Vina Morales, Cherry Pie Picache reveal how they deal with young stars with attitude problem

by Bernie V. Franco
Sep 26, 2019
Vina Morales (left) and Cherry Pie Picache relate how they deal with newbie actors with attitude problem.
PHOTO/S: Noel Orsal

Ipinaliwanag nina Cherry Pie Picache, 49, at Vina Morales, 43, kung paano nila kinakausap o pinakikitunguhan ang mga baguhang artista na mayroong hindi magandang ugali o attitude sa trabaho.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang dalawang aktres, gayundin sina Ariel Rivera at Gardo Versoza, sa press conference ng upcoming ABS-CBN afternoon teleserye na Sandugo.

Ginanap ang presscon sa 9501 Restaurant sa ABS-CBN Compound, Quezon City, nitong September 24, Martes.

Ayon kay Cherry Pie, “I guess, sa mga bata, kilala nila ako na pinapagalitan ko sila, I’m sure, but they know that it’s for their own good.

“Ganoon ako natuto. Old school nga ako, e.

“Nung nagsisimula ako, e, wala kaming network to back us up.

“Each and every project, we had to prove ourselves.

"So, dumadating kami sa set na dapat handa.

“Siguro yung disiplinang iyon, sa craft nila at sa trabaho, yun din ang gusto kong matutunan nila."

Continue reading below ↓

Patuloy niya, “Kasi, di ba, lalo na ngayon, there are a hundred, a thousand celebrities who would want to take your place—na talagang magtatrabaho o magpupursige.

“So, sinasabi ko sa kahit anong blessing, kapag ibinigay sa iyo, appreciate it, pagtrabahuan mo.”

Pinaprangka raw ni Cherry Pie ang mga baguhan kapag mayroon siyang napansing hindi magandang attitude.

“So, kilala nila ako doon na, outright, I tell them honestly how I feel.

“Pero pag alam ko na na hindi welcome [ang advice], ‘tapos wala nang pag-asa...

“Pag nararamdaman kong hindi welcome, pinababayaan ko na.”

Sabi pa ng aktres, ito rin ang paraan niya para tulungan ang mga baguhan, lalo na kung gusto niya ang mga ito.

“Pero malalaman nila iyon pag sobrang gustung-gusto ko sila.

"Ibig sabihin, gusto ko silang mag-succeed at tutulungan ko sila as much as possible.”

Aminado si Cherry Pie na mayroon din siyang kakulangan, kagaya ng pagkakaroon ng maiksing pasensiya.

Continue reading below ↓

“’Tapos yung longevity namin sa trabaho, yun 'yon, e… humihingi ako ng pasensiya, hindi na rin kami bumabata.

"So, umiiksi na rin ang pasensiya mo, kasi gusto mo lahat ng trabaho maayos.

“So, minsan sa set talaga, alam yun ng mga katrabaho ko, minsan maiksi ang pasensiya because, at the end of the day, you really want to work professionally, maging maayos sana, coupled with good attitude.

“Sa lahat ng katrabaho mo kasi, at the end of the day, hindi kung paano ka kagaling, e, kung paano ka katrabaho.”

UNDERSTANDING THE NEWBIES

Sabi naman ni Vina, sinisikap niyang intindihin ang kakulangan ng isang baguhan hangga't makakaya.

Pahayag ng actress-singer, “Tatlong dekada na rin naman ako [sa industriya].

“So, nine years old ako, ako yung pinapakisamahan noon, ako yung tinuturuan...

“Siguro this time, I understand kung meron man silang pagkukulang.

"Kasi dumadating talaga sa stage na ganoon, e... na hindi mo alam kung ano ang nasa isip nila pagdating sa work o problema sa buhay, nakakayanan ba nila ang intriga and all.

Continue reading below ↓

“Dumadating kasi sa ganoon, hindi mo masyadong naiintindihan yung pinagdadaanan nila.

"But I always make sure naman, lalo pag naging kaibigan ako, I always tell them to appreciate all the blessings, lalo na ang mga projects na ibinibigay sa kanila at aralin nila lahat ang mga eksena.

“Dapat bago dumating sa location, dapat alam mo na kung ano ang gagawin mo, even the lines.”

Paano kung nagiging sakit na ng ulo ang isang artista?

Sagot ni Vina, “Pag ganyan, medyo may problema na ako, isinusumbong ko na sa production.

"Kasi, di ba, at least sila na magsabi mismo kung ano ang medyo hindi ako kumportable.

“I tell them.”

GARDO VERSOZA AND ARIEL RIVERA

Paliwanag naman ni Gardo Versoza, 49, “Para sa akin kasi, kanya-kanyang pananaw iyan dahil iba-iba naman tayo ng pagpapalaki.

"So I’m speaking for myself.

“Hindi ko na saklaw kung papa'no siya pinalaki ng mga magulang niya, basta hindi siya nakakasakit, wala siyang masamang epekto, okay lang sa akin.

Continue reading below ↓

“Pero, like every now and then, kung makakapagbigay ka naman ng pointers, tips para sa kanya, bakit naman hindi?”

Para naman kay Ariel Rivera, 53, hindi niya ipinipilit ang kanyang payo sa isang artista “if they don’t seek my opinion.”

Ang Sandugo ay pinagbibidahan nina Ejay Falcon, Aljur Abrenica, Elisse Joson, at Jessy Mendiola.

Kabilang din sa cast sina Arlene Muhlach, Cogie Domingo, Mark Lapid, Jeric Raval, Ogie Diaz, Maika Rivera, Reign Parani, Ali Abinal, Karina Bautista, at Aljon Mendoza.

Magsisimula ito sa September 30, Lunes.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
Vina Morales (left) and Cherry Pie Picache relate how they deal with newbie actors with attitude problem.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results