Jinri Park still waiting to be paid for an event appearance four years ago

by Jet Hitosis
Sep 24, 2019
Korean actress-model-TV host Jinri Park discloses in a tweet this Monday, September 23, that an event coordinator has yet to pay her: "It’s been 4 years. I don’t even know if I’ll ever get paid."
PHOTO/S: @jinri_88 on Instagram

Kung ang singer-comedienne na si Ethel Booba ay halos isang taon ang delay sa bayad sa talent fee, sinabi ng Korean model-actress na si Jinri Park na apat na taon na siyang naniningil para sa appearance niya sa isang event noong 2015.

Sa isang tweet nitong Lunes ng gabi, September 23, ibinunyag ni Jinri na isang event coordinator “hasn’t paid me for 4 years.”

Bukod dito, ayon kay Jinri, may ilang malalaking kumpanya ang inabot na raw ng tatlong taon pero hindi pa rin binabayaran ang kanyang talent fee.

Ito ang naging reaksiyon ni Jinri sa tweet ni Ethel nitong Linggo, September 22, tungkol sa hindi pa nababayarang guestings ng comedienne sa dalawang TV shows ng ABS-CBN.

Batay sa tweet ni Ethel, “merong iba dyan mga almost 1 year na di pa ma-claim ang TF sunod meron ding more than 5 months na ata.”

PROFESSIONALISM AND THE LACK OF IT

Continue reading below ↓

Tweet ni Jinri kinagabihan: “Not been paid for a year? I have an event coordinator that hasn’t paid me for 4years. Still counting.

“And big companies that haven’t paid me for 3years.

“Why can’t clients pay on time? yet they demand so much from talents.”

Nagpahayag naman ng pagkagulat ang Twitter followers ni Jinri kung bakit maraming celebrities ang nade-delay ang pagtanggap ng talent fee.

Kaagad na sinundan ni Jinri ang kanyang tweet: “Clients demand so much professionalism from talents yet they lack so much of it themselves.”

Ilan sa mga nagkomento ang nagsabing dapat ay may kontrata ang celebrities para tiyak na mababayaran kaagad.

May ilan ding nag-suggest kay Jinri na mag-hire siya ng abogado, habang hinikayat naman siya ng ilan na ibuko ang mga kumpanyang may utang pa sa kanya.

“I really want to just reveal who these clients are,” saad sa follow-up tweet ni Jinri.

“But I’m still being professional and patiently waiting.

Continue reading below ↓

“Now 3-4years of waiting. Don’t know how much longer I can wait.”

STOPPING IT ONCE AND FOR ALL

Himok kay Jinri ng isang netizen, na may handle na Edgar D. Buncalan Jr., huwag siyang pumayag na abusuhin siya, at kung maaari ay magpatulong siya sa media para maresolba ang kanyang problema.

Sagot ni Jinri, “This is true. It’s been 4years. I don’t even know if I’ll ever get paid.”

Sinabihan pa ng netizen si Jinri na kailangan niyang umaksiyon upang matapos na ang pang-iipit sa talent fee ng mga celebrity na tulad niya.

Reply ni Jinri, “This habit of clients delaying the payments of talents should really stop once and for all.”

Ito rin ang parehong sentimyento ni Ethel sa kanyang tweet nitong Linggo, nang ibunyag na hindi pa nababayaran ang guesting niya sa Minute To Win It noong March 2019, at sa Gandang Gabi Vice noong nakaraang taon.

Continue reading below ↓

“NAGKAHANAPAN NA NG NAWAWALANG RESIBO”

Tumugon naman ang Minute To Win It host na si Luis Manzano sa nabanggit na tweet ni Ethel, at sinabing aalamin niya kung ano ang nangyari.

Kaagad na nagpasalamat si Ethel kay Luis.

Nang mag-follow up kay Luis ang isang follower ni Ethel kahapon, September 23, nilinaw ng comedienne na kumikilos na ang TV host para tulungan siya.

Tweet ni Ethel: “Nagmessage na saken si Luis para tulungan macheck at hanapin sino may problema if sa bangko or sa management. Charot!”

May isa namang netizen ang nag-mention kay Vice Ganda, host ng Gandang Gabi Vice, tungkol sa problema ni Ethel, at sinagot din ito ng huli.

“Okay na with GGV nakausap na at nagkahanapan na ng nawawalang resibo. Charot!” sagot ni Ethel sa kanyang follower.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Korean actress-model-TV host Jinri Park discloses in a tweet this Monday, September 23, that an event coordinator has yet to pay her: "It’s been 4 years. I don’t even know if I’ll ever get paid."
PHOTO/S: @jinri_88 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results