Kyline Alcantara says she and Bianca Umali are okay now

by Glenn Regondola
Sep 28, 2019
“At first, noong pumutok po yung isyu, of course, naging awkward po yung relationship namin. But nung malaman naman namin po yung buong katotohanan, at masaya naman kaming dalawa, so, nawala. Nawala na po,” says Kyline Alcantara about the awkwardness she and Bianca Umali felt towards each other before.
PHOTO/S: @bianxa (left) / @itskylinealcantara (right) on Instagram

Sinigurado ni Kyline Alcantara sa movie press na nagtatanong sa kanya, na maayos ang relasyon nila ni Bianca Umali bilang magkaibigan.

Kung meron mang ilangan noon dahil sa mga isyung ibinabato sa kanya, pagkalipas ng maraming buwan ay “water under the bridge” na nga ito.

Pahayag ng 17-year-old Kapuso actress, “At first, noong pumutok po yung isyu, of course, naging awkward po yung relationship namin.

“But nung malaman naman naming po yung buong katotohanan, at masaya naman kaming dalawa, so, nawala. Nawala na po.

“Wala na po ngayon, kasi we’re both happy with our careers.

“And yeah, alam naman po kasi namin yung buong katotohanan, e.

“Positive lang po kami.”

Friends pa rin nga raw sila hanggang ngayon.

Giit niya, “Opo!

“Actually, kapag nagkikita kami, at yung may mga alam yung isyu, nagiging awkward sila.

“Ipinapakita namin [ni Bianca] sa kanila, na wala, wala na yun sa amin.

“Lahat nung involved sa isyu, at nalaman naman namin yung buong katotohanan, parang nawala naman po yung awkwardness.”

Continue reading below ↓

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang press people si Kyline sa mediacon ng kanyang launching movie na Black Lipstick na ginanap sa Max’s Restaurant, sa Quezon City.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

KYLINE ADMITS BULLYING BUT NOT FROM BIANCA

Pero, dahil tungkol sa anti-bullying ang campaign ng kanyang pelikula, hindi rin maiwasang matanong kung na-bully ba siya noon sa kasagsagan ng isyu sa pagitan nila ni Bianca.

Ayon naman sa kanya, hindi mismo sa kanyang kapwa-Kapuso nanggaling ang pambu-bully sa kanya, kundi sa mga tagahanga nito.

Saad ng tinagurian noong “La Nueva Kontrabida,” “Yes, nagkaroon po ako ng bullying.

“Na-bash po ako online. And not just online, habang nagpi-perform po ako.

“And, masakit po siya. Nasaktan ako dahil nabastos po ako nang sobra.

“But, I’m happy na nangyari po yun sa akin. Lesson learned.

“And, it made me stronger po, dahil sa nangyari.

“Dahil kilala ko po ang sarili ko, at mahal ko ang sarili ko.

Continue reading below ↓

“At alam ko naman po yung mga nagawa ko, at hindi ko nagawa dun sa mga sinasabi nila.

“Pero, kumbaga, deadma na lang po.”

Dahil pareho na rin silang busy ngayon ni Bianca, sa kani-kanilang project, ang wish nga lang niya ay tangkilin ng publiko ang kanyang kauna-unahang movie na siya ang bida, na magbubukas na sa October 9.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“At first, noong pumutok po yung isyu, of course, naging awkward po yung relationship namin. But nung malaman naman namin po yung buong katotohanan, at masaya naman kaming dalawa, so, nawala. Nawala na po,” says Kyline Alcantara about the awkwardness she and Bianca Umali felt towards each other before.
PHOTO/S: @bianxa (left) / @itskylinealcantara (right) on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results