Ethel Booba tweets about delayed payment of talent fee in two ABS-CBN shows

by Jet Hitosis
Sep 23, 2019
In an exchange of tweets with her followers, comedienne Ethel Booba discloses that she has not been paid yet by ABS-CBN shows Minute To Win It and Gandang Gabi Vice months after her guestings.
PHOTO/S: @IamEthylGabison on Twitter, Minute To Win It Philippines on YouTube

Nagparunggit si Ethel Booba sa Twitter tungkol sa dalawang TV shows na hindi pa raw nagbabayad sa naging guesting niya sa mga ito.

Sa tweet ni Ethel nitong Linggo ng umaga, September 22, sinabi niyang “nakakatamad na mag guest sa TV show kasi merong iba dyan mag almost 1 year na di pa ma-claim ang TF sunod meron ding more than 5 months na ata.”

Dahil sa nasabing karanasan, nagbiro si Ethel na sa video calling app na Skype na lang siya magsu-show next time.

Tweet pa ng comedienne, “Sa skype na lang talaga ako magshow C2C. Astig sa astig lang. Charot!”

Ikinomento ng Twitter followers ni Ethel ang TV shows kung saan nag-guest siya sa mga panahong kanyang nabanggit.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Ilan naman ang humamon kay Ethel na pangalanan ang shows na sinasabi niya.

Ngayong Lunes, September 23, isa sa netizens ang sinagot ng comedienne: “Minute To Win It. Ilang minutes ako nag-antay sa bangko wala pa din pala eh mag 1 year na. Charot!”

LUIS RESPONDS

March ngayong taon nang mag-guest sa nasabing game show ng ABS-CBN si Ethel.

Unang umere noong January 2013, napanood nitong September 6 ang finale episode ng Pinoy version ng American game show.

Makalipas ang ilang oras ay sumagot kay Ethel si Luis Manzano, ang host ng Minute To Win It.

Sagot ni Luis: “Pa check ko Ethel! (two thumbs up emojis)”

Kaagad namang nagpasalamat si Ethel kay Luis: “Thank you Luis sa help. Charot!”

THE OTHER SHOW

Kasunod nito, sinagot din ni Ethel ang isa pa niyang follower na nag-mention kay Vice Ganda at sa show nitong Gandang Gabi Vice.

Pag-amin ni Ethel: “Actually may guesting pa ako sa GGV na di pa din nabibigay ang TF until now. Charot!”

Continue reading below ↓

Hindi naman malinaw kung ang huling guesting ni Ethel sa nasabing Sunday night talk show ng ABS-CBN noong June 2018 ang tinutukoy ng comedienne.

Wala pang reaksiyon o pahayag si Vice at ang mga nasa likod ng Gandang Gabi Vice tungkol sa concerns ni Ethel hanggang sa mailathala ang report na ito.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In an exchange of tweets with her followers, comedienne Ethel Booba discloses that she has not been paid yet by ABS-CBN shows Minute To Win It and Gandang Gabi Vice months after her guestings.
PHOTO/S: @IamEthylGabison on Twitter, Minute To Win It Philippines on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results