Jessy Mendiola cancels plan to leave ABS-CBN because of Sandugo

by Bernie V. Franco
Sep 25, 2019
Actress Jessy Mendiola confirms that she decided to stay as Kapamilya when she was offered a role in the upcoming teleserye, Sandugo. Prior to this, there were rumors that she will transfer to GMA Network.
PHOTO/S: Noel Orsal

Kinumpirma ni Jessy Mendiola, 26, na ang rason kaya siya nagdesisyong manatili sa ABS-CBN ay dahil sa role niya sa upcoming primet-time series na Sandugo.

“Yes po. I just want to set it straight. Yes po, for now...” maiksing tugon ni Jessy sa presscon ng Sandugo, na ginanap sa 9501 Restaurant sa ABS-CBN Compound, Quezon City, nitong Martes, September 24.

Paliwanag ng aktres, medyo late na nang ipasok siya sa teleserye na pinagbibidahan nina Ejay Falcon at Aljur Abrenica.

“Medyo mahirap for me kasi buo na yung story 'tsaka ongoing na yung taping nila nung pumasok ako.

“So, nung in-explain sa akin yung character habang pitching kami, kalagitnaan nagdadasal ako, ‘Sana gray character. Sana kakaiba siya sa mga ginawa ko.’

"Biglang bumagay siya.

"So, nung natapos na yung pitching, yung storytelling… tinanggap ko po.

“At this point po, gusto ko ring gumawa ng roles po na hindi ko pa nagagawa before and it’s very exciting, to be honest, na gumawa ng roles na hindi mo pa nararanasan.

Continue reading below ↓

“I’m having fun,” saad ni Jessy.

July 2019 nang unang kumpirmahin ni Jessy na mananatili siyang Kapamilya dahil sa offer na role sa Sandugo.

Pero bago ito ay may mga espekulasyon hinggil sa kanyang paglipat sa GMA Network, lalo pa’t nagkaroon siya ng makahulugang post na "old ending and new beginnings."

Ang espekulasyon noon ay mapapabilang siya cast ng Kapuso prime-time series na The Better Woman, na pinagbibidahan nina Andrea Torres at Derek Ramsay.

JESSY MENDIOLA ON REMAINING AS KAPAMILYA

Ibig sabihin nito ay mananatili siyang Kapamilya dahil sa current project niya sa ABS-CBN?

“Hmmm. Yeah, of course," sagot ni Jessy.

“I’m very thankful na nabigyan ako ng role at nabigyan ako ng show ulit.

“Marami na rin pong shows na ibinibigay, pero ako na rin po sa sarili ko na nagsasabi that would really be unfair sa people na nagbibigay sa akin ng trabaho, ayoko na gagawa ako ng role na mala-mala lang.”

Continue reading below ↓

Inabot din ng tatlong taon bago muling nabigyan ng regular teleserye si Jessy.

Ang huli niyang teleserye ay ang You’re My Home noong 2015-2016.

Pero nagkaroon siya ng guest appearance sa FPJ’s Ang Probinsyano noong 2018.

Sa katunayan daw, nanibago si Jessy nang magsimula na siyang mag-taping.

"Sobrang nanibago po ako kasi, actually, ang totoo niyan, medyo hesitant akong mag-soap ulit.

"Kasi, parang nawala na yung nakasanayan mo na nagti-taping ka palagi, 'tapos marami kang nakakatrabaho.

"Nangapa po ako nung first taping at second taping, pero they guided me.

"Parang bumalik yung passion, yung excitement."

May na-realize daw si Jessy sa tatlong taong break niya sa paggawa ng teleserye.

“I’ve realized na it’s important to give balance in your life.

“Pag may mga pagkakataon na yung feeling mo na hindi ka na nagkakaroon ng passion, hindi ka na nagkakaroon ng excitement pag tumatanggap ka ng project, might as well huwag ka na lang tumanggap.

Continue reading below ↓

"Kasi siyempre, you won’t be able to give your 100 percent.

"So, it would be really unfair sa mga katrabaho mo, sa mga bosses, sa production.”

Hindi na na-interview ng reporters si Jessy pagkatapos ng presscon proper dahil hinila na siya ng mga taga-production.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Jessy Mendiola confirms that she decided to stay as Kapamilya when she was offered a role in the upcoming teleserye, Sandugo. Prior to this, there were rumors that she will transfer to GMA Network.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results