Ion Perez hints at wanting to marry Vice Ganda

by Bernie V. Franco
Sep 23, 2019
In a post on Instagram Story last week, Ion Perez wrote about wanting to marry his queen. Is he referring to Vice Ganda?
PHOTO/S: @pereziion27 on Instagram (left photo)

Hindi na itinatago nina Vice Ganda at Ion Perez ang nararamdaman nila para sa isa't isa.

Ito ay kung pagbabasehan ang kanilang posts sa social media kung saan inihahayag nila ang kanilang pagmamahal sa isa't isa.

Bago pa man ang pagpapalitan nila ng "I love you's" sa It’s Showtime noong Biyernes, September 20, sunud-sunod ang mga post ni Ion sa Instagram Story.

Nag-post siya ng mirror selfie ng dalawang taong magkapareho ang suot at magkayakap sa gym.

Ang mukha ng lalaki ay natatakpan ng “king emoji” habang ang isa naman ay “queen emoji.”

Sa mga Instagram Story ni Ion, ang tawag niya kay Vice ay “aking reyna.”

Matutukoy naman na sina Ion at Vice ito dahil sa mga tattoo sa kanila-kanilang braso.

Kita ang malaking tattoo sa kaliwang (kanan sa larawan) braso ng lalaki at ang kanang (kaliwa sa larawan) tattoo na krus sa isa pa.

Continue reading below ↓

Si Vice ay may tattoo ng rosary sa kanyang kanang braso.

Nagkaroon pa ng “part two” ang post ni Ion kung saan nagsa-suggest na “kissing” photo ito.

Continue reading below ↓

Noong nakaraang linggo rin, may post sa Instagram Story si Ion na nagpapahayag na gusto niyang pakasalan si Vice.

Post ni Ion: “IKAW ANG GUSTO KONG MAKASAMA HANGGANG SA [HULING] SANDALI NG AKING HININGA AT KUNG PINANGANAK LANG AKONG MAY KAYA MALAMANG PINAKASALAN NA KITA #AKINGREYNA”

Continue reading below ↓

VICE CONSIDERS ION AS "MY JOY"

Sa pambihirang pagkakataon din ay ipinahayag ni Vice kung gaano kaespesyal sa kanya si Ion.

Nitong Linggo ng gabi, September 22, nag-post ang 43-anyos na It’s Showtime host sa kanyang Instagram Story ng picture nilang dalawa ni Ion.

Nakangiti si Ion at todo-ngiti rin si Vice.

Caption ni Vice: “My Joy”

Bukod sa picture nila ni Ion, may mga post din si Vice na mga larawan kasama ang kanyang pamilya at mga kaibigan.

May mga caption itong “My Life, “My Soul,” at “My Heart.”

Malinaw sa mga post ni Vice na nagbibigay ng saya sa kanyang buhay si Ion.

Continue reading below ↓

Maituturing na pambihirang pagkakataon ito dahil sa mga post noon ni Vice na videos at larawan kasama si Ion, walang pagpapahayag ng narararamdaman niya para sa binata.

Bukod pa rito, maingat din si Vice sa mga pahayag niya sa tuwing nai-interview at natatanong siya tungkol kay Ion.

VICE, ION EXCHANGE “I LOVE YOUS”

Tila nagkaroon ng lakas ng loob si Vice matapos silang magpalitan ng “I love you” sa It’s Showtime noong Biyernes, September 20.

Naging emosyunal si Vice at naiyak din si Ion.

Nang tanungin si Ion kung bakit siya naiiyak, sambit niya: “Wala, kasi ang saya kapag nakikita siyang masaya.

“Kasi ang sarap makita… ang sarap makita na masaya ang taong mahal mo.”

Nag-tweet pa ng pasasalamat si Vice dahil sa pagbuhos ng suporta sa kanila ni Ion.

Magkasama ang dalawa sa It's Showtime.

Nagsimula silang ma-link mula pa noong 2018.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Vice Ganda, Ion Perez
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In a post on Instagram Story last week, Ion Perez wrote about wanting to marry his queen. Is he referring to Vice Ganda?
PHOTO/S: @pereziion27 on Instagram (left photo)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results