Ella Cruz reacts to negative comments about fake wedding with Julian Trono

by Bernie V. Franco
Sep 24, 2019
Ella Cruz on fake wedding video with boyfriend Julian Trono: “Parang lahat mapapaniwala. Sobrang saya po namin kasi parang people na-acknowledge, they accept na yung love na sini-share namin.”
PHOTO/S: Noel Orsal /@niceprintphoto on Instagram

Inamin ni Ella Cruz na hati ang naging reaksiyon ng netizens na nakapanood ng “wedding video” nila ni Julian Trono ilang linggo na ang nakalilipas.

Ang video ay para sa kanilang TV series na A Not So Fake Love Story sa CignalTV.

Pero maging sina Ella at Julian ay nasorpresa sa dami ng taong nag-isip na totoong nagpakasal sila.

“Ang pinaka-negative [reaction] lang siguro, ang babata pa [namin],” pahayag ni Ella nang ma-interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pocket press conference ng pelikulang Edward sa Viva Office, Ortigas Center, Pasig City, nitong Lunes, September 23.

"Fifty-fifty siya. Fifty alam na for TV series.

“Yung fifty, ang alam nila totoo.”

Dagdag niya, “Ang isa pang pinaka-negative siguro buntis ako kaya nagpakasal nang maaga.

“Pero yun talagang negative na against sa wedding, wala naman po.”

Kuwento pa ni Ella, may mga lumalapit kay Julian sa mall para mag-congratulate.

“Even siya, kahit nagmu-mall siyang mag-isa, may lalapit sa kanya, ‘Congrats,' ganoon. Parang, ‘Okay, sige.’

Continue reading below ↓

“Parang lahat mapapaniwala.

"Sobrang saya po namin kasi parang people na-acknowledge, they accept na yung love na sini-share namin.”

RELATIONSHIP WITH JULIAN

Pero sa likod ng promo na iyon, nagsalita si Ella tungkol sa tunay na relasyon nila ni Julian.

Hindi ba promo lang ang pagkakaroon nila ng relasyon?

“Hindi, kasi recently wala naman kaming masyadong project together,” paniniyak ng aktres.

“Mas more on mas bini-build namin yung to be a better person.

“Yun siguro yung pinakamaganda sa naging relationship namin.

“Hindi kami naghihilahan pababa, parehas kaming nagtatrabaho together…

“Nagde-develop kami ng music content for YouTube, doon kami nag-jive, parehas kaming creative.

“Workaholic kami.”

Ikinuwento rin ni Ella kung paano nahulog ang loob nila sa isa’t isa.

“We’ve been a love team ever since 2017 naman po, di ba?

“Siguro di lang naman doon.

“Back when we were kids, Tropang Potchi kami magkasama.”

Ang Tropang Potchi ay ang Kapuso kiddie show (2009-2015), kung saan parehong hosts doon sina Ella at Julian.

Continue reading below ↓

Ayon kay Ella, “Ibang level na yung friendship namin, so lagi kaming nagkakasama sa mga mall shows.

“Nandun pa rin yung, 'Kababata ko ito, e.'

“Nagkasundo na lang kami eventually na we want to take care of each other.

“Walang together na tayo.

“In just one day, bigla na lang mutual understanding na lang siya, until na-develop na lang siya na na-develop na nasa tabi ng isa’t isa.

"'Sagot kita. Lagi ako nandito para sa iyo.'"

Napag-uusapan na ba ang kasal sa tunay na buhay?

“We’re too young," sambit ni Ella.

“At the same time, nagpapayaman pa po kami.

“Hindi pa kami ready sa ganoon.

"Pero siyempre, kaya naman kayo nag-jump sa ganitong relationship kasi ganoon naman ang pupuntahan ninyo.

“Kasi kung hindi naman iyon ang goal ninyo, bakit pa kayo nag-relationship.”

Tumanggi naman si Ella na sabihin kung ilang taon na silang magkarelasyon ni Juliam.

Ang Edward, na idinirek ni Thop Nazareno, ay magkakaroon ng commercial screening simula sa October 2, 2019.

Continue reading below ↓

Kasama ni Ella sa pelikula si Louise Abuel.

Sa nakaraang Cinemalaya 2019, nanalo ang Edward ng Special Jury Prize, Best Production Design, at Best Supporting Actress para kay Ella.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ella Cruz on fake wedding video with boyfriend Julian Trono: “Parang lahat mapapaniwala. Sobrang saya po namin kasi parang people na-acknowledge, they accept na yung love na sini-share namin.”
PHOTO/S: Noel Orsal /@niceprintphoto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results