Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Alex Gonzaga addresses netizen calling her "ang arte, may ugali, galing sa hirap"

by Rachelle Siazon
Sep 26, 2019
Kapamilya star Alex Gonzaga refuses to put up with netizen criticizing her personality and showbiz career.
PHOTO/S: Noel Orsal

Hindi pinalampas ni Alex Gonzaga ang pambabatikos ng isang netizen sa kanyang pagkatao gayong hindi naman daw sila personal na magkakilala.

Ito ay matapos masangkot ng Kapamilya TV host-actress sa insidenteng inisnab niya diumano ang Kapuso stars na sina Ken Chan at Rita Daniela nang magkrus ang kanilang landas sa airport sa Davao.

Sa kanyang Instagram Stories nitong mga nagdaang araw, ibinahagi ni Alex ang screenshot ng mensahe ng isang netizen na tinawag siyang "may ugali" at nagbitiw ng pagmumura laban sa aktres.

Bahagi ng mensahe ng netizen laban kay Alex:

"Ang arte mo galing ka naman sa hirap!

"Kundi ka lang naman naging vlogger wala kang chance sa showbiz!

"Wala kang fans sa lahat ng naging show mo unlike si rita at ken!"

Naka-tag din sa mensahe ng netizen si Paul Soriano, asawa ng nakatatandang kapatid ni Alex na si Toni Gonzaga.

Dagdag ng netizen, "Naniniwala na talaga ako na may ugali kayong magkakapamilya!

Continue reading below ↓

"Lagi na lang kasing may balitang ganito sa inyo e!!! @paulsoriano1017"

Sa parte ni Alex, ipinirating niya sa netizen na walang basehan ang mga akusasyon nito.

Bungad ni Alex, "Next time ang galit mo sa buhay wag mo masyado ilabas sa comment section."

Hindi raw nagustuhan ng Kapamilya star ang pandadawit sa kanyang pamilya, lalo na't wala namang kinalaman ang mga ito sa isyu.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"I hope next time you won't tag my bro in law and don't involve my family too sa pagiging gullible mo."

Continue reading below ↓

Sa huli, sinagot din ni Alex ang patutsada ng netizen sa umano'y hindi pag-alagwa ng showbiz career ng aktres kung hindi raw dahil sa pagiging vlogger nito.

Sabi ni Alex, "I am proud that yes we may not be rich when we were young but we worked hard as a family and i am thankful vlogging came into my life coz it made me be a blessing to a lot of people.

"Vlogging should not be a derogatory term."

Continue reading below ↓

Habang isinusulat ang artikulong ito ay hindi na makikita sa Instagram Stories ni Alex ang kanyang pagsagot sa netizen.

THE ALLEGED SNUBBING INCIDENT

Noong Martes, September 24, una nang nilinaw ni Alex na walang katotohanan ang balitang dinedma niya sina Ken at Rita nang magpakilala ang mga ito sa kanya sa airport.

Ayon kay Alex, "nag-hi" siya kina Ken at Rita.

Tulad ni Alex, naroon din ang dalawang Kapuso stars sa Davao para sa hiwalay na regional tour doon ng ABS-CBN at GMA-7 noong August 31.

Taliwas ito sa ulat ng batikang entertainment columnist at talent manager na si Lolit Solis, na nagsabing "Tumango lang daw si Alex at parang dedma" kina Ken at Rita nang maganap ang insidente.

Sa panig ni Alex, ipinagtanggol siya ng kanyang ate na si Toni.

Ani Toni, huwag nang magpaapekto pa si Alex sa opinyon ng iba na hindi naman daw siya talagang kilala bilang tao.

Continue reading below ↓

NO BIG DEAL

Sa kabilang banda, nagsalita na rin sina Ken at Rita hinggil sa isyu at sinabing hindi na ito dapat palakihin pa.

Paniniguro pa ni Rita, nagkausap na rin sila ni Alex noong Lunes ng umaga, September 23.

"Kasi it shouldn’t be a big deal naman po talaga and the important thing is we’re okay."

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya star Alex Gonzaga refuses to put up with netizen criticizing her personality and showbiz career.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results