Eddie Garcia partner blames GMA-7 for veteran actor's accident

by Jet Hitosis
Sep 24, 2019
Eddie Garcia's long-time partner Lilibeth Romero attends on Monday, September 23, the Senate inquiry prompted by the legendary actor's death due to an accident while shooting a TV series last June. Together with Garcia's family, she vowed "to fight until the end to get the rights and protection of his colleagues in place."
PHOTO/S: Facebook

“Kung ang pagkamatay ni Eddie Garcia ang magsisilbing gabay para wala nang peligro o panganib na mangyari sa loob at labas ng produksiyon, then ito rin po ang kagustuhan ni Eddie Garcia.”

Ito ang sinabi ni Lilibeth Romero, biyuda ng premyadong actor-director, nang humarap sa Senate hearing nitong Lunes, September 23.

Isinagawa ng Senate committee on labor and employment ang hearing para busisiin ang implementasyon ng Occupational Safety and Health Standards (OSHS) Law (Republic Act No. 11058), kaugnay ng aksidenteng ikinasawi ni Eddie.

Sa pagdinig, binasa ni Lilibeth ang inihanda niyang pahayag.

Patuloy niya, “If it takes his untimely death to prevent future threats to actors, stuntmen, and others inside the various production sets of television, film and movie industries, then I, together with the members of Garcia family, will fight until the end to get the rights and protection of his colleagues in place.”

June 8, 2019 nang madapa sa kable si Eddie habang nagte-taping para sa shelved na ngayong teleserye ng GMA-7 na Rosang Agimat.

Continue reading below ↓

Nagtamo ng neck fracture at halos dalawang linggong comatose ang 90-anyos na premyadong aktor bago tuluyang binawian ng buhay noong June 20.

EDDIE’S PARTNER BLAMES THE NETWORK

Nakasaad sa report ng Manila Bulletin na sa nasabi ring pagdinig ay sinisi ni Lilibeth ang GMA Network sa aksidente.

Aniya, “Categorically, I state that Eddie Garcia’s death was caused by gross negligence and unsafe working environment and absence of medical team on the set.

“Unfortunately, TV network GMA should have made the working environment of the 90-year-old Eddie Garcia safe for his work.”

Base naman sa report ng Philippine Daily Inquirer, bagamat inamin ni Cheryl Ching-Sy, assistance vice president for drama ng GMA Network, na walang safety officer sa taping nang mangyari ang aksidente, mayroon itong "three staff members who underwent training with Red Cross. And they were present on the set.”

DOLE IDENTIFIES THREE OSHS VIOLATIONS

Una nang inihayag ng Department of Labor and Employment-National Capital Region (DOLE-NCR) na nagkaroon ng tatlong paglabag sa OSHS ang GMA sa insidente, batay sa resulta ng imbestigasyon nito.

Continue reading below ↓

Ayon sa DOLE, (1) hindi nagsumite ang GMA at ang mga contractor ng report ng insidente sa loob ng 24 oras; (2) hindi nagtalaga ng safety officer; at (3) walang first aide professional sa location ng taping.

Sa opisyal na pahayag ng network nitong September 16, isa-isa nitong sinagot ang mga paglabag umano nito na tinukoy ng DOLE.

Giit ng GMA, (1) batay sa IRR (Implementing Rules and Regulations) ng OSHS, exemption ang agarang pagre-report ng insidente kapag nagdulot ito ng matinding pinsala o kamatayan; (2) hindi saklaw ng “workplace” sa IRR ang mga pansamantalang lugar ng trabaho tulad ng taping; at (3) may tatlong first aide responder sa taping sa Tondo, Manila.

GMA DENIES KEEPING THE INTERNAL PROBE REPORT FROM LILIBETH

Samantala, sinabi rin ni Lilibeth sa Senado na kinailangan pa niyang magmakaawa sa GMA Network upang makita ang investigation report ng network sa aksidente.

Aniya, “Lilybeth Rasonable did not want to first give me the investigation report.”

Continue reading below ↓

Tinukoy ng biyuda ang senior vice president for entertainment ng GMA-7.

“She said she owe it to the public to give it first to the public,” dagdag niya.

“I begged for it through my lawyer.”

Gayunman, nanindigan ang GMA-7 na ang pamilya ni Eddie ang unang binigyan ng kopya ng investigation report ng network.

Sa official statement na ipinadala ng network sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Martes, September 24, iginiit nitong ang sinabi ni Lilibeth ay “not true.”

Ayon sa network, ang pamilya ni Eddie ang “first to be furnished a copy of the investigation report,” sa pamamagitan ni Dr. Tony Rebosa.

Si Dr. Rebosa ang nagsilbing tagapagsalita ng pamilya ni Eddie sa buong panahong comatose sa ospital ang beteranong aktor.

Nakasaad pa sa pahayag ng GMA-7 na kaagad itong nakipag-ugnayan sa doktor matapos ang internal investigation ng network, pero nang mga panahong iyon ay wala sa bansa si Lilibeth.

Continue reading below ↓

Narito ang kabuuan ng official statement ng GMA (published as is):

“GMA Network acknowledges the family’s grief following the unfortunate passing of Mr. Eddie Garcia.

“However, the Network wishes to correct the statement made by Ms. Lilibeth Romero during the Public Hearing on Occupational Safety and Health Standards on September 23, 2019.

“During the said hearing, Ms. Romero stated that GMA did not want to give her a copy of the investigation report on the accident involving Mr. Garcia and that she begged for [the investigation report] thru her lawyer.

“This is not true. In fact, their family was the first to be furnished a copy of the investigation report.

“When the Network finished its internal investigation, the family of Mr. Garcia, through Dr. Tony Rebosa, was immediately informed about it.

“The Network coordinated with Dr. Rebosa and mentioned to him that GMA wanted the family to see the report first before releasing it to anyone else.

Continue reading below ↓

“Ms. Romero, however, was out of the country at that time.

“The Network subsequently agreed to delay the release to enable Ms. Romero to see the investigation result first upon her arrival.

“The said report was submitted to DOLE after a copy was given to the family.”

REVISION OF OSHS LAW BEING CONSIDERED

Samantala, nakasaad din sa report ng Manila Bulletin na plano ni DOLE Secretary Silvestre Bello III na pag-aralan ang umiiral na IRR ng OSHS Law para sa mga kinakailangang pagbabago para sa industriya ng pelikula.

“We will meet with them, the television and movie industry, so we will revisit our implementing rules and regulations,” sinabi ni Bello sa mga miyembro ng media.

“This might require some revisions on specific industries like the TV and movie industries.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Eddie Garcia's long-time partner Lilibeth Romero attends on Monday, September 23, the Senate inquiry prompted by the legendary actor's death due to an accident while shooting a TV series last June. Together with Garcia's family, she vowed "to fight until the end to get the rights and protection of his colleagues in place."
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results