Kris Bernal finally gets Instagram account back from hackers

by Rommel Gonzales
Sep 28, 2019
Kris Bernal posts a three-part lengthy message for all her followers to thank and warn them against hackers after getting her Instagram account back.
PHOTO/S: @krisbernal on Instagram

Matatandaang na-hack ng isang hindi matukoy na grupo mula sa bansang Turkey ang social media accounts ni Kris Bernal noong September 22 bandang alas dos ng madaling araw.

Umabot sa puntong pinadadalhan si Kris ng hackers ng mga mensahe sa pamamagitan ng WhatsApp at hinihingan ng $700 (Php35,000) upang maisauli ang kanyang Instagram, personal e-mail, Facebook, at Twitter accounts.

Hanggang bandang alas-singko ng umaga ay sinubukan ni Kris na mabawi ang accounts niya pero hindi siya nagtagumpay.

Idinaan niya sa kanyang SHE Cosmetics Facebook account, na hindi na-hack, ang pagkukuwento ng nangyari habang umiiyak dahil sa matinding emosyon.

Pero dahil sa tulong ng mga eksperto, mga kaibigan, at ng home studio niyang GMA-7, nitong Huwebes ay nabawi na ni Kris ang kanyang Instagram account na may 1.4 million followers.

Sa pamamagitan ng tatlong bahaging IG posts ni Kris ay nagpasalamat siya sa mga tumulong sa kanya para mabawi mula sa hackers ang kanyang social media accounts.

Continue reading below ↓

Matapos ang tatlong beses ng mahihirap na attempts at sa kabila ng patuloy na pagha-hack ng naturang grupo ay nagtagumpay si Kris at ang mga tumulong sa kanya na labanan ang naturang cyberhackers.

Pinasalamatan rin ni Kris ang supporters niya, mga taong ni hindi niya personal na kakilala pero nag-alok na bayaran ang hackers maisauli lamang ang accounts ni Kris.

Ayon pa sa Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko actress, mas lalo niyang napatunayan na maraming nagmamahal, nag-a-appreciate, at nag-aalala para sa kanya lalo na sa sandali ng ganitong klase ng krisis.

Hindi pa man nababawi ang kanyang personal e-mail at Twitter accounts ay nagpapasalamat pa rin si Kris at umaasang hindi na muling maha-hack ang kanyang IG account.

KRIS WARNS NETIZENS


Nagbigay rin ng babala si Kris sa netizens na maging maingat sa mga inilalagay sa ating social media accounts dahil maituturing na karugtong ng pang-araw-araw nating buhay ang ating social media accounts.

Continue reading below ↓

Narito ang kabuuan ng tatlong bahagi ng IG posts ni Kris matapos mabawi ito, published as is.

“It's finally me, Kris B, talking to you in my own personal account. The past few days had been so chaotic for me, especially how my personal life has been risked in danger because of cyberhackers.

“Good news to everyone that I finally got back my Instagram account after 3 tedious attempts. When I thought I got it back already, the hackers kept on accessing it that I get security codes non-stop even if I'm not doing anything. They attack during 2AM-6AM when I'm supposed to be asleep and is most vulnerable.

“The first time GMA helped me to retrieve it, the hacker still kept on coming back, sending me messages and calling me on whatsapp, until I secured it. My bf asked me to vlog about it at the moment so I can warn my followers immediately, in case the hacker uses my account to get money etc. The vlog I posted was as real and raw as it is, as I became so emotional thinking about the consequences of the situation. [sad face emoji] *to be continued*

Continue reading below ↓

“I want to take a moment to thank all the people who tried to help me, suggested experts to contact, gave encouraging words, and even those who tried to fight the hacker. There are people who messaged the hacker even if it's risking danger upon them as well, random people who were also willing to pay the hacker.

Continue reading below ↓

“I also appreciate my celebrity friends who tried to reach out. And of course, to my home network, GMA, for all the help. Without GMA's immediate actions, I wouldn't be speaking with you guys anymore here. There will be no chance I can get what I have lost.

“Because of this incident, I did realize how important and appreciated I am to some people. I go by my day everyday not seeing how I truly matter to the people around me. And I am really grateful for all of this support. [prayer hands emoji] *to be continued*

Continue reading below ↓

“Overall, I feel like a whole new person here in social media. My personal Email and Twitter account are still not retrieved. Hindi ko pa alam kung paano maibabalik. For now, I'm happy that my Instagram account is back in my hands, and I hope it never gets intruded again.

“Gusto ko lang i-share ang naging experience ko not to make this a big deal or a national issue, but for everyone to be vigilant and cautious on what we put out here on social media. This has been an extension of ourselves and it should be a safe place for all to enjoy. Time to move on. Hope to be back to regular and safe programming the soonest!

“Thank you again to everyone who showed their support throughout these dark times!

“Sincerely, Kris.”

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kris Bernal posts a three-part lengthy message for all her followers to thank and warn them against hackers after getting her Instagram account back.
PHOTO/S: @krisbernal on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results