Watch Now

Aiko Melendez back to work after severe migraine attack

by Rommel Gonzales
Sep 25, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

Back to work si Aiko Melendez matapos isugod sa ospital noong Setyembre 14, Sabado.

Inakala niyang mild stroke iyon, pero severe migraine attack pala.

“I’ve realized that health is wealth. You need to hear your body also,” sabi ni Aiko nang maka-chat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Setyembre 24, Martes, via Facebook Messenger.

“And need ko also mas mag-ipon para sa insurance and need to pray and pray more na huwag na magkasakit, kasi bata pa ang mga anak ko, e.

“So, ang daming pumasok sa utak ko, more on sa future nila.

"Kaya now, mas extra careful ako sa pagkain and lifestyle ko.

“And mas pinipili ko ang mga ikaka-stress ko para huwag sumakit ang ulo ko.

“Kasi, migraine is stress and lifestyle-related, e.”

Balik-taping na si Aiko sa GMA-7 drama series na Prima Donnas.

Kumusta ang journey niya bilang isang Kapuso?

“Okay naman! Magaan ang work sa GMA. And halos lahat, kaibigan ko naman sa set. So, easy working environment ang set namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And kahit paano, okay rin ang ratings namin, so happy kami lahat,” pahayag ni Aiko.

AIKO IN A MUSICAL FILM?

Kasali rin si Aiko sa musical film na Damaso, na pinagbibidahan ni Arnell Ignacio sa direksiyon ni Joven Tan.

“Base siya sa Noli Me Tangere. Kakaiba siya, kasi, musical siya and sa big screen,” kuwento ni Aiko.

“I play the role ng producer ng film industry, ng film industry na naghihingalo na. I’m not sure kung isasali siya sa MMFF.

“Two days lang ako doon. Raket lang,” pag-amin ng premyadong aktres.

Kumanta ba siya sa movie?

“Hindi ako sing. Kasi, ako yung producer lang doon.

"Pero ang mga kaeksena ko, halos puro singers sila sa tunay na buhay, so kumakanta sila.

“So, noong una, sing si Nyoy [Volante], aliw ako noong kaeksena niya ako, namangha ako!

“And it must be so hard for them singers na gawin lahat yun again sa set, kasi, para silang nag-record uli.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results