba nila ang kasal?

“Wala pa, e,” tanggi ni Jerald.

“Hanggang ngayon, nagpapakilala pa kami sa isa’t isa. Meron pa kaming ganung level of thinking.

Continue reading below ↓

“Lalo na, mas malawak ang competition ngayon. Dati, pipila ka sa StarStruck para maging artista.

“Ngayon, mag-video ka sa banyo, magba-viral ka na. Mag-Tiktok ka nga lang ngayon, puwede ka nang mag-artista.

“Dati, hindi mo puwedeng gawing talent ang Tiktok sa StarStruck o Star Circle Quest.”

Paglilinaw ni Jerald, seryoso sila ni Kim sa relasyon nila.

Nagkataon lang na pareho silang gustong makasiguro ng seguridad sa career nila at sa ibang aspeto ng buhay.

KIM'S LEADING MAN ON SCREEN AND REAL LIFE

Launching movie ni Kim ang #Jowable, kung saan si Jerald ang leading man.

Nakakaramdam ba siya ng kaba, lalo na para kay Kim, dahil ipapalabas na ang pelikula sa September 25?

“Walang kaba in terms of negative kaba," sagot ni Jerald.

"Yung nangyari lang na ang ingay kasi ng pelikula, ang ingay ng trailer, everyone’s... sa mall, ‘Jowable,’ ‘Jowable,’ nagkaroon ng pressure for us.

“Kasi, nagkaroon ng chance na umasa. Even my co-actors, co-actors ni Kim, yung pelikula ni Kim, mukhang may pag-asa sa takilya.

Continue reading below ↓

“Pero sabi ko nga kay Kim, hindi na natin hawak yung parteng yun.

"We did our job para mabigyan ng buhay ang character, bahala na yung tao.”

Kahit daw noon sina Empoy at Alessandra de Rossi, hindi rin inakalang magiging hit pala ang pelikula nilang Kita Kita.

“I hope it becomes like that. Trade material, e, masarap ibalandra,” sabi pa ng magaling na TV/movie/stage actor.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jerald Napoles on wedding plans with girlfriend Kim Molina: "Wala pa, e. Hanggang ngayon, nagpapakilala pa kami sa isa’t isa. Meron pa kaming ganung level of thinking."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results