Ion Perez declares love for Vice Ganda on national television

by Arniel C. Serato
Sep 27, 2019
Inamin ni Ion Perez na pinusuan niya ang mensahe para sa kanya ni Vice Ganda sa Instagram noong monthsary nila.
PHOTO/S: Courtesy: @rosyvicey on Instagram

Tatlong araw nawala sa It’s Showtime si Ion Perez.

Pagbalik niya sa noontime show ng ABS-CBN ngayong araw, September 27, inusisa siya nina Vhong Navarro at Jhong Hilario tungkol sa post ni Vice Ganda noong September 25, Miyerkules, sa Instagram.

Isang heartwarming monthsary message ang ibinahagi ni Vice sa kanyang Instagram followers tungkol sa kanila ng rumored boyfriend na si Ion.

Sabi ni Vice, “Everybody deserves to love and be happy. Everybody includes YOU and ME."

Continue reading below ↓

Tanong ni Vhong kay Ion, “Yung pinost niya sa IG, ni-like mo ba?”

Sagot ng binata, “Pinusuan ko yun, Kuya. Pinusuan ko yun.”

Hindi naman daw siya nag-comment dito.

Paliwanag ni Ion, “Puso lang, sapat na.”

Tanong ni Jhong, “Anong naramdaman mo nung pinost niya yun?”

Tugon ni Ion, “Siyempre ano, Kuya, kinilig.”

Nagbilin naman sina Vhong at Jhong kay Ion na ingatan nito si Vice, na para namang kinikilig habang nakikinig sa kanilang usapan.

Kasunod nito, muling inusisa ni Jhong si Ion kung mahal ba niya ang Unkabogable Star.

Diretsong sagot ni Ion, “Mahal na mahal ko 'yan, Kuya.”

Kahit halatang may relasyon na ang dalawa, hindi pa rin tuwirang umaamin sina Vice at Ion sa totoong estado ng kanilang samahan.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inamin ni Ion Perez na pinusuan niya ang mensahe para sa kanya ni Vice Ganda sa Instagram noong monthsary nila.
PHOTO/S: Courtesy: @rosyvicey on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results