Boobay not jealous of Super Tekla's launching movie; admits crush on Martin del Rosario

by Rommel Gonzales
Sep 27, 2019
Boobay not jealous of Super Tekla's launching movie: “Wala, walang ganung thought. Honestly, walang ganung thought. Kung ibibigay, ibibigay sa iyo. Naniniwala pa rin ako sa thought na it pays to wait. Kung hindi man darating ngayon, if it’s not now, malay mo bukas."
PHOTO/S: Noel Orsal / Boobay Instagram

Super-happy si Boobay—Norman Balbuena sa tunay na buhay—na may launching movie na si Super Tekla.

Magkasama ang dalawa sa late-night Kapuso program na The Boobay and Tekla Show (TBATS).

“Kasi, kung anong achievement niya, parang achievement na rin natin yun bilang nasa iisang programa kami.

“Ayan, kumbaga, mas malaking crowd na yung kanyang mapapasaya, di ba?

“I’m sure, ang tagal niya ring pinaghintayan ito at pinaghandaan naman niya nang bonggang-bongga.

“Kaya andito tayo ngayon to show support para sa kanya,” hirit ni Boobay nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa premiere night ng movie ni Super Tekla na Kiko en Lala noong Setyembre 24, Martes, sa SM Megamall.

Wala ba siyang pagtatanong kung bakit hindi siya ang unang binigyan ng launching film gayong mas una siyang sumikat sa showbiz kaysa kay Super Tekla?

“Wala, wala, wala. Okay lang yun!

"Support-support tayo sa mga ganyan lalo pa’t, iyon nga, yung programa namin ngayon, yung The Boobay and Tekla Show, magwa-one year na kami.

Continue reading below ↓

“This coming January, at birthday ni Tekla yun!”

Bakit hindi guest si Boobay sa Kiko en Lala?

“Actually, inanuhan ako para mag-cameo.”

Tumanggi siya?

“Hindi naman ako tumanggi. Meron akong prior commitment… maka-prior?! Ha! Ha! Ha!

“Siyempre, gustung-gusto kong mag-guest, ang ganda sana.

“Kaso, may mga napirmahan nang raket-raket, alam mo naman ang mga raket sa labas.”

Ni minsan ay wala siyang kuwestiyon sa GMA-7 na, ‘Ako naman po, kailan ninyo ilu-launch?’

Sagot ni Boobay, “Wala, walang ganung thought. Honestly, walang ganung thought.

“Kung ibibigay, ibibigay sa iyo. Naniniwala pa rin ako sa thought na it pays to wait.

"Kung hindi man darating ngayon, if it’s not now, malay mo bukas."

Bakit sa tingin niya ay binigyan na si Super Tekla ng launching movie?

”Kasi, deserve niya naman yun.”

Siya ba ay hindi niya deserve?

“Deserve ko rin naman!” at tumawa si Boobay.

“Basta, let’s be happy sa achievements ng mga kaibigan natin at nakakasama sa trabaho.

Continue reading below ↓

“Kasi, once na in-entertain mo yung ganung thought, talagang mawawala ka na sa ano.

“Unlike kung maging happy ka sa achievements ng iba, may chance na bumalik din sa iyo yun, di ba?”

Kaya kahit konting inggit ay wala siya kay Super Tekla?

“Wala! Kagagaling nga lang namin ng taping ng TBATS kaya bilib din ako sa kanya, ’Bakla, kaya mo talaga pa rin? Buong araw tayong nag-taping, 'tapos ayan ngayon, premiere night.’”

Hindi niya binibiro ang mga taga-GMA management na, ‘Sana po ako rin’?

“A, hindi, wala talaga,” paniniyak ni Boobay.

Pero gusto raw niyang magkaroon din ng launching movie.

“Kung ibibigay nila yung pagkakataon, why not?

"Siyempre, privileged ka rin kapag binigyan ka ng pagkakataon na ganun. Who knows?”

