Maraming mga bagong lipat sa GMA-7, katulad nina Jon Lucas, Paul Salas (na parehong kasama sa Pinoy remake ng GMA ng Descendants of the Sun), Ahron Villena, at Anjo Damiles.
Kasama ni Juancho Trivino sa Madrasta sina Ahron at Anjo.
Bilang isang original na Kapuso, ano ang nararamdaman ni Juancho kapag may mga bagong tawid mula sa ibang TV network?
“More friends! Si Paul naging close ko. Kasi ‘pag may lumilipat, may umaaalis din, e. May mga nawawala din.
“Sa basketball, nakakalaro ko si Paul sa basketball,” sagot pa ni Juancho nang makapanayam namin sa lobby ng GMA Network nitong Lunes, September 16.
Paglipat ni Paul ay naging close na agad sila ni Juancho. Okey lang raw kay Juancho kung may mga lumilipat sa GMA, hindi siya threatened.
“As long as confident ka naman that, siyempre, iba pa rin naman talaga yung branding namin sa branding ng ibang tao.
“And di ba? Parang kung alam mo naman kung sino ka at alam ng GMA siyempre, nasa kanila naman yung desisyon e, everytime.
“The possibility of ma-lessen naman yung work, of course parang, may slight worry, hindi ko naman itatanggi, may slight worry dun, pero as long as ginagawa mo palagi yung best mo, professional ka palagi sa mga taong nasa paligid mo, hindi ka naman mawawalan ng show.”
JUANCHO SAYS NO TO BUTT EXPOSURE
Kung may offer kay Juancho na isang sexy and daring film tulad ng Glorious o Just A Stranger, tatanggapin ba niya? Kaya ba niyang makipag-lovescene tulad ni Tony Labrusca o magpakita ng puwet tulad ni Marco Gumabao?
“At this point siguro hindi na muna, hindi ko naman priority yun.”
Sumikat at pinag-usapan sina Tony at Marco sa ginawa nila sa kani-kanilang pelikula. Bakit ayaw ni Juancho?
“Ito ang rason kung bakit ayaw ko.
“I’m not afraid to be different, I’m always not afraid to be different and kung nandiyan na lahat ng tao, kung iyan ang palaging pinag-uusapan, kung iyan ang iniisip ng mga lahat ng tao, na ikasisikat ng mga artista, ako I don’t think that way, you know.
“Ang dami namang puwedeng gawin, na siyempre kung nandiyan na sila, di masa-saturate na yung ganyang market. Ako, I’m not afraid to think out of the box.
“Kaya ko naman, kaya ko naman, nagawa ko naman sa Wild and Free before, e. Nagawa ko na siya sa mga Bench shoot ko.”
Ang Wild and Free ay pelikula nila ni Sanya Lopez noong 2018.
“I’m not really… I don’t shy away from it, but mas gusto kong makita yung sarili ko elsewhere, na kakaiba ako.
“Na hindi ako yung ‘one of the’, yung ‘one of the’ lang.”
Ayaw niyang sumabay sa trend ng pagpapakita ng puwet among some young male stars?
“I don’t think it’s a necessity naman. Well of course, it’s art and I have utmost respect sa mga gumagawa niyan and of course I did it before nga, e. Yung mga intimate na scenes, sa Wild and Free.
“But baka naman may ibang mga paraan, di ba? Nandiyan na silang lahat, e.”
Sa Madrasta ay gaganap si Juancho bilang si Sean Ledesma, si Arra San Agustin bilang Audrey, Thea Tolentino bilang Katharine, Gladys Reyes bilang Elizabeth Ledesma, Manilyn Reynes bilang si Grace, Almira Muhlach as Shirley, Isabelle de Leon bilang Judy, Ahron Villena bilang Gian, Anjo Damiles as George, Kelvin Miranda as Barry, Divine as Debbie, Faye Lorenzo bilang Joan, at Phytos Ramirez bilang David. Eere na sa GMA Afternoon Prime simula October 7, ang Madrasta ay sa direksyon ni Monti Parungao.