Donnalyn Bartolome attests to Alex Gonzaga's kindness; Mommy Pinty reaches out to Lolit Solis

by Bernie V. Franco
Sep 27, 2019
Singer-actress Donnalyn Bartolome (left) recounts memorable experience with Alex Gonzaga, who agreed to appear on her music video despite not feeling well.
PHOTO/S: Photo grabbed from Donnalyn's music video on YouTube

Ipinagtanggol ng actress-singer na si Donnalyn Bartolome si Alex Gonzaga sa gitna ng pagkakasangkot ng huli sa snubbing issue kasama ang Kapuso stars na sina Ken Chan at Rita Daniela.

Inilahad ni Donnalyn ang magandang karanasan niya kay Alex, na taliwas sa negatibong impression dito bunsod ng mga kinasangkutang isyu kamakailan.

Noong September 23, Lunes, nag-post ang talent manager at entertainment columnist na si Lolit Solis tungkol sa diumano’y pang-iisnab ni Alex kina Ken at Rita sa isang airport sa Mindanao.

September 9 naman nang mag-tweet ang isang netizen dahil may kaibigan daw itong buntis na tinangkang unahan ni Alex at ng kanyang mga magulang habang nasa pila sila sa immigration.

DONNALYN ATTESTS TO ALEX’S KINDNESS

“Share ko lang experience ko kay Alex, this is the perfect time to tell all of you about this,” bungad ni Donnalyn sa kanyang Instagram post nitong Huwebes, September 26.

“Me and Alex don’t know each other personally.

Continue reading below ↓

“I love her personality and I wanted her to be a part of my music video ‘Di Lahat’ to represent the skinny girls with me.”

Nagpadala raw ng message si Donnalyn kay Alex para sa kanyang request.

Pumayag naman daw si Alex.

Sa araw ng shoot ay nagkaroon ng emergency tooth extraction si Alex, kaya inasahan daw ni Donnalyn na magba-back out ang Kapamilya actress-vlogger.

“BUT NO. She insisted to be there, I witnessed her swolen face and you can see sa mata niya she’s not feeling well but she made sure she made me feel like I wasn’t a bother,” ani Donnalyn.

Naging magiliw raw si Alex sa shoot kahit hindi mabuti ang pakiramdam nito.

Sabi pa ni Donnalyn, “Siya pa ang apologetic!! Jusko po anghumble

“Sino ba ako? No teleseryes, different management, less following, she had nothing to gain!”

Mensahe pa ni Donnalyn, “Kindhearted people are often misunderstood, but we should realize people only understand from their level of perception and they deserve no explanation.”

Continue reading below ↓

Nag-react naman dito si Alex at ang kapatid nitong si Toni Gonzaga.

Tatlong heart at isang praying emojis ang isinagot ni Toni.

Lubos naman ang pasasalamat ni Alex sa ginawang testimonya sa kanya ni Alex.

Aniya, “Donna.. you didnt have to.. thank you.. you were such a delight to work with! Im so happy to be part of your successful song”

Continue reading below ↓

LOLIT SOLIS REVEALS MOMMY PINTY CALLED HER

Samantala, kahapon din ay nag-post sa Instagram si Lolit Solis para sabihing nakipag-ugnayan sa kanya si Pinty Gonzaga, ina ni Alex.

Binanggit ng entertainment columnist at talent manager na maganda ang pakikitungo sa kanya ni Mommy Pinty noon pa man.

Nais na rin daw ni Lolit na tapusin na ang isyu.

Continue reading below ↓

“Sinabi ko na iyon paggalang ko sa kanya hindi nawawala at hindi ko malilimutan iyon pagiging mabait niya sa akin," ani Lolit tungkol sa pakikipag-usap niya kay Mommy Pinty.

“Sabi ko huwag na siya magpaliwanag sa nangyari, after all tapos na at ayaw naman palakihin na ang issue nila Ken Chan at Rita Daniela.

“Walang paliwanagan, basta para sa akin nasulat ko ang nangyari, kung ano totoo, nasa konsensiya na nilang tatlo iyon.

“Basta dahil nandun respeto sa akin ng mommy Pinty nila Toni at Alex, nandun din respeto at paggalang ko sa kanya.

“Case closed. Wala nang issue.

“Salamat mommy Pinty, basta ginagalang kita, at ok na po.”

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer-actress Donnalyn Bartolome (left) recounts memorable experience with Alex Gonzaga, who agreed to appear on her music video despite not feeling well.
PHOTO/S: Photo grabbed from Donnalyn's music video on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results