Ella Cruz reveals Julian Trono was her puppy love

by Rachelle Siazon
Sep 28, 2019
At right is a throwback pic from Ella Cruz (in pigtails, yellow shirt) and Julian Trono's (rightmost, back row) stint as co-stars in the GMA-7 kiddie show Tropang Potchi.
PHOTO/S: @ellacruz Instagram / PEP.ph File

Kinikilig na inamin ni Ella Cruz na noong teenagers pa lang sila ng boyfriend niyang si Julian Trono ay may gusto na sila sa isa't isa.

Lahad niya, "Di ba, Tropang Potchi kami? Yung totoo, puppy love na kami nun. Crushie-crushie. Pero kids lang, bagets pa."

Ang tinutukoy ni Ella ay ang pinagsamahan nilang GMA-7 kiddie show na Tropang Potchi, na umere mula 2009 hanggang 2015.

Dugtong ni Ella, "'Tapos, nag-ABS-CBN ako. Nagkadyowa ako, siya may mga naging dyowa din siyang iba."

Muling nagkatrabaho sina Ella at Julian sa ilang dance showdowns at music video collaborations na nagtala ng milyun-milyong views sa YouTube mula 2017, hanggang sa nanumbalik ang magandang pagtitinginan nila.

Paano si Julian bilang boyfriend?

Sagot ni Ella, "Hindi siya mabulaklak. Kaya kapag nagbigay siya ng bulaklak masarap sa feeling, mas special.

"Hindi rin siya super sweet."

Pero todo raw sa pagbigay ng panahon at suporta sa kanya si Julian.

Continue reading below ↓

Dagdag niya, "Palagi siya sumasama, nag-aalaga, supportive...

"Palagi niya ako nile-lecture-an, ina-advice-an. Mas mature siya sa akin. Mature talaga siya."

Aminado rin si Ella na malaki ang impluwensiya sa kanya ni Julian.

Pakiramdam daw niya ay mas naging mature ang kanyang kilos dahil sa nobyo.

Pag-amin niya, "Matalak kasi ako dati. Alam ko sa sarili ko yun.

"Hindi yung matalak na in a bad way, pero yung baklang language talaga. Even sa interviews before, loud ako.

"Ngayon may times na loud ako, pero hindi kasing loud dati. Controlled na siya.

"Mas nag-iisip na ako before ako magsalita. Ngayon mas matalinong salita, tamang salita lang, tamang bigay lang."

Eksklusibong nakapanayam si Ella ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos nitong sumalang sa PEP Live noong Huwebes, September 26.

GROWING TOGETHER

Naniniwala rin si Ella na nakatulong ang pagiging magka-love team nila ni Julian para mas makilala nila ang isa't isa.

Dahil pareho silang go-getter sa trabaho, natuklasan daw ng dalaga na may tendency siyang maging competitive kahit kay Julian.

Continue reading below ↓

Pagklaro niya, "Hindi naman sa kapag may project ako, may project din siya. Intindi naman niya yun, e.

"Pero kunwari sa pagsasayaw, gusto niya ganitong genre. Sasabihin ko, 'Hindi, mas magaling ka dun. Kailangan sa ganitong genre.'

"Sasabihin niya, 'Bakit ba ganyan? Para naman akong kakumpetisyon mo. Para mo naman akong kalaban.' Yung mga simpleng bagay na ganun."

Kuwento pa ni Ella, "Siguro nasanay na rin sa life—na life is a competition.

"So minsan, unconsciously, pati mahal mo sa buhay, merong, 'Kailangan mas magaling ako dito.'

"Magkaka-realization ka na, 'Hindi, siyempre kailangan, ano tayo, balanse. Teka lang, dapat sabay kami dito.'

"Pero hindi naman sa mga pagkakaroon ng projects. Alam naman niya na sa acting ako talaga, sa dancing mas siya."

HER NUMBER ONE CHEERLEADER

Sobrang proud daw sa kanya si Julian lalo na nang manalo si Ella bilang Cinemalaya 2019 Best Supporting Actress para sa pelikulang Edward.

"Siya yung mayabang. Nagte-taping kami ng A Not So Fake Love Story. Sabi niya kapag may mga eksena, 'Ayusin niyo naman, yung Best Supporting Actress natin...'"

Continue reading below ↓

Natatawang saad naman daw ni Ella kay Julian, "'Siraulo 'to, napakayabang!'"

Inaasar pa raw siya ng nobyo na "Ano, isang buwan mo 'yan ipagyayabang?"

Ihihirit daw ulit ng dalaga, "Ikaw kaya nagyayabang."

Mas gusto ba niya iyong magka-love team sila o hiwalay ang projects?

Sagot ni Ella, "Nagwu-work din naman yung love team. Pero separate na work, okey din naman. Ready naman kami palagi sa ganun."

Sa ngayon, parehong freelance ang trabaho nina Ella at Julian.

Kamakailan ay lumabas sila sa magkahiwalay na episodes para sa ABS-CBN drama anthology na Ipaglaban Mo, habang si Ella ay kasalukuyang napapanood sa Kapamilya prime-time series na FPJ's Ang Probinsyano.

Mapapanood din sina Ella at Julian sa Cignal TV series na A Not So Fake Love Story.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
At right is a throwback pic from Ella Cruz (in pigtails, yellow shirt) and Julian Trono's (rightmost, back row) stint as co-stars in the GMA-7 kiddie show Tropang Potchi.
PHOTO/S: @ellacruz Instagram / PEP.ph File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results