Ejay Falcon open to doing intimate scenes with Jessy Mendiola

by Rose Garcia
Sep 29, 2019
Ejay Falcon on possibility of doing love scenes with co-star Jessy Mendiola in their new ABS-CBN series, Sandugo: “Artista rin naman si Luis, di ba? Alam ko na maiintindihan niyang lahat ‘yan. At saka, sobrang cool naman ni Luis.”
PHOTO/S: Noel Orsal

Sobrang excited si Ejay Falcon na ipapalabas na ang teleserye nila ni Aljur Abrenica na Sandugo umpisa Setyembre 30, Lunes. Abril ng taong ito sila nagsimulang mag-taping.

“Ang tagal naming pinaghandaan at pinagtrabahuhan nang maigi, 'tapos, ‘eto na,” masayang bungad ni Ejay.

“Ang show na ito kasi ay action, family drama/action. Mahirap i-shoot kaya sa isang araw, nakakailang eksena lang kami.”

Kumpara sa pinalitan nilang Los Bastardos, hindi raw sexy ang tema ng Sandugo kung hindi action.

Dagdag niya, “Siyempre, may babae rin sa shows. Hindi rin mawawala ang love scene.

“Magkaiba kami ng genre, sobrang magkaiba talaga. Pero lalaki kasi ang show. Very lalaki. Pero hindi siya more on sexy.”

Kambal sila ni Aljur Abrenica rito, pero dahil lumaki na magkahiwalay at hindi magkakilala, nagkaiba ang mga pananaw nila sa buhay.

Aniya, “Yung isa, napunta sa bad; yung isa naman, good, hanggang sa nagkakabanggaan na sila.”

Ang ibig sabihin daw ng Sandugo ay “isang dugo.”

Continue reading below ↓

Natawa si Ejay nang tanungin namin siya kung ang Sandugo ang dahilan kaya muli siyang pumirma sa ABS-CBN.

Nabalita kasi na tiningnan din niya ang posibilidad na lumipat ng kabilang network.

“Ito talaga ang dream role ko,” lahad ni Ejay.

“Actually, noong sinabi sa akin na ito na ang magiging show ko, inspired akong magtrabaho. Kapag dumarating ang script, talagang looking forward ako.

“Pagkatapos kong basahin, gusto ko, mabasa na agad ang susunod na script. Kasi, ang sarap sundan.”

Nang pumirma siyang muli sa ABS-CBN noong Pebrero, isinaalang-alang niya ang Sandugo.

Pag-amin niya, “Opo, opo, talagang itong project na ‘to, sabi ko, hindi lahat nabibigyan ng ganitong oportunidad. Lalo na kaming mga lalaking artista sa ABS.

“Kapag tinanong mo siguro, 80-90 percent, sasabihin nila, gusto namin, action. Kasi, yun talaga, e. Yun talaga ang sinusundan.

“From Ang Probinsyano to The General’s Daughter, kapag lalaki kang artista, yun talaga ang gusto mong puntahan. At yun ang binigay sa akin, so wow!

Continue reading below ↓

“Napakaespesyal ng project na ‘to. Ano e, walang butas ang kuwento. Kung susundan mo talaga ang character ko, dream role talaga siya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ejay sa opisina ng PPL Entertainment, Inc. noong nakaraang Miyerkules, Setyembre 25, Roces Ave., Quezon City.

FIRST TIME WORKING WITH BUDDY ALJUR

Unang beses na magsama sa isang proyekto nina Ejay at Aljur. Pero dati na silang magkakilala at magkaibigan.

Kuwento niya, “Dati pa, hindi pa siya sa ABS, talagang magkaibigan na kami. Nagba-basketball, tumatakbo kami sa U.P. [University of the Philippines]. Yung mga ganun.

“Pinag-uusapan namin dati na sana, magka-work kami. Ipinost pa nga niya sa Instagram niya, na nangyari naman ngayon.”

Sina Jessy Mendiola at Elisse Joson ang leading ladies nila ni Aljur. Tulad niya, nagpakita rin ng kasiyahan si Jessy na naibigay sa kanya ang seryeng ito.

Sa ngayon, wala pa siyang nababasa sa script na love scene nila ni Jessy. Pero sa nakikita niyang latag ng kuwento, posibleng may mangyari nga.

Continue reading below ↓

Pagmamalaki niya, “Mas mature kami rito, e. At yun nga ang dapat aabangan.

"Like ako, mas mature na Ejay ang makikita sa akin dito as compared sa mga ginagawa ko dati.

“Dati kasi, pa-cute, pa-sexy.”

NOT WORRIED ABOUT POSSIBLE LOVE SCENES WITH JESSY

Naiilang ba siya na may boyfriend (Luis Manzano) sa tunay na buhay si Jessy?

“Hindi, alam ko naman na bago niya in-accept ang project na ito, napag-usapan na nilang dalawa,” saad niya.

“And artista rin naman si Luis, di ba? Alam ko na maiintindihan niyang lahat iyan. At saka, sobrang cool naman ni Luis.

“Trabaho lang naman.”

CHALLENGED, NOT PRESSURED

Kumpara sa napi-pressure, mas natsa-challenge daw si Ejay na eere na sila.

“Ayokong isipin na pressure dahil baka maging negative ang dating sa akin. Challenge lang talaga,” nakangiting paglinaw ni Ejay.

Naiisip ba niya ang ratings?

Tanggi niya, “Hindi, hindi ako masyadong nag-iisip sa ratings.”

Kuwento pa niya, “Si Ms. Pie nga [Cherry Pie Picache] kagabi, tinanong niya ako, ‘Kinakabahan ka ba?’

Continue reading below ↓

“Kasi, after ng presscon, nag-dinner kami with the cast. Sabi niya, ‘Kinakabahan ka ba?’ Sabi ko, ‘Hindi po.’ 'Tapos, sabi niya, ‘Kinakabahan ka, e.’

“Napapaisip lang ako.

“Yun nga, yung natsa-challenge kami. Hindi naman maiiwasan yung eere na kami, sana, ma-appreciate ng mga tao ang pinaghirapan namin. Sana, magustuhan nila, kasi talagang sobrang hirap naming ginawa ‘to.

“At sobrang excited kaming ipakita sa kanila.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ejay Falcon on possibility of doing love scenes with co-star Jessy Mendiola in their new ABS-CBN series, Sandugo: “Artista rin naman si Luis, di ba? Alam ko na maiintindihan niyang lahat ‘yan. At saka, sobrang cool naman ni Luis.”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results