CRUSH ON MARTIN DEL ROSARIO

Sa Kiko en Lala ay si Derrick Monasterio ang leading man ni Super Tekla.

Kapag si Boobay naman ang nagkaroon ng launching film ay si Martin del Rosario ang nais niyang maging leading man.

Continue reading below ↓

Saad ng comedian-TV host, “Hindi naman pagnanasa, crush ko, kasi ang bait-bait niya!

"Nakakasama ko siya sa raket-raket dati pa.

“Ang ganda ng mata niya.”

Kapag may shows sa mga iba-ibang lugar ay madalas silang nagkakasama ni Martin sa service na sasakyan papunta sa venue, pati na rin sa standby area.

“Papuntang Abra, ganyan. Mabait, 'tsaka nakakausap mo na parang normal na ano.

"Kahit ngayon na nanalo siya ng award sa pelikula niya, ganun pa rin siya.”

Best Actor si Martin sa Pista ng Pelikulang Pilipino para sa The Panti Sisters.

Kapag nagkapelikula sila, gusto ba niyang magkaroon sila ng love scene ni Martin.

“Siyempe yung ganun, love scene, ganun. Akala mo, ang ganda-ganda?

“Kung ibigay, why not?” sabi ni Boobay.

Si Martin lang ang crush niya sa showbiz. Hindi rin siya affected sa mga gender issues kay Martin.

“Ano, made-depress ako? Umabot na ako sa ganun? Parang iba na?” at tumawa si Boobay.

Continue reading below ↓

“Hindi, proud ako sa kanya, mabait siya, hindi siya nagbago.

“Hindi ba, iisipin mo, pag nakatanggap na ng award medyo aloof na siya, pero ganun pa rin siya.”

TBATS VS GGV

May mga pagkakataong tinatalo ng TBATS ang Gandang Gabi Vice ni Vice Ganda sa rating.

Pahayag ni Boobay tungkol dito, “Hindi naman namin inaano yun, hindi namin ini-imbibe, hindi namin pinapasok sa utak namin.

“Kasi, una sa lahat, nung inano sa amin yung show, nung ibinigay sa amin, ipinagkaloob sa amin, ang sabi, ‘Para lang magdagdag tayo ng kasiyahan every Sunday,’ magkaroon ng bagong audience, di ba?

“Magkaroon ng bagong pagpipiliang panoorin ang mga manonood at naging bonus na lang talaga sa amin yun na... alam mo yun, sa mga ratings, pumapalo kami.

“Ibig sabihin, marami kaming napapasayang crowd, na mga Kapuso.”

Ikinagulat ba nila na tinatalo nila si Vice Ganda?

“Basta chill-chill lang, ganun. 'Tsaka ang importante, may trabaho, di ba? 'Tapos iyon, nakakapagpasaya ka pa.

Continue reading below ↓

“And at the same time, nakukuha na namin yung proseso. Kasi, marami kaming segments, iyon ang naiiba sa amin talaga.”

Wala silang ginagayang show.

“Yes! Meron kaming labas, nilalapitan namin yung viewers, hindi sila basta nanonood sa amin, kundi kasama sila sa kasiyahan.

"''Tsaka iba yung mga tao sa likod ng programa, talagang nagkakaroon sila actually ng seminar yata, nagse-seminar sila every ano.”

Hindi naman sila magkaibigan ni Vice?

Ayon kay Boobay, “Kakilala naman.

"During nung nag-start ako sa Klownz 'tsaka Zirkoh, dumadalaw-dalaw pa siya nun sa backstage sa Zirkoh.”

Ngayon ay hindi na?

“Ngayon, hindi na siyempre, busy na siya.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Boobay not jealous of Super Tekla's launching movie: “Wala, walang ganung thought. Honestly, walang ganung thought. Kung ibibigay, ibibigay sa iyo. Naniniwala pa rin ako sa thought na it pays to wait. Kung hindi man darating ngayon, if it’s not now, malay mo bukas."
PHOTO/S: Noel Orsal / Boobay Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results