Julia Barretto frees herself from other people's wrong accusations, assumptions

by Rachelle Siazon
Sep 29, 2019
Julia Barretto on dealing with life on her own terms: “I don't need to get validation from the world or from other people. I don't need to feel like I'm friends with the whole entire world or the whole entire world is on my side."
PHOTO/S: Shaira Luna

Aminado raw si Julia Barretto, 22, na sinubok nang husto ang tibay ng kanyang loob dahil sa kinasangkutan niyang kontrobersiya ngayong 2019.

Hindi tuwirang binanggit ni Julia, pero hindi kailang umani siya ng matinding pambabatikos nang madawit siya sa hiwalayan ng magkasintahang Gerald Anderson at Bea Alonzo noong Hulyo.

Minsan na ring nilinaw noon ni Julia na "wala akong inagawan ng boyfriend, wala akong inahas, at wala din akong nilandi."

Sa kabila ng mga intriga, napagtanto raw ni Julia na hindi siya dapat magpatinag sa opinyon ng iba, dahil may pamilya siyang totoong nagmamahal sa kanya.

Ang simpleng bonding daw nila ng kanyang baby sister ay sapat na upang maging masaya siya.

Lahad niya, "Suddenly, everything people had to say about me, everything they thought about me, everything they are accusing me for or they assume about me, it just all vanished.

"Because that's all I needed. That keeps me going—my family keeps me going.

Continue reading below ↓

"Saying I love you to the person that you love, and saying they love you back—as simple as that."

Noon pa man ay mas gusto raw niyang pribado ang kanyang personal na buhay, at hindi raw niya kailangang magpaliwanag pa kung anuman ang saloobin niya.

Diin niya, “I don't need to get validation from the world or from other people. I don't need to feel like I'm friends with the whole entire world or the whole entire world is on my side.

"My family is more than enough to me. As long as I have them, I’ll be fine for the rest of my life.”

Inihayag ito ni Julia sa kanyang vlog entry sa kanyang YouTube channel nitong September 27.

JULIA FEELS "MISUNDERSTOOD"

Bilang artista, pakiramdam daw ni Julia ay madalas siyang "misunderstood."

Himutok niya, "You're like public property. They forget that you're human with real feelings and real emotions and real problems and real issues.

Continue reading below ↓

"It's hard because people feel like they have the right to dictate or to control your life. To feel like they can decide for you and make your choices for you.

"They forget you're human and you're allowed to make some mistakes and then learn from them and then grow from them.

"And then fall in love, and then fall out of love, and then, yeah."

HOW JULIA DEFINES HAPPINESS

Sa bandang huling bahagi ng video, ikinuwento rin ni Julia na naka-relate siya sa role niya sa pelikulang Between Maybes, na pinagbidahan nila ni Gerald noong April.

Tulad daw ng kuwento ng ginampanan niyang papel, madali raw itong kainisan base lamang sa nais nitong ipakita sa ibang tao.

Marami rin daw pinagdaanan ang kanyang karakter na "pain" at "betrayal" noon,

Sabi niya, "When I was doing that film, that's what Julia was going through. She was so misunderstood. She was also very lost."

Continue reading below ↓

Pero hindi raw malilimutan ni Julia ang proyekto dahil ito ang nagsilbing daan upang mahanap daw niya ang kanyang sarili.

Pahayag niya, "I think that's the Julia now. Just finding contentment and happiness in the most simple things, and then accepting what's coming and whatever's leaving my life."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Barretto on dealing with life on her own terms: “I don't need to get validation from the world or from other people. I don't need to feel like I'm friends with the whole entire world or the whole entire world is on my side."
PHOTO/S: Shaira Luna
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results