Matt Evans disappointed over slow progress of estafa complaint

by Julie E. Bonifacio
Sep 30, 2019
Kapamilya actor Matt Evans opens up about estafa complaint that he and wife Katrina Fariñas-Evans filed against a business associate in 2016.
PHOTO/S: Mark Atienza

Dismayado si Matt Evans sa mabagal na pag-usad ng reklamong estafa na isinampa nila ng kanyang misis na si Katrina Fariñas-Evans laban sa isang taong pinagkatiwalaan daw nila.

“May isang tao na nang-agrabyado, kumbaga. Nagre-resale kasi si Misis ng mga gamit, yun ang pinasok niyang business,” panimula ng Kapamilya actor.

“So, may isang tao na napagkatiwalaan niya ng malaking halaga, ng mga gamit.

“Nung time na yun, itinakbo, e. Itinakbo lahat, e.

“Medyo malaki yung nawala, six million [pesos] halos, so parang ganoon.

“Umabot ng ganoon, kasama yung interest.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Matt sa opisina ng Online Travel Express agency, kung saan partner ang misis niya na si Katrina, sa Robinson’s Metro East, Marcos Highway, noong Sabado, September 28.

Continue reading below ↓

Noon pang 2016 sila nagsampa ng reklamo sa Cebu City Prosecutor's Office laban sa taong hindi niya pinangalanan, at hanggang ngayon ay wala pang desisyon.

Ayon kay Matt, “Hanggang ngayon, ongoing yung kaso. Pero medyo bumabagal, e. So, mabagal yung kaso.”

Paano nagsimula ang pagsasampa nila ng estafa laban sa taong iyon?

“Uh, bale, hindi nagbayad.

“Nung time kasi na yun, ang alala ko, may mga nabigay, may mga binabayaran.

“‘Tapos may ibang hiniram na parang ipapakita or something, ganyan.

“Siyempre, kapag ganoon, considered sold na yun, di ba?

“Hindi na ibinalik. E, lumaki yung presyo.

“E, nung time na parang sinabi ko sa asawa ko na, ‘Huwag ka munang magbigay. Pabayaran mo muna yung iba na nakuha niya.’

“So, nung time na yun, nung hindi na siya nagbibigay ng mga gamit, ang nangyari po, hindi na nakakabayad nang maayos. So, nagkakapatung-patong.

“So, ngayon, parang kami, siyempre po may mga financier din po kami na kinunan.

Continue reading below ↓

“E, si Misis, hindi naman namin totoong pera yun.

“Kumbaga, nagre-resale din si Misis. Kami yung sumalo ng mga bayarin.”

Nahirapan ba sila sa paniningil?

“Mahirap talaga maningil. Ang hirap po talaga,” pakli ni Matt.

“May mga pangako, ‘tapos hindi rin naman po natupad.

“‘Tapos ngayon, nagtatago na sa Cebu.

“Nung nag-hearing siya, parang gumawa siya ng pampa-delay?”

COUNTER-ATTACK

Kinasuhan daw sila ng cyber bullying ng taong idinemanda nila ng estafa.

Saad ni Matt, “Kasi siyempre, parang ganito, parang may ginawa sa ‘yo ng tao, e, alam mo naman Facebook minsan, mga tao nagra-rant sa Facebook.

“So, si Misis, nag-rant nang konti sa Facebook.

“E, ngayon, meron pala tayong batas na, yun nga, against cyber bullying.

“So, parang yun yung ginawa niyang way na parang pampa-delay, counter na ganoon na sinasabi niya na hindi raw totoo, ganito, ganyan. “

Patuloy niya, “Pero ang dami naming proof.

“Ilang documents, resibo, checks, may mga pinirmahan pa siya na mga blangkong papel. Pati IDs niya nasa amin lahat.

Continue reading below ↓

“So, nung hinahabol na namin, wala. Hindi na nagpapakita.

“Hindi sumisipot sa mga hearing.”

Ang huling hearing nila ay naganap daw noong September 23, Lunes, at magkakaroon muli ng pagdinig sa October 14.

Hindi ba’t may certain time lang na puwedeng di sumipot sa hearing na ipinatawag ng Fiscal’s office ang idinemanda at pagkatapos nito ay isasampa na sa korte ang kaso?

“Opo, ganoon po ang nangyayari,” pagsang-ayon ni Matt.

“So, wala, nadi-delay lang nang nadi-delay.

“‘Tapos parang ang nangyari, hindi ko alam baka may padrino siya doon sa Cebu, kasi taga-doon sila.”

May nais ba siyang iparating na mensahe sa taong sinampahan nila ng reklamo?

“A, siguro, tapusin na lang, i-settle na lang kung ano yung kayang i-settle para matapos na po.

“Kasi, ang dami nang naaapektuhan na tao, e.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya actor Matt Evans opens up about estafa complaint that he and wife Katrina Fariñas-Evans filed against a business associate in 2016.
PHOTO/S: Mark Atienza
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results