Morissette Amon spends time with rumored boyfriend Dave Lamar, friends

by James Patrick Anarcon
Sep 28, 2019
Morisette Amon posts photo with rumored boyfriend Dave Lamar, who were together during a dinner with friends last September 26.
PHOTO/S: @davejlamar / @itsmorissette on Instagram

Bagamat hindi pa diretsahang inaamin ni Morissette Amon ang relasyon niya sa rumored boyfriend na si Dave Lamar, tila mas nagiging bukas na sila sa publiko.

Nakitang nag-dinner ang dalawa, kasama pa ang ilang katrabaho at kaibigan, sa isang Japanese restaurant sa Bonifacio Global City.

Ipinost mismo ng 23-year-old singer ang group photo, kung saan magkatabi sila ni Dave, sa kanyang Instagram account noong Huwebes, September 26.

Gamit ang swipe left feature ng Instagram, una munang ipinost ni Morissette ang selfie kasama ang singer na si Tim Pavino at talent manager na si Carlo Orosa.

Sa sumunod na litrato ay makikita ang group photo kung saan magkatabi si Morissette at Dave, at kasama ang mga kaibigan nila.

Continue reading below ↓

Nag-post din si Dave ng group photo sa kanyang Instagram account.

Base sa comments ng fans sa post ni Dave, tila masaya ang mga ito na makitang magkasama sila ni Morissette.

Ilan din sa mga mensahe ng fans ay ang hiling na maging matatag ang relasyon ng dalawa.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

MORISSETTE'S ISSUE WITH FATHER

Matatandaang noong Hulyo 2019 ay pumutok ang balitang tila hindi pabor ang ama ni Morissette na si Amay Amon sa relasyon ng anak kay Dave.

Ito ay sa kabila na walang inaamin si Morissette na karelasyon nito sa publiko.

Sa pamamagitan ng Twitter, nagpakawala ng maiinit na salita ang ama ni Morissette dahil sa diumano'y sa pag-iwan ng Kapamilya singer sa sariling pamilya upang sumama sa boyfriend.

Hindi tuwirang pinangalanan ni Amay ang anak na si Morissette, pero kapansin-pansing napagitnaan ng kanyang matalinhagang tweets ang ipinost niyang screenshot ng litrato ni Dave.

Ayon naman sa impormasyong nakuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula sa isang source noong August 19, pinatotohanan nitong umalis na nga si Morissette sa poder ng mga magulang nito.

Subalit ayon sa source, hindi totoong nagli-live in si Morissette at Dave, at nakatira si Morissette sa bahay ng manager nitong si Audie Gemora simula March 2019.

Continue reading below ↓

Nag-effort naman daw ang magkasintahang Morissette at Dave na makilala ni Amay si Dave, pero hindi raw ito umubra.

Tingin daw kasi ng ama ni Morissette kay Dave ay "starlet" at "nakikisakay" umano sa na-establish na singing career ni Morissette.

Parehong galing ng The Voice of the Philippines season one sina Morissette at Dave noong 2013, subalit si Morissette lamang ang umabot sa grand finals.

Hanggang sa nangyari ang insidenteng nagkaroon ng matinding diskusyon ang mag-ama, at umabot sa puntong "pisikal" na "sinaktan" diumano ni Amay si Morissette.

Ayon sa source ng PEP.ph, nasampal umano ni Amay ang anak.

Sa Instagram post naman ni Amay noong August 27, hindi raw totoo na pinagbuhatan niya ng kamay si Morissette.

Simula noon ay nanatili nang tahimik sina Amay, Morissette, at Dave tungkol sa sigalot nilang tatlo.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Morisette Amon posts photo with rumored boyfriend Dave Lamar, who were together during a dinner with friends last September 26.
PHOTO/S: @davejlamar / @itsmorissette on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results