Rapper Loonie tests positive for marijuana use

by Jet Hitosis
Sep 23, 2019
FlipTop Battle rapper Loonie and two male companions test positive for marijuana use and negative for shabu, as per the initial laboratory report released to the media by Southern Police District this Monday, September 23.
PHOTO/S: @loonieverse on Instagram

Nagpositibo sa paggamit ng marijuana ang rapper na si Loonie at dalawa pa niyang kasamang naaresto sa buy-bust operation sa Makati City kamakailan.

Batay sa initial laboratory report na inilabas sa media ng Southern Police District (SPD)-Crime Laboratory ngayong Lunes, September 23, positibo sa THC metabolites ang FlipTop Battle rapper, na Marlon Peroramas ang tunay na pangalan.

Ang THC, o tetrahydrocannabinol, ang pangunahing aktibong sangkap ng marijuana na nagbibigay ng “high sensation,” ayon sa healthline.com.

Positibo rin sa paggamit ng marijuana sina Ivan Agustin at David Rizon, na kasamang naaresto ni Loonie sa buy-bust operation sa Makati noong Miyerkules, September 18.

Negatibo naman sina Loonie, Agustin, at Rizon sa metamphetamine o shabu, batay sa pagsusuri sa kanilang urine specimen.

Kapwa nagnegatibo naman sa marijuana at sa shabu ang dalawa pang kasama ng tatlo, ang kapatid ni Loonie na si Idyll Liza Peroramas, at driver na si Albert Alvarez.

Nilinaw sa naturang report mula sa SPD-Crime Lab na isasailalim pa sa “confirmatory examination” ang “POSITIVE urine specimen” nina Loonie, Agustin, at Rizon.

Continue reading below ↓

Ang isinapublikong initial laboratory report ng pulisya ay gagamitin sa pag-inquest kina Loonie, Agustin, at Rizon, ayon sa SPD.

Mahaharap ang mga suspek sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (Republic Act 9165).

Matatandaang nagkakahalaga umano ng P105,000 ang 15 sachet ng hinihinalang high-grade marijuana o kush na nakumpiska umano mula sa grupo ni Loonie.

Sa harap ng mga miyembro ng media, mariing itinanggi ni Loonie, 33, na nagbebenta siya ng marijuana.

Kinabukasan, September 19, nag-trending ang #FREELOONIE ng fans ni Loonie upang igiit na palayain na ang rapper dahil na-set up lang umano ito ng pulisya.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
FlipTop Battle rapper Loonie and two male companions test positive for marijuana use and negative for shabu, as per the initial laboratory report released to the media by Southern Police District this Monday, September 23.
PHOTO/S: @loonieverse on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results