Julia Barretto posts old photo with Gerald Anderson; talks about being “mischaracterized”

by Jet Hitosis
Sep 20, 2019
Julia Barretto posts today, September 20, an old photo of her with Gerald Anderson taken from a scene from their movie Between Maybes. Along with the photo, Julia shared on her Instagram Stories texts about what to do when one was being "mischaracterized."
PHOTO/S: @juliabarretto on Instagram

“Mischaracterized” ba si Julia Barretto?

Ito ang pumasok sa isipan ng ilang nakakita sa Instagram Story ng 22-year-old actress ngayong Biyernes ng umaga, September 20.

Ang serye ng nasabing Stories ni Julia ay kasunod ng ipinost niyang litrato nila ni Gerald Anderson sa isang eksena sa pelikulang Between Maybes.

Base sa litratong ipinost ni Julia, mapapanood na sa iWant ang pelikula na unang pagtatambal nila ni Gerald, at ipinalabas sa mga sinehan noong Mayo ngayong taon.

Continue reading below ↓

Isinunod ni Julia sa litrato nila ni Gerald ang mga text mula sa Facebook post ng kilalang Canadian clinical psychologist-professor-author na si Dr. Jordan B. Peterson nitong August 11.

Saad sa texts: “When I am mischaracterized, how do I deal with it?

“Often, I first get angry and want to break something. That’s a private response; Mostly my family has to put up with that.

Continue reading below ↓

“Then, I usually calm down and think, ‘Let those who consider themselves my enemies reveal their hands.’

“What I have seen, so far (and I’m not counting on this to continue, necessarily), is that if I’m patient, those who mischaracterize me end up reaping what they have sown.

Continue reading below ↓

“So I try to detach myself, watch, and not jump too quickly to negative conclusion.”

Kapansin-pansin namang ginamit din ng ina ni Julia, si Marjorie Barretto, sa Instagram Story nito, ang parehong litrato nina Gerald at Julia sa Between Maybes.

Continue reading below ↓

WHO’S BEING MISCHARACTERIZED?

Hindi maiwasan ng followers ni Julia na iugnay ang nasabing post ni Peterson tungkol sa mischaracterization sa isyung kinasangkutan ng aktres kamakailan kaugnay ni Gerald.

Eksaktong dalawang buwan na bukas, September 21, nang pumutok ang isyu ng pakikipaghiwalay ni Gerald kay Bea Alonzo.

Kasunod ng cryptic posts ni Bea noong July 21 tungkol sa pagtataksil, ni-like ng aktres ang mga litratong kumalat online na nagtatampok kina Gerald at Julia na magkasama sa birthday party ni Rayver Cruz.

Continue reading below ↓

Simula noon, nadawit na si Julia sa breakup, nang tinukoy siya ng ilang netizen bilang third party umano sa hiwalayan.

Itinanggi naman ni Gerald nitong August 5 na si Julia ang dahilan ng breakup nila ni Bea.

JULIA ONCE ACCUSED BEA OF BULLYING

Kinabukasan, sinegundahan ni Julia ang aktor nang mag-post siya ng mahabang pahayag sa Instagram upang depensahan ang sarili.

Sa nasabing post ni Julia, inakusahan din niya si Bea ng bullying.

Sa isang bahagi ng naturang Instagram post ni Julia nitong August 6, idiniretso niya ang mensahe niya kay Bea.

Post ni Julia: “Bea, you wanted to keep your hands clean by not mentioning me in your controversial post, but with a click of your finger, in your sly way, you have charged everybody to destroy me FOR YOU.

“You have encouraged a culture of hate by purposely liking harmless photos, putting malice into the minds of many, which resulted in the outrage of insults against me.”

Continue reading below ↓

Hindi sinagot ni Bea ang post na ito ni Julia, at nananatiling tahimik sa isyu hanggang ngayon.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Barretto posts today, September 20, an old photo of her with Gerald Anderson taken from a scene from their movie Between Maybes. Along with the photo, Julia shared on her Instagram Stories texts about what to do when one was being "mischaracterized."
PHOTO/S: @juliabarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results