Will Marian Rivera allow her children to enter showbiz?

by Arniel C. Serato
Sep 27, 2019
Marian Rivera on daughter Zia and son Ziggy entering showbiz: "Kung ano yung gusto nila, kung ano yung daloy ng dugo nila, kung ano yung naramdaman nila, susuportahan namin sila sa lahat ng gusto nila...”
PHOTO/S: Noel Orsal

Kahit parehong artista sina Marian Rivera at Dingdong Dantes, hindi raw nila ini-encourage na mag-showbiz ang kanilang mga anak na sina Zia, 3 years old, at Ziggy, 5 months.

Sa contract signing ni Marian ng kontrata bilang Mega Prime ambassador sa ikatlong pagkakataon noong Martes, September 24, inusisa siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang reporters kung papayagan nilang pumasok sa showbiz ang kanilang dalawang anak.

Continue reading below ↓

Noong una ay umiwas si Marian na sagutin ito.

Pero kalaunan, ipinaliwanag niya ang kanyang pananaw tungkol sa usaping ito.

Saad ng Kapuso Primetime Queen, “Showbiz? A, sabi ko nga, magtapos...

"Kami ni Dong talaga, magtapos muna sila ng pag-aaral.

“Sabi naman namin, kung ano yung gusto nila, kung ano yung daloy ng dugo nila, kung ano yung naramdaman nila, susuportahan namin sila sa lahat ng gusto nila.

“Pero ang hiling lang namin ng tatay niya is magtapos sila ng pag-aaral nila.”

Sa ngayon, may endorsements na ang panganay nila ni Dingdong na si Zia.

Sabi ni Marian, isinasangguni nila sa bata kung gusto nitong gawin ang isang endorsement.

Kung ayaw nito ay hindi nila pinipilit ang bata.

Ano naman ang reaksiyon ni Marian sa mga taong nagsasabing pinagtatrabaho na nila ang kanilang panganay na anak sa murang edad nito?

Nakangiting sagot ni Marian, “Of course not, may sariling bangko yung anak ko.”

Continue reading below ↓

Biro pa niya kung sino ang mas may malaking kinikita sa kanilang mag-ina sa endorsement, “Parang quits kami, choz.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marian Rivera on daughter Zia and son Ziggy entering showbiz: "Kung ano yung gusto nila, kung ano yung daloy ng dugo nila, kung ano yung naramdaman nila, susuportahan namin sila sa lahat ng gusto nila...”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results