Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Sanya Lopez not bothered by no-boyfriend-since-birth status

by Rommel Gonzales
Sep 21, 2019
Sanya Lopez on having a love life: "Siguro mas priority ko na pag stable na ang lahat, okay na yung lahat, 'tsaka na po. Hindi naman po kami lumaking mayaman, di ba? Kaya mas focused po ako ngayon sa work. Pag stable na po ang lahat, kapag okay na ang lahat."
PHOTO/S: Jay Tablante

NBSB (no boyfriend since birth) ang 22-anyos na si Sanya Lopez.

Mas inuuna ng dalaga ang showbiz career kesa sa pakikipag-boyfriend.

Hindi ba siya nag-aalala na matsismis na lesbian o tomboy?

“Actually, may mga nagsasabi nga pong ganun!” at tumawa si Sanya.

“Pero hindi, e. Parang I feel, siguro sa nangyari sa life namin ni Kuya, parang mas natuto kami sa... ito muna.”

Nakatatandang kapatid ni Sanya ang Kapuso hunk na si Jak Roberto na may girlfriend ngayon, si Barbie Forteza.

“Si Kuya, naiintindihan ko, kasi lalaki 'yan. Siya na yun.

"Pero ako, siguro mas priority ko na pag stable na ang lahat, okay na yung lahat, 'tsaka na po.

“Hindi naman po kami lumaking mayaman, di ba? Kaya mas focused po ako ngayon sa work.

"Pag stable na po ang lahat, kapag okay na ang lahat.”

Paano kapag biglang nagsabi si Jak na magpapakasal na sila ni Barbie?

“Siya ang bahala, ‘Basta kaya mo, ha, sarili mo 'yan, alam ko kung masaya ka, go mo lang, kung hanggang saan ang kaya mo.

Continue reading below ↓

"Pero kung anuman ang nasa isip mo ngayon at kung kailangan mo ng tulong, I’m just here lang.

"Kapatid mo pa rin ako anumang mangyari, pamilya pa rin tayo.’

So, iyon lang ang sinasabi ko.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sanya sa lobby ng GMA Network Center noong September 16, Lunes.

THANKFUL TO KAPUSO NETWORK


Mapapanood si Sanya sa Magpakailanman episode na "Ang Babaeng Binulag ng Pag-ibig" ngayong Setyembre 21, Sabado ng gabi, sa GMA 7.

Ka-love triangle niya rito sina Jon Lucas at Nar Cabico.

Bida rin si Sanya sa GMA drama series na Dahil Sa Pag-ibig, at natapos na niya ang shooting sa pelikulang Isa Pang Bahaghari kasama sina Nora Aunor at Phillip Salvador.

Ano ang masasabi niya sa pag-aalaga sa kanya ng GMA-7 sa halos apat na taon?

“Kaya nga po, e, sobrang thankful po talaga ako dahil hindi po ako nawawalan ng projects.

“Kumbaga parang... talagang binibigyan po nila ako ng halaga at maraming-maraming salamat po talaga sa GMA!

Continue reading below ↓

“Kasi ano, e, ang daming artista ngayon, so yung tiwalang ibinibigay nila sa akin, hindi basta-basta.

"At siyempre, kailangan kong pangalagaan po iyon, kaya po yung boyfriend, naku, isantabi po muna natin yan!

“Kasi, ang ganda ng mga ibinibigay sa akin ng GMA,” ang nakangiting wika pa ni Sanya.

Sa kasipagan ni Sanya ay nakapagpundar na siya ng kotse at lupa sa Tagaytay na balak niyang patayuan ng resthouse.

DREAM LEADING MAN

Sa susunod na proyekto niya, kung papipiliin siya ng leading man, sino ito?

Ayon kay Sanya, “Naka-partner ko na po sina Dingdong Dantes, Dennis Trillo, sabi ko siyempre gusto ko po na parang kasing… well, lahat naman po ng artista sa GMA, magagaling.

“Pero siyempre, naghahanap din ako ng medyo puwede sa karakter ko, so puwede si Alden.”

Nakatrabaho na ni Sanya si Alden Richards sa Encantadia, pero hindi sila magkapareha.

“Kami lang talaga yung madalas magkasama sa eksena, kami ni Mikee Quintos, siya yung nag-help sa akin, yung tumulong kay Danaya para makapunta sa Encantadia.

Continue reading below ↓

“So, parang may mga nagma-match sa amin na, ‘Uy puwede kayong mag-partner pala ni Alden!’

“So, why not, di ba? I-try po natin.

"Magaling si Alden, mabait. Magaganda ang nangyayari sa kanya, masaya kaming mga kapatid niya dito sa GMA.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sanya Lopez on having a love life: "Siguro mas priority ko na pag stable na ang lahat, okay na yung lahat, 'tsaka na po. Hindi naman po kami lumaking mayaman, di ba? Kaya mas focused po ako ngayon sa work. Pag stable na po ang lahat, kapag okay na ang lahat."
PHOTO/S: Jay Tablante
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results