Kyline Alcantara clarifies rumors linking her to Miguel Tanfelix, Darren Espanto

by Arniel C. Serato
Sep 26, 2019
Kapuso actress Kyline Alcantara on Kapamilya singer Darren Espanto: "Sobrang friends po kami,. Kmbaga, kung papipiliin man ako kung jojowain o totropahin, totropahin. He’s a nice person, a very talented person.”
PHOTO/S: Arniel Serato

Priority ni Kyline Alcantara, 17, ang kanyang karera kesa love life.

Nakangiting pahayag ng Kapuso fast-rising star, “Wala po akong boyfriend ngayon.

“Wala po akong boyfriend. I’m not talking to anyone right now.”

Wala naman daw malisya ang closeness nila ng Kapamilya singer na si Darren Espanto, 18.

Sabi ni Kyline, “Si Darren Espanto po, naku, we’re friends po ni Darren.

“Sobrang friends po kami.

"Kumbaga, kung papipiliin man ako kung jojowain o totropahin, totropahin.

“He’s a nice person, a very talented person.”

Hanggang ngayon ay hindi pa rin mamatay-matay ang naging ugnayan diumano nila ni Miguel Tanfelix, 21.

Nagkasama sina Kyline at Miguel sa dating Kapuso prime-time series na Kambal Karibal.

“Opo, na-link po ako sa kanya,” pag-amin ng dalaga.

Pero mariin niyang itinanggi na niligawan siya ng aktor.

Ayon kay Kyline, “Yun po yung hindi totoo.

Continue reading below ↓

"Hindi totoong nililigawan niya ako because I’m still young and he’s old na.”

Biro pa niya sabay tawa, “Hindi naman sa old, pero kulong po ang hanap niya.”

Ang ibig sabihin ni Kyline ay dahil minor pa siya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kyline sa grand media conference ng pelikulang Black Lipstick noong Martes, September 24.

Kasama rin sa Black Lipstick sina Migo Adecer, Manolo Pedrosa, Kate Valdez, Chesca Salcedo, Nella Marie Dizon, Angel Guardian, Angelie Sano, James Teng, Nicole Villanueva, Phi Ramos, Charming Laguslad, Patricia Roxas, Thia Tomalla, at Snooky Serna.

Ipapalabas ang pelikula ito mula sa Obra Cinema simula sa October 9.

Continue reading below ↓

LAUNCHING MOVIE

Aminado si Kyline na labis-labis ang pressure na nararamdaman niya ngayong malapit nang ipalabas ang launching movie niya sa mga sinehan.

Aniya, “Honeslty po, pressured po.

"Pressured po maging bida and, at the same time, excited po ako na makita po ako ng aking mga Sunflowers [tawag sa kanyang mga fans], lahat ng mga Kapuso natin, na mabait naman po ako.

“Yeah, mas more on pressured po and kinakabahan.”

Sukatan sa kasikatan ng isang artista kapag dumayo ang mga tao sa sinehan upang bumili ng tiket at manood ng pelikulang pinagbibidahan ng kanilang iniidolo.

Sabi ni Kyline, “Honestly, ang dami pong tumatakbo sa utak ko ngayon na positive but, at the same time, the devil is always there.

“So, ang dami pong negative din na pumapasok sa isip ko and ayoko naman po na makain ng negativity na yun, at I’m spreading positivity sa lahat.

Continue reading below ↓

“Like what I’ve said, may mga negative things na pumapasok sa buhay natin or negative thoughts na tumatakbo po sa utak natin.

“Sana po, sana po talaga ay abangan po and manood po lahat ng hindi lang Kapuso, lahat po ng mga Pilipino.”

Paano niya mina-manage ang pressure na kanyang nararamdaman?

Saad ni Kyline, “I’m an overthinker po kasi, honestly, I’m an overthinker.

“And may mga times, kapag may mga times na mag-isa lang ako, dun po ako sobrang nag-o-overthink.

“May mga times na I’m crying by myself kasi parang may mga negative thoughts na pumapasok sa utak ko.

"But I learned na para ma-overcome mo yun and para maging positive ulit yung outlook mo sa life mo, just talk to God, talk to Him about your feeling, and just pray.

"Kasi, feeling ko po, yun po yung dapat na nakasanayan natin—to pray, to talk, to communicate to Him.

Continue reading below ↓

"Kasi sasagutin Niya naman po yun in a very unexpected way."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actress Kyline Alcantara on Kapamilya singer Darren Espanto: "Sobrang friends po kami,. Kmbaga, kung papipiliin man ako kung jojowain o totropahin, totropahin. He’s a nice person, a very talented person.”
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results