Maricel Soriano dispels "may topak" hearsay about Angel Locsin

by Rachelle Siazon
Sep 27, 2019
Maricel Soriano on The General's Daughter lead star Angel Locsin: "Dito sa set, si Angel wala kang makikitang bahid na nyora-nyora na gumaganun. Wala, hindi ganun si Angel. Nakatapak sa lupa si Angel."
PHOTO/S: Noel Orsal

Nanindigan si Maricel Soriano, 54, na walang katotohanan ang narinig niyang bali-balita mula sa isang hindi pinangalanang tao na mahirap diumanong katrabaho si Angel Locsin, 34.

"Mami-miss ko sa set namin, walang pa-istaran dito," bungad ni Maricel.

"Dito sa set, si Angel wala kang makikitang bahid na 'nyora-'nyora na gumaganun. Wala, hindi ganun si Angel. Nakatapak sa lupa si Angel."

Bago pa kasi siya sumalang sa taping ng ABS-CBN prime-time series na The General's Daughter, may kuwento raw tungkol kay Angel na nakarating kay Maricel.

"Si Angel, may nagsabi sa akin, 'Ay, si Angel, ganito, ganyan… May topak iyan!'

"E, sino bang tao ang walang topak?!"

Ayon kay Maricel, ang tanging napansin niya ay talagang dedicated si Angel pagdating sa trabaho nito.

"Itong babaeng 'to, good na sa director. Mas marunong pa sa director, gusto pa niya magdirek. Gusto mo ba magdirek, 'Ne?

"Nagdidirek na rin. Meron siyang mga inputs, marami siyang questions. She collaborates with them."

Continue reading below ↓

Ganoon din naman daw ang ibang cast members, tulad nina Tirso Cruz III at Janice de Belen, na parehong aminado na metikuloso sa paggawa ng isang eksena.

Na kada dating nila sa set, hindi pa man nag-uumpisa ang taping, marami na silang tanong sa director nilang si Manny Palo tungkol sa kani-kanilang sequences.

"MALAMBING, MABAIT NA BATA"

Sa kaso ni Angel, nasaksihan daw ni Maricel ang magandang pakikitungo ng dalaga sa mga kasamahan nila sa trabaho.

"Ako, nakita ko, yung positive side talaga.

"'Tsaka malambing. Ang sarap din niyang lambingin. She has a very big heart."

Dagdag ni Maricel, "Kasi, di ba, nakakagawa ka ng isang ganito, kuwentuhan... Hindi ba dun pa lang mapi-pick up mo na yung tao kung papaano?

"Una pa lang, si Angel, 'Ay, mabait ang bata!'"

Kaya raw hindi nagpapadala si Maricel sa sabi-sabi pagdating sa pagkilatis sa isang tao.

"Alam mo, sa ganito ako palaging sinusuwerte. Yung mga kasama ko, nasasabihan ako palagi na, 'Uy, si ganyan, chuchu, kembot…' Ang dami sinabi.

Continue reading below ↓

"Hindi ako kasi naniniwala kaagad sa mga tiktak na ganun. Chaka yung ganun.

"Do not judge a book by its cover. Because number one, you are not a cover!"

WORKING WITH THE BRIGHTEST STARS

Ganado pa ring kuwento ng tinaguriang Diamond Star: "Anyway, yung akin lang, nasusuwertehan lang.

"Kagaya nun, maraming nasasabi, si Jolina, si Juday nakasama ko. Ang dami kong nakasama, sinasabi nila, 'Problema, ganito, ganyan...'

"Hindi naman totoo. Kapag nakasama ko na, wala kang makikita, wala kang masasabi.

"Bakit ako magi-imbento? Walang problema."

Nakatrabaho ni Maricel si Jolina Magdangal sa pelikulang Kung Ayaw Mo, Huwag Mo noong 1998.

Nakasama naman ni Maricel si Judy Ann Santos, na kilala bilang Juday, sa pelikulang I Will Survive noong 2004.

Sa kaso ni Angel at pati na sa buong cast ng The General's Daughter, puno ng pasasalamat si Maricel sa magandang pagkakaibigan na babaunin nila kahit magtatapos na ang kanilang show sa October 4.

Continue reading below ↓

Kabilang si Maricel sa powerhouse cast ng serye na humarap sa media conference na ginanap sa Dolphy Theater sa ABS-CBN, kagabi, September 26.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maricel Soriano on The General's Daughter lead star Angel Locsin: "Dito sa set, si Angel wala kang makikitang bahid na nyora-nyora na gumaganun. Wala, hindi ganun si Angel. Nakatapak sa lupa si Angel."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results