Derrick Monasterio reveals he still receives indecent proposals

by Glenn Regondola
Sep 23, 2019
Derrick Monasterio on dealing with indecent proposals: "Kapag nakikita ko sa mga party-party, ganyan. ‘Tapos, bibigyan daw ako ng mga kung anu-ano. Sinasabi ko na, ‘Hindi mo po ako kailangang bigyan, kasi hindi ko naman birthday, at hindi naman tayo friends.’"
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram

Hindi itinanggi ni Derrick Monasterio na hanggang ngayon ay marami pa siyang natatanggap na indecent proposals mula sa gay community, lalo na nga raw nung nagpu-post siya ng pictures sexy at hunky ang dating.

Pahayag ng Kapuso hunk, “Meron pa rin,

“Kapag nakikita ko sa mga party-party, ganyan. ‘Tapos, bibigyan daw ako ng mga kung anu-ano.

“Sinasabi ko na, ‘Hindi mo po ako kailangang bigyan, kasi hindi ko naman birthday, at hindi naman tayo friends.’

“Pero nagpapakilala ako, 'Derrick po, good to meet you.'

“At least, para kakilala ko na.

“Maganda naman ang pakikitungo ko sa kanila, kaya hindi rin sila nangungulit.

“Kasi, parang alam nila na pasok in a good way.”

Continue reading below ↓

Mayroon naman daw siyang naranasang pambabastos, pero karamihan nito ay sa social media.

Aniya, “Pero, ganun po talaga. Freedom of speech, expression, yes.

“They can say whatever they want. Okey lang sa akin, I mean, normal.

“Since naman po nung nag-umpisa ako sa career ko, ang dami ko nang natatanggap na ganun.

“So, parang sa akin, nasanay na rin po ako.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Phlippine Entertainment Portal) si Derrick sa media conference ng pelikulang Kiko En Lala ng Backyard Productions, na ginanap sa 17th floor ng GMA Network Center noong September 11.

SUPPORTING SUPER TEKLA

Marami ang nagtatanong kung bakit niya tinanggap ang Kiko En Lala na may pagka-gay theme, at hindi pa isang established box-office star ang ka-partner niyang si Super Tekla.

Ayon sa 24-year-old actor, “First time ni Tekla na nagbibida. Yun ang plus factor dun.

“Doble-kara pa siya, at first time ko ring maging merman [sa movie].

Continue reading below ↓

“Hindi naman... ano, isa siya sa mga rising stars, so feeling ko malaki ang chances na sumikat iya.

“Talagang feeling ko, ito yung movie na talagang breakthrough niya.”

Okey naman daw ang naging takbo ng working relationship nila ni Super Tekla, kahit may tsismis na mayroon itong attitude problem.

Saad ni Derrick, “Actually, wala, wala siyang attitude.

“Akala ko nga, parang meron, e. Kasi, yun ang mga naririnig-rinig ko, e. Pero wala.

“Nung nandun kami sa set, alam niyang kailangan niyang tapusin, alam niyang kailangan niyang gawin, kasi siya ito, e.

“Sa kanya ito, e, so alam niyang hindi puwedeng...

“Actually, natutuwa ako na kami ang kinuhang support niya, kasi iniisip nila na, “A, kaya na nilang tumayo, sige, ibibigay natin sa kanila.”

Ipalalabas ang Kiko En Lala sa September 25.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Derrick Monasterio on dealing with indecent proposals: "Kapag nakikita ko sa mga party-party, ganyan. ‘Tapos, bibigyan daw ako ng mga kung anu-ano. Sinasabi ko na, ‘Hindi mo po ako kailangang bigyan, kasi hindi ko naman birthday, at hindi naman tayo friends.’"
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results