Revelation ni Sharon Cuneta: "Dapat 35 years na kaming mag-asawa, e... Today."

by Noel Orsal
Sep 23, 2019
Happy 35th wedding anniversary sana ngayon nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.
Video: Noel Orsal.

Revelation ni Sharon Cuneta sa presscon ng nalalapit na concert nila ni Regine Velasquez, ngayong araw, September 23, ang anniversary ng kasal nila ng dating asawang si Gabby Concepcion.

Sep. 23, 1984 ikinasal sina Sharon at Gabby sa Manila Cathedral. Nagkahiwalay sila nung 1987 at opisyal na napawalang-bisa ang kanilang civil at church wedding nung 1994. Kasal na ngayon si Sharon sa senador na si Francis Pangilinan at meron silang dalawang anak na babae (Frankie, Miel) at isang legally adopted son (Miguel), habang si Gabby ay kasal at may dalawang anak na babae (Samantha and Savannah) kay Genevieve Yatco Gonzales.

"Dapat 35 years na kaming mag-asawa, e. As a matter of fact, today," sabi ni Sharon habang napa-"Oh, my God!" si Regine habang pinapakinggan ang kanyang idolo na magkuwento tungkol sa biglaang duet nila ni Gabby sa 12th Gabay Guro Gathering na ginanap sa Mall of Asia Arena kagabi, September 22.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results