Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Rodjun Cruz defends fiancée Dianne Medina in Kylie Verzosa-Maxine Medina spitting issue

by Jet Hitosis
Sep 26, 2019
Rodjun Cruz says it's "normal" for fiancee Dianne Medina to defend cousin Maxine Medina on the spitting issue between the latter and Kylie Verzosa "dahil para silang magkapatid talaga."
PHOTO/S: Noel Orsal, @rodjuncruz on Instagram

Para kay Rodjun Cruz, normal lang maging “emotional” ang fiancée niyang si Dianne Medina kapag kamag-anak nito ang nalalagay sa alanganin.

Lalo na dahil kapatid na ang turing ni Dianne sa pinsang beauty queen-turned-actress na si Maxine Medina.

Matatandaang nabunyag ang tungkol sa pagdura ni Kylie Verzosa kay Maxine sa kasagsagan ng matinding eksena nila sa Kapamilya teleseryeng Los Bastardos dahil sa blind item na post ni Dianne sa Facebook ngayong buwan.

Sa post ng actress-host, sinabi niyang “pamilya” niya ang dinuraan ng aktres, kahit wala naman iyon sa script.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Rodjun sa media conference ng upcoming GMA-7 prime-time series One of the Baes kahapon, September 25, binigyang-linaw ng aktor ang panig ng kanyang fiancée sa nangyari.

Sabi ni Rodjun, “Para sa akin, bilang family, maiintindihan mo rin si Dianne dahil hindi naman biro talaga na gawin yun.

“Lalo na, siyempre parang kapatid niya talaga si Maxine... dikit sila, e.

Continue reading below ↓

“Normal lang yun na reaction ng isang pamilya na ipagtatanggol mo talaga yung pamilya mo.”

Ayon kay Rodjun, hindi lang magkapatid ang mga ina nina Dianne at Maxine, kundi magpinsan pa ang mga ama ng dalawang aktres.

“Lumaki sila na magkasabay, pinalaki sila ng lola nila. So, para silang magkapatid talaga.”

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Dagdag pa ni Rodjun, “Naiintindihan ko yung side din ni Dianne, dahil kung sa akin, sa family ko o sa pinsan ko, gaganun talaga ako.”

Nilinaw naman ni Rodjun na sa ngayon ay hindi na nila pinag-uusapan ni Dianne ang nangyari, lalo na't nagkaayos na rin naman sina Maxine at Kylie.

MAXINE-KYLIE SPAT NOW OVER

Sa thanksgiving media conference ng ABS-CBN drama series na Los Bastardos nitong September 18, sabay na kinumpirma ng magkaibigang beauty queen—at batchmates sa Binibining Pilipinas 2016—na nagkaayos na sila.

Sinabi ni Kylie na nadala lang siya sa eksena at nag-apologize naman daw siya kaagad kay Maxine.

Continue reading below ↓

Nag-sorry rin naman si Maxine kay Kylie na lumaki ang isyu at na-bash sa social media ang huli, dahil naihinga niya sa kanyang pamilya ang nangyari.

Inamin naman ni Kylie sa harap ng entertainment reporters na hindi si Maxine ang “nakasakit” sa kanya kundi si Dianne.

Eksaktong quote kay Kylie: “Actually, hindi po si Maxine yung nakasakit sa akin. Pero siya [Dianne] po yung nakasakit sa ‘kin.”

Hiningan ng PEP.ph ng reaksiyon si Rodjun tungkol sa pahayag ni Kylie.

Saad ng Kapuso actor, “Para sa akin, hindi naman dapat sumama... o mainis si Kylie kay Dianne, dahil normal lang na reaksiyon yun ng isang tao na nagmamahal sa kanyang pamilya, at poproteksiyunan ang kanyang pamilya.”

Sinabi rin ni Rodjun na hindi nag-usap sina Dianne at Kylie dahil hindi naman talaga personal na magkakilala ang dalawa.

“Never pa naman talaga sila nagkikita, face to face. Hindi naman sila nag-uusap,” aniya.

LIKE KYLIE AND MAXINE, DIANNE HAS MOVED ON

Gayunman, nilinaw ng 32-anyos na aktor na kung nagkaayos na sina Maxine at Kylie ay nasisiguro niyang tapos na rin ang isyu para kay Dianne.

Continue reading below ↓

“Si Dianne naman, kung ano din yung desisyon ng pinsan niya, naka-support lang siya all the way kay Maxine.”

Ayon kay Rodjun, sa mahigit isang dekada nilang relasyon ay kabisado na niya ang ugali ni Dianne; hindi ito ang tipong nagtatanim ng galit o nagkikimkim ng sama ng loob.

“Si Dianne, mabait talaga yun. Hindi naman nakikipag-away 'yan, e.

“Hindi naman 'yan basta-basta gumagawa ng gulo.

“Siyempre, kapag yung family lang talaga niya, dun lang lumalabas yung pagiging emotional niya.”

Siniguro ni Rodjun sa PEP.ph na wala nang anumang isyu si Dianne kay Kylie sa ngayon.

“Si Dianne, nag-serve din siya sa Church. Normal lang, tao lang.

"Siguro naging emotional lang siya.

“Pero after nun, idinadasal mo na lang, ino-offer mo na lang lahat kay Lord.”

Ang mahalaga, ayon kay Rodjun, ay nagkaayos na sina Maxine at Kylie at wala nang problema.

“What’s important is okay na yung lahat.

“Okay na rin si Maxine ‘tsaka si Kylie, so happy-happy na lang."

Continue reading below ↓

Dagdag niya, “Siyempre may mga pinagdadaanan din talaga tayo sa buhay, pero pag mali, at least alam na nila na nagkamali sila, magiging tama na lahat.”

RODJUN TO WED DIANNE ON DECEMBER 21

Samantala, isinasabay ni Rodjun ang taping niya ng One of the Baes sa preparations ng kasal nila ni Dianne sa December 21 ngayong taon, na gaganapin sa Manila Cathedral.

Binanggit din ni Rodjun na kabilang sa entourage ni Dianne si Maxine.

Sisimulan nang ipalabas sa Lunes, September 30, ang One of the Baes, kung saan gaganap si Rodjun bilang ex-boyfriend ni Rita Daniela—na bida sa serye katambal si Ken Chan.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rodjun Cruz says it's "normal" for fiancee Dianne Medina to defend cousin Maxine Medina on the spitting issue between the latter and Kylie Verzosa "dahil para silang magkapatid talaga."
PHOTO/S: Noel Orsal, @rodjuncruz on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results