Kate Valdez quashes attitude-problem rumors

by Rose Garcia
Sep 29, 2019
Kapuso star Kate Valdez on attitude problem allegations: “Lahat naman po siguro tayo, may attitude, nagkakaiba lang. Siguro po, iniisip ng iba na maldita ako because sa roles ko, kontrabida."
PHOTO/S: Instagram

Ayon sa sabi-sabi, may “attitude problem” daw ang Kapuso young star na si Kate Valdez.

Nagkakaisyu umano sa kanya ang mga nakakatrabaho niya.

“Lahat naman po siguro tayo, may attitude, nagkakaiba lang,” nakangiting paglinaw ni Kate.

“Siguro po, iniisip ng iba na maldita ako because sa roles ko, kontrabida.

"Naaano na rin nila sa totoong buhay na maldita nga dahil effective kontrabida ako.”

CLUELESS ABOUT ALLEGED ISSUES

Itinanggi ni Kate na kaya siya nawala sa musical show ng GMA-7 na Studio 7 ay dahil sa attitude problem.

“Wala na po ako roon, kasi po, 'tapos na po ang contract ko. So, nag-focus po ako sa studies ko,” paglinaw ni Kate.

Itinanggi rin niya na may nakaaway siya na co-star o staff ng programa.

Nagulat na lang siya na may ganoong isyu sa kanya.

“Ako po, to be honest, hindi ko ide-deny, may shock. Nalungkot ako. Saan nanggagaling ‘to? Wala naman akong nakakaaway.”

Continue reading below ↓

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kate sa grand presscon ng pelikulang Black Lipstick noong Setyembre 24, Martes sa Max’s Sct. Tuason St., Quezon City.

BULLYING VICTIM

Tinalakay sa pelikulang Black Lipstick ang bullying.

Aminado si Kate na bilang artista, nakakaranas siya ng pambu-bully.

“Opo, hindi naman maiiwasan yun. Ganun talaga,” sambit niya.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“Nasa sa ‘yo na lang kung paano mo iha-handle. You just have to be strong and have faith in God.”

CLOSENESS TO MANOLO

Sa social media, may nakakapansin na nagiging malapit sila ni Manolo Pedrosa na co-star niya sa Black Lipstick.

Nakangiti si Kate nang sabihin na talagang kumportable na sila ni Manolo sa isa’t isa.

“Aaminin ko po, sobrang comfortable na po kami sa isa’t isa. Kung clingy siya, it’s fine with me,” natawang sabi pa niya.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso star Kate Valdez on attitude problem allegations: “Lahat naman po siguro tayo, may attitude, nagkakaiba lang. Siguro po, iniisip ng iba na maldita ako because sa roles ko, kontrabida."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results