Kris Bernal reveals hackers are demanding $750

by Jet Hitosis
Sep 23, 2019
Kris Bernal gets emotional in her latest vlog as she struggles to retrieve her social media accounts from hackers. In the video, the Kapuso actress also discloses that hackers tried to call her through WhatsApp and sent a message demanding that she pay $750 to get her accounts back.
PHOTO/S: @krisbernal on Instagram

Hinihingan umano si Kris Bernal ng halos PhP40,000 ng mga nang-hack sa kanyang social media accounts upang mabawi niya ang kontrol sa mga ito.

Ito ang ibinunyag ng GMA-7 actress sa video na napanood sa YouTube nitong Linggo, September 22.

Sa pamamagitan ng WhatsApp, tinawagan at pinadalhan umano ng hackers ng message si Kris upang hingan ng $750 (PhP39,150) para maibalik sa aktres ang kontrol sa kanyang social media accounts.

Sa video, emosyonal na ikinuwento ni Kris kung paanong ginawa niya ang lahat upang ma-retrieve ang kanyang email, gayundin ang kanyang Instagram, Twitter, at Facebook accounts.

Umiiyak na sabi ni Kris sa video, “Ginawa ko na lahat... everything... pero hindi ko na siya ma-retrieve.”

Linggo ng madaling-araw nang kumpirmahin ng aktres, sa pamamagitan ng isang post sa kanyang SHE cosmetics brand site, na nabiktima siya ng hackers mula sa Turkey.

STRUGGLING FOR SOCIAL MEDIA PRESENCE

Sinabi pa ni Kris sa video na hindi niya maiwasang maging emosyonal dahil pinaghirapan niya ang lahat ng nasa kanyang social media accounts.

Continue reading below ↓

Sabi pa ni Kris, “I mean, I only got like 1.4M followers.

“It's not as much as others but it took like how many years to get those.”

Aniya, sa nakalipas na mga buwan ay isiningit niya sa kanyang schedules ang pagba-vlog para magkaroon ng social media presence.

Prangkang dagdag ni Kris, “I started vlogging and everything dahil gusto ko magkaroon ng social media awareness.

“Gusto ko maging malakas sa social media because alam ko pag TV talagang may viewers na talaga ako sa TV.

“Pero sa social media, gusto ko ma-capture yung audience na 'yon.

“Tina-try ko talaga yung best ko, like, every single day, I post something that is interesting.

“I don’t have time to vlog, isini-squeeze ko lang talaga siya sa schedule ko.”

“I LOST EVERYTHING”

Ayon sa aktres, naiintindihan niyang para sa iba ay “small thing” lang ang iniiyakan niya, pero para sa kanya ay napakalaki ng nawala dahil “now I lost everything.”

Continue reading below ↓

Giit pa ni Kris, nasa social media accounts niya ang mga detalye ng kanyang “shows... my businesses...”

Naiiyak pang binigyang-diin ng aktres: “It is hard work.”

Nanawagan din si Kris ng tulong sa sinumang maaaring magbigay ng ayuda sa kanyang sitwasyon.

“If there’s someone who could help me retrieve my account, please help.”

Kasabay nito, umapela si Kris sa kanyang social media followers na sana ay suportahan pa rin siya ng mga ito kapag gumawa siya ng mga bagong account.

Sa pagsilip ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Instagram ni Kris ngayong Lunes, September 23, naibalik na ang kanyang profile pic at mga detalye sa kanyang bio.

Continue reading below ↓

Ito ang hitsura ng Instagram bio ni Kris kahapon, September 22, matapos itong ma-hack:

Nabubuksan din at wala namang kakaibang posts sa Facebook account ni Kris, bagamat hindi pa rin makita ang kanyang account sa Twitter.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kris Bernal gets emotional in her latest vlog as she struggles to retrieve her social media accounts from hackers. In the video, the Kapuso actress also discloses that hackers tried to call her through WhatsApp and sent a message demanding that she pay $750 to get her accounts back.
PHOTO/S: @krisbernal on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results