Clint Bondad says breakup post has nothing to do with ex-girlfriend Catriona Gray

by Rachelle Siazon
Sep 30, 2019
Clint Bondad clarifies his post about breaking up wasn't prompted by rumors that his ex-girlfriend Catriona Gray is being romantically linked to another guy.
PHOTO/S: @clintbondad / @catriona_gray Instagram

Nilinaw ni Clint Bondad na walang kinalaman sa kanyang ex-girlfriend na si Catriona Gray ang pahayag niya tungkol sa usaping breakup.

Nag-ugat ito sa Instagram post ni Clint kahapon, September 29.

Ani Clint, sa oras na nakipaghiwalay ang isang babae sa isang lalaki ay ituturing daw ito ng lalaki na hudyat para bumalik sa dating scene.

Hindi raw style ng lalaki ang magmukmok at isipin kung may pag-asa pang magbalikan sila ng kasintahang nanghingi ng hiwalayan.

Nakakatawa lang daw isipin na kung minsan ay kung sino pang nakipaghiwalay ay ito rin ang apektado sa oras na malamang may idine-date ang dating karelasyon.

Bahagi ng pahayag ni Clint:

"No rules equalz no boundaries.

"Baby pleeeaase! If you don't open your mouth and say something or give us a timeline or something then it's automatically counted as indefinitely.

"Be clear! This is NOT one of those I-expect- you-to-read-my-mind-moments! We guys don't function that way!

Continue reading below ↓

"This process is very mechanical for us. We refuse to try and understand you without words.

"Especially if it's you who asks for it cause life currently seems a bit confusing for you and your cute little head.

"It's against our pride to play gorgeous broom in the broom chamber."

Continue reading below ↓

AFFECTED BY CATRIONA DATING RUMOR?

Sa comments' section, isang netizen ang nagtanong kung pinatatamaan ni Clint si Catriona at kung apektado ba ang Kapuso actor sa bali-balitang may "rumored boyfie" ang Miss Universe 2018 titlist.

"Is this about Cat's new rumored boyfie? Hahaha chill ka lang."

Mariing pinabulaanan ito ni Clint.

Kalakip ng burning emojis, sabi ni Clint (published as is): "there are always rumours.

"Don't read into everything too much.

"People like pretending they know shit like its 221B Baker Street"

Continue reading below ↓

Isa pang netizen ang nagkomento na deadmahin na lang ni Clint kung sinuman ang babaeng mitsa ng "hugot" post ng aktor.

"Just remember we love you. You don't need her," saad ng netizen.

Matalinhagang balik-sagot naman ni Clint, "No idea who you're talking about but we never truly need anyone ever."

Continue reading below ↓

NOTHING TO WORRY ABOUT

Sinagot din ni Clint ang netizen na nagsabing kumalma na ang aktor dahil "december is coming!"

Hindi malinaw kung ano ang tinutukoy nilang mangyayari sa December.

Pero saad ni Clint, "December will be lit honey boo."

Sa huli, siniguro ni Clint na walang dapat ipag-alala ang kanyang Instagram followers.

Ito ay matapos siyang tanungin ng ibang netizens kung okay lang ba siya.

Sagot ni Clint, "I am absolutely fantastic."

Palagi raw niyang inaalagaan ang kanyang "emotional well-being."

Sina Clint at Catriona ay anim na taong magkarelasyon hanggang sa tinuldukan nila ito bago pa kinoronahan bilang Miss Universe si Catriona noong December 17, 2018 (Manila time).

Magkasunod na kinumpirma ng ex-couple ang tungkol sa kanilang hiwalayan noong February 2019.

CATRIONA'S PHOTO WITH VARSITY PLAYER

Sa kabilang banda, noong Sabado, September 28, kumalat sa social media ang screenshot ng litrato ni Catriona kasama ang DLSU Green Archers basketball player na si Jordan Bartlett.

Continue reading below ↓

Galing iyon sa Instagram account ni Jordan na @halfaflip.

Kasunod nito ay may ilang netizens ang nagtanong kung may ugnayan ba ang dalawa.

Pero sa comments' section ng post ni Jordan, sumagot ang celebrity stylist na si Ton Lao na kuha iyon sa hinost niyang dinner para kay Catriona.

Continue reading below ↓

Nagkataon lang umano na naroon si Jordan dahil humiram daw ito ng damit sa stylist.

Habang isinusulat ang artikulong ito ay hindi na makikita sa Instagram feed ni Jordan ang litrato nila ni Catriona.

HOT STORIES

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Clint Bondad clarifies his post about breaking up wasn't prompted by rumors that his ex-girlfriend Catriona Gray is being romantically linked to another guy.
PHOTO/S: @clintbondad / @catriona_gray Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results