Rocco Nacino explains why he can't marry girlfriend Melissa Gohing yet

by Arniel C. Serato
Sep 25, 2019
Rocco Nacino on relationship with volleyball player Melissa Gohing: "Masaya ako kasi stable, e. Nagiging interesting lang na iba yung field, exciting. So, malaking bagay, mas okay na hindi showbiz.”
PHOTO/S: Arniel Serato / @courtesy: @gohingmelissa on Instagram

Nasa tamang edad na si Rocco Nacino, 32, para mag-asawa.

Pero hindi raw muna nila ito iniisip ng kanyang girlfriend na si Melissa Gohing, 26, dahil may kanya-kanya pa silang commitment sa kani-kanilang karera.

Ayon sa Kapuso actor, “Hindi puwede, e. Ang dami kong ginagawa din, e.

“Kailangan tapusin ko din yung bahay ko. Nasa 75 to 80 percent... bahay talaga.

“Saka, nag-renew ako sa GMA, di ba? Tatapusin ko muna mga priorities ko.

“Three years [contract] so very happy ako.

“Ang dami nga nagtatanong, 'Kailan ka magpapakasal?'

"Sabi ko, 'Hindi naman ako magpapakasal na wala akong bahay.'”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang piling showbiz writers si Rocco sa intimate lunch ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) na handog ng TBA Studios kahapon Martes, September 24.

Isinabay na rin sa piging ang launching ng trailer ng pelikulang Write About Love na pinagbibidahan nina Rocco, Yeng Constantino, Miles Ocampo, at Joem Bascon.

Continue reading below ↓

Kasamang humarap ni Rocco sa press si Yeng at TBA Studios executives na sina Eduardo Rocha (leftmost) at Ting Nebrida (rightmost).

CELEBRATING THEIR SECOND ANNIVERSARY

Noong September 18 ang second anniversary nina Rocco at Melissa.

Pero hindi nila ito nai-celebrate dahil may show si Rocco sa ibang bansa.

Continue reading below ↓

Paliwanag ng aktor, “Wala, e, lumipad akong Dubai sa mismong anniversary namin.”

Bakit hindi na lamang niya isinama si Melissa sa Dubai?

Paliwanag ni Rocco, “E, di puwede, e, season niya ngayon, e.

"Pa-semifinals so kailangan focus.”

Si Melissa ay professional volleyball player at naglalaro para sa Creamline Cool Smashers.

Ayon kay Rocco, masaya ang relasyon nila ni Melissa kahit magkaiba ang mundo nilang dalawa.

“Ang ganda ng takbo ng relationship namin, e. 'Tsaka magkaibang mundo talaga.

“Inupo ko muna siya. Sabi ko, 'Sana maintindihan mo na wala ako [sa anniversary], pero bawi na lang.'

“Masaya ako kasi stable, e. Nagiging interesting lang na iba yung field, exciting.

“So, malaking bagay, mas okay na hindi showbiz.”

Sa tingin ba ni Rocco ay si Melissa na ang babaeng makakasama niya habambuhay?

“Super, yeah,” mabilis niyang sagot.

Dagdag pa niya, “Never happier, 100 percent.”

Hindi ba siya naging ganun kasaya sa mga dating karelasyon niya?

Continue reading below ↓

Sagot ni Rocco, “Nag-bounce back ako.

“Kailangan mo munang madurog bago bumangon.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rocco Nacino on relationship with volleyball player Melissa Gohing: "Masaya ako kasi stable, e. Nagiging interesting lang na iba yung field, exciting. So, malaking bagay, mas okay na hindi showbiz.”
PHOTO/S: Arniel Serato / @courtesy: @gohingmelissa on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results