John Lloyd Cruz spotted with mom on their way to New York

by Rachelle Siazon
Sep 25, 2019
Netizen shows plane selfie of John Lloyd Cruz looking happy with his mom, Aida Cruz, right beside him.
PHOTO/S: @myhappy_pill Instagram

Sinasabing magkasamang lumipad patungong New York ang aktor na si John Lloyd Cruz at ina nitong si Aida Cruz.

Base ito sa selfie ng mag-ina habang sakay ng eroplano noong Lunes, September 23.

Sa Instagram fan account na @myhappy_pill, makikita ang litrato ni John Lloyd na nakangiti habang katabi ang ina sa kanilang kinauupuan.

Bahagi ng caption nito, "Update: Mommy Aida and JLC going to New York."

Continue reading below ↓

Sa comments' section, kinumpirma ng netizen na noon lamang Martes kuha ang litrato ng aktor.

Sinundan niya ito ng isa pang litrato ni John Lloyd na kuha umano nang mag-layover ang aktor sa South Korea bago tumuloy patungong New York.

Dito ay makikitang prenteng nakaupo sa isang lounge area si John Lloyd na nakasuot ng simpleng shirt, jacket, at cropped jeans.

Continue reading below ↓

Sa hiwalay na Instagram post ni John Lloyd, na may petsang September 23, tiyempong mayroon itong litrato ng sky at clouds na tila kuha habang sakay ng eroplano.

Wala itong kalakip na anumang caption.

Hindi malinaw kung ano ang pakay ng mag-inang John Lloyd at Aida sa kanilang pagpunta sa New York.

Continue reading below ↓

Pero sa July 2010 issue ng YES! Magazine, nakasaad na sa U.S. naninirahan ang nakatatandang kapatid ni John Lloyd na si Allan Cruz.

Nailathala rin sa magazine ang ilang throwback pictures ng magkakapatid na John Lloyd, Allan, at Gil sa New York nang magkabasyon doon ang aktor noon.

Nito lang nakaraang Sabado, September 21, dumalo si John Lloyd sa showing ng Himala: Isang Musikal, ang stage adaptation ng pelikulang Himala (1982), na parehong isinulat ng acclaimed writer na si Ricky Lee.

Namataan si John Lloyd doon kasama ang perennial leading lady nitong si Bea Alonzo.

HOT STORIES

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizen shows plane selfie of John Lloyd Cruz looking happy with his mom, Aida Cruz, right beside him.
PHOTO/S: @myhappy_pill Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results