Ken Chan, Rita Daniela speak up about snubbing issue with Alex Gonzaga

by Rommel Gonzales
Sep 25, 2019
Kapuso stars Rita Daniela and Ken Chan speak up about meeting Kapamilya TV host-actress Alex Gonzaga at Davao airport.
PHOTO/S: Noel Orsal

Mainit na pinag-uusapan ngayon ang isyung isnaban diumano sa pagitan ng Kapuso stars na sina Rita Daniela at Ken Chan at Kapamilya TV host-actress na si Alex Gonzaga.

Nagsimula ang balita sa Instagram post ng talent manager at entertainment columnist na si Lolit Solis na, diumano, malamig ang pakikitungo at halos hindi pinansin ni Alex sina Rita at Ken nang lapitan ito ng dalawa at magpakilala nang magkasabay sila sa isang airport sa Mindanao.

Continue reading below ↓

Itinanggi naman ito ni Alex sa komento niya sa Instagram post ni Manay Lolit.

Sabi ng Kapamilya star, “Ayyy nanay lolit, di po tayo magkakilala pero sino po source nyo mukhang mali ata kasi nagkamayan at nghi pa po kami sa isa isa at lahat ng iba pang GMA artists sa lounge.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“Niretweet ko pa si ken noon dahil nagchambe chambe sya.

“Lastly Salamat po sa mga salita nyo tungkol sakin ah, heartwarming”

Martes ng gabi, September 24, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kasama sina Allan Diones at Rohn Romulo, sina Rita at Ken sa premiere ng Kiko En Lala, ang launching movie ni Super Tekla, sa SM Megamall Cinema 2.

Dito ay hiningan namin ng pahayag ang dalawang Kapuso stars tungkol sa isyu.

Unang pahayag ni Rita, “Ano po, okay na po, kasi nagkausap na po kami, okay naman na kami ni Alex.

"So, sana po huwag na po nating gawing isyu, sana po tapos na po yung isyu since now, so…

Continue reading below ↓

“Kasi it shouldn’t be a big deal naman po talaga and the important thing is we’re okay.

“We’re okay, so…”

Ayon pa kay Rita, matagal na ang naturang pagtatagpo nila nina Ken at Alex sa airport.

Naganap naman daw ang pag-uusap nila ni Alex kahapon lang ng umaga.

WHAT REALLY HAPPENED AT THE AIRPORT

Ayon kay Rita ay tapos na ang isyu, pero nais malaman ng publiko ang tunay na nangyari—kung may isnaban ba talagang naganap.

Hindi agad nakasagot sina Rita at Ken, pero base sa expression ng mga mukha nila ay tila may katotohanan ang mga lumabas na balita.

Si Ken naman ang sumagot habang nanahimik si Rita.

Ayon sa Kapuso actor, “Hindi, sa totoo lang kasi, alam niyo naman kasi, may mga times talaga na... kahit hindi naman artista, may mga times talaga tayo na minsan, down tayo or pagod, wala sa mood.

"So, siguro yung gabi na yun na nakaharap namin si Alex, e, na-misinterpret siguro kasi ang dami namin dun sa lounge, e, sa Davao.

Continue reading below ↓

“So, ang daming tao, so nakita nila yung pag-meet namin and natuwa yung mga tao.

"Kasi nag-meet ang GMA at saka Kapamilya, so natuwa yung mga tao.

“Then, siguro na-misinterpret ng mga tao, ng mga nakapaligid doon na, na ano lang, iyon yung… ganun yung pag-take nila dun sa sitwasyon na yun, so…”

Kinumpirma nina Ken at Rita na lumapit at nagpakilala sila kay Alex.

“Yes, of course,” sabi ni Ken.

Pagsegunda naman ni Rita, “Yes po.”

Pagpapatuloy pa ni Ken, “Kasi ako, kasi nanonood ako ng vlogs ni Alex, e.

"Fan kami ni Rita, kaming dalawa, fan kami ni Rita niya."

Pagpapatotoo pa ni Rita, “Really a fan, really a fan of Alex! And it’s our way to pay respect to her.”

Base sa Instagram post ni Manay Lolit ay “tumango lang at parang deadma” raw si Alex. Totoo ba ito?

Saad ni Ken, “Hindi, yun nga, sabi ko nga kanina, siguro nung time na yun siguro, na pagod siya, dahil baka galing siya sa show or kaya may iniisip siya that time, hindi natin alam.”

Continue reading below ↓

Pero sa isang bahagi ng sagot ni Alex sa post ni Manay Lolit, sinabi nitong nag-shake hands pa sila nina Rita at Ken sa airport sa Davao.

Sabi ni Ken, “Totoo naman po yun, nag-shake, of course, kasi kami po yung lumapit sa kanya so shinake hands po niya.”

Pero malamig ba ang pakikitungo ni Alex sa kanila?

Hindi kumibo si Rita, at nang sabihin naming siya naman ang sumagot ay tumanggi ito ulit.

“Ayoko po, ayoko po, no,” pag-iwas ni Rita.

Kaya si Ken muli ang sumagot.

Paliwanag niya, “Actually, ano po, yung time po kasi na yun, ang daming tao kasi that time, e, hindi namin alam kung, kung, kung… nalilito ba siya sa mga… sa paligid niya, sa mga nangyayari?”

Pero sa normal na senaryo, tama bang mag-isnaban ang mga artista—Kapuso man o Kapamilya?

At this point ay kusang nagsalita si Rita.

