Ai-Ai delas Alas son, daughter fall victims to online scammers

by Arniel C. Serato
Sep 23, 2019
Ai-Ai delas Alas posts on Instagram how her son Sancho (left) and daughter Sophia delas Alas (right) were victimized by scammers.
PHOTO/S: Courtesy: @sanchovito / @sophdelasalas on Instagram

Ikinainis ng Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas dahil pati ang kanyang mga anak ay hindi pinatawad ng online scammers.

Sa Instagram ngayong araw, September 23, ibinahagi ng Kapuso star ang ilang detalye kung paano nabiktima ng scammers ang kanyang mga anak na sina Sancho at Sophia delas Alas.

Kalakip nito ang screenshots ng usapan ng mga anak at katransaksiyon nila.

Sabi ni Ai-Ai [published as is]: “MAG INGAT SA MGA ONLINE SCAMMER -- kagabi sabay pang na scam ang mga anak ko ..

"si sancho kasi madaming relos and binebenta na nya na yung iba tutal d naman na nya ginagamit at si sophia naman sa ticket para sa oppa cha eun woo ..”

Kasunod nito, winarningan ni Ai-Ai ang aniya’y mga “demonyo” na walang magandang maidudulot ang kanilang masamang gawain sa kapwa.

Dagdag pa ni Ai-Ai [published as is]: “hay naku kung sino man kayong mga demonyo kayo d man kayo mahuli pero naniniwala ako sa karma ..

Continue reading below ↓

“makuha nyo man yan d nyo din yan mapapakinabangan kasi walang masamang gawain ang nag wawagi ..

“at sinabihan ko din mga anak ko wag masyadong mag tiwala sa mga tao ngayun kasi madaming ng masamang tao na mga pinsan o kapatid ng KALABAN ni Lord ...

“maging aral na lang ito sa kanila at satin na mag ingat sa mga online sellers and buyers .. magandang umaga.”

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas posts on Instagram how her son Sancho (left) and daughter Sophia delas Alas (right) were victimized by scammers.
PHOTO/S: Courtesy: @sanchovito / @sophdelasalas on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results