Pahayag ng actress-singer, “Ako siguro, siyempre po, di ba, iba-iba naman po tayo ng personality and hindi naman po yun naging big deal talaga sa amin ni Ken.

Continue reading below ↓

"As in, the fact that we met her personally, because we’re a fan, that’s enough for us, you know.

“Iyon nga, kasi totoo talaga yun, hind mo maiiwasan na baka po siguro pagod po siya nung gabi na yun.

“Pero sana po, huwag na po nating gawin pang isyu o palakihin pa kasi hindi naman po dapat.”

ARE KEN AND RITA STILL FANS OF ALEX?

Ano ang napag-usapan nila ni Alex kahapon ng umaga?

"A, sana sa amin na lang po yun,” pag-iwas ni Rita.

Naayos sila?

“Yes po, so…” sagot ni Rita.

Kahit kapirasong bahagi ng pinag-usapan nila ay hindi ba maaaring ikuwento ni Rita, tutal ay maayos na sila?

“Hindi po, kasi respeto ko rin po yun sa kanya, kung anuman po yung napag-usapan namin,” paliwanag ng Kapuso actress.

Matagal na raw ang naturang insidente sa airport kaya ikinagulat nina Rita at Ken kung bakit ito lumabas ngayon.

Continue reading below ↓

Saad ni Rita, “Opo, kaya nagulat din po kami na bakit po, paano po [lumabas], kasi hindi naman din po kami nagsalita about it.

"It’s because, again, it’s not... wala naman po siya para sa amin ni Ken.

“So, nagulat din po kami kung paano po yun lumabas at naging isyu.”

Wala raw silang pinagkuwentuhan kaya posibleng may nakakita ng pangyayari.

“Maaari, maaari,” pagsang-ayon ni Rita.

Sabi naman ni Ken, “Iyon nga po ang sinabi ko kanina, baka naikuwento, kasi marami po kami dun sa lounge.

"And iyon siguro, may nakapansin or nakakita nung pag-meet namin with Alex, so iyon."

Pagkatapos ng insidente, fan pa rin ba sila ni Alex o medyo nagbago na ang pagtingin nila rito?

“A, hindi naman, of course hindi naman po, hindi naman po!” natawang sabi ni Ken.

Seryosong sabi naman ni Rita, “Hindi naman, we don’t judge someone naman dahil lang sa isang action ng isang tao.

Continue reading below ↓

"Kung may mistake man ang isang tao, hindi naman natin siya titingnan nang ganun na forever.”

Dagdag pa ni Ken, “And actually, ang gusto lang naman namin is, alam niyo naman po ang competition between GMA and ABS-CBN and bilang magkaibang network, ang sarap kasi sa pakiramdam na lumalapit kami sa mga Kapamilya natin sa ABS-CBN, artists, mga actors, na gusto naming makipagkaibigan.”

“Oo naman, oo,” nakangiting pagsang-ayon ni Rita.

Ayon pa kay Ken, “Ang sarap lang sa pakiramdam na meron kang mga kaibigan sa kabilang istasyon, na hindi namin iniinda, iniisip yung competition.

“So, wala sa amin yun, basta masaya lang lahat!

“Sabi nga namin, sana nga magkaroon ng event ang ABS-CBN at GMA na magkasama, parang GMA Network and ABS-CBN Ball!

“Para lahat magkakaibigan, kahit sa araw na yun, sa gabi na yun, mawala yung… hindi natin isipin yung competition, yung ratings.

“Alam mo yun, parang lahat tayo magkakakilala, na sa isang industriya lahat magkakaibigan.”

Continue reading below ↓

Sambit naman ni Rita, “Sana nga, celebrate lang.”

Masaya nga ang ganoon, pero kapag may isnaban na nangyayari, nasasaktan ba sila?

Pahayag ni Ken, “Alam mo, sa totoo lang po, bilang kaming mga artista, kaming dalawa ni Rita, naiintindihan namin sila.

"Dahil hindi natin alam kung ano yung pinagdadaanan nung artista na yun.

"Baka mamaya meron siyang problemang pinagdadaanan, meron siyang malalim na iniisip.

“Meron siyang problema sa career o sa pamilya, sa kaibigan.

"So, pag may mga ganun po kaming… honestly, meron, meron kaming nararanasan na ganun, iniintindi po namin.

“Bilang kapwa-artista namin, alam namin kung ano yung nangyayari sa kanila.

"So, kami, iniintindi namin at iyon, iyon yung ano, basta intindihan lang sa isa’t isa.”

Kung magkakaroon ng pagkakataon, nanaisin ba nilang maging kaibign si Alex?

“Of course!” sabay na bulalas nina Rita at Ken.

Dagdag ni Rita, “Why not? Oh, my gosh, again, we’re a fan of her, we’re a fan of her.”

Continue reading below ↓

Pagsusog ni Ken, “Yes, opo! Sa totoo lang, gusto po talaga naming… marami po kaming kaibigan dito sa loob ng GMA, but gusto po namin na magkaroon ng kaibigan outside GMA.”

Pagsang-ayon ni Rita, “Oo, sana. Siyempre, that would be really lovely.”

Dugtong ni Ken, “Kasi iisang industriya tayo, dapat tulungan, dapat walang competition.

"So, gusto naming maging kaibigan silang lahat, kung maaari."

Mananatiling bukas ang PEP.ph sakaling may nais linawin o ipahayag si Alex Gonzaga tungkol sa isyung ito.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso stars Rita Daniela and Ken Chan speak up about meeting Kapamilya TV host-actress Alex Gonzaga at Davao airport.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results