Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now

Thea Tolentino feels sorry for friend Kris Bernal after online hacking incident

by Jet Hitosis
Sep 30, 2019
Thea Tolentino says she feels sorry for her friend and fellow Kapuso actress Kris Bernal, whose social media accounts have been hacked: “Sobrang sakit naman talaga nun. Tama yung sinabi niya na yung pinaghirapan niya, bigla na lang kukunin."
PHOTO/S: Noel Orsal

Nag-alala si Thea Tolentino para sa kaibigan at kapwa Kapuso actress na si Kris Bernal matapos ma-hack ang online accounts nito.

Ayon kay Thea, 23, “nakakatakot talaga” ang naranasan ni Kris, 30, na nitong September 22 ay na-hack ang email, Instagram, at Twitter accounts.

Sa Facebook post ni Kris nang araw na iyon, gamit ang account ng kanyang SHE Cosmetics, sinabi niyang isang grupo mula sa Turkey ang nambiktima sa kanya.

Kasunod nito, sa emosyonal na vlog ni Kris na napanood sa YouTube nang araw ring iyon, sinabi niyang nag-message ang hackers, at hinihingan siya ng aabot sa $750 (PhP38,895) kapalit ng pagbawi sa kanyang online accounts.

Makalipas ang ilang araw, kinumpirma ni Kris nitong Huwebes, September 26, na nabawi na niya ang kanyang Instagram account, sa tulong ng social media team ng GMA Network, ilang eksperto, at mga kaibigan.

Sa naturang post, gayunman, sinabi ni Kris na pinipilit pa niyang maibalik ang kontrol sa kanyang Twitter account at email.

Continue reading below ↓

THEA A WITNESS TO KRIS’ HARD WORK

“Sobrang sakit naman talaga nun,” reaksiyon ni Thea sa nangyari kay Kris.

“Tama yung sinabi niya na yung pinaghirapan niya, bigla na lang kukunin. Nakakatakot talaga yun!”

Naging malapit sina Thea at Kris nang magkatrabaho sa teleseryeng Asawa Ko, Karibal Ko, na napanood sa GMA-7 simula October 2018 hanggang March 2019.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Sinabi ni Thea na hindi pa sila nagkakausap ni Kris tungkol sa insidente pero, “Sobrang nag-alala ako.”

Sa emosyonal na vlog ni Kris sa YouTube, nagpahayag ng pangamba ang aktres na mawawala ang lahat ng posts sa kanyang Instagram account at maglalaho ang 1.4 million followers niya.

Kuwento ni Thea tungkol kay Kris, “Nung Asawa Ko, Karibal Ko talagang sinasabi niya na ‘gusto ko na mag-vlog.’

“Talagang sinisipagan niya yung pag-promote ng business niya through her social media accounts.”

Seryoso pang reaksiyon ni Thea, “Nabahala ako dun, na talagang kahit kanino nangyayari.”

Continue reading below ↓

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Thea ngayong Lunes, September 30, sa media conference ng bago niyang teleserye sa GMA-7, ang Madrasta.

Si Thea ang kontrabida sa Madrasta, na pagbibidahan din nina Arra San Agustin at Juancho Trivino, at palabas na sa GMA Afternoon Prime simula sa Lunes, October 7.

TIPS TO SECURE ONLINE ACCOUNTS

Kaugnay nito, naikuwento ni Thea na matagal na siyang nag-iingat upang maprotektahan ang kanyang online accounts, dahil minsan siyang nawalan ng cell phone.

Kuwento ni Thea, “Dun ko natutunan na ilagay yung two-factor authentication.

“Natutunan ko kung saan itse-check sa Facebook, kung ano yung mga devices na online yung account na yun.”

Ang two-factor authentication (2FA) ay nagbibigay ng karagdagang layer ng seguridad sa authentication process upang ma-access ng lehitimong user ang kanyang online accounts o electronic devices, ayon sa techopedia.com.

Maituturing na single-factor authentication ang karaniwan nang paggamit ng username at password, pero sa 2FA, hinihingi rin ang second factor—tulad ng confirmation code, one-time pin, security token, o biometric factor—ng user upang maberipika na sa kanya nga ang account.

Continue reading below ↓

Ayon kay Thea, mahalaga na gamitin ang 2FA upang maiwasang magkaroon ng access ang iba, partikular ang hackers, sa email o online accounts ng isang tao.

“Lahat ng emails ko naka-on yung two-factor authentication,” ani Thea.

“Importante yun na i-on mo, sa lahat ng social media accounts mo, sa lahat ng emails.”

Isa ring vlogger tulad ni Kris, ibinahagi ni Thea ang iba pang paraang ginagawa niya upang i-secure ang kanyang online accounts, partikular na gamit ang security features ng Facebook.

“Regularly tsine-check ko kung saang locations nag-log in yung account ko para namo-monitor ko.

“Kung may makita man akong suspicious na lugar, may option dun to delete access from this device,” ani Thea.

Dagdag pa ni Thea, importante rin ang regular na pagpapalit ng password, tulad sa mga online bank transactions na “every 100 days kailangan magbago ng password.”

Read Next
Latest Stories

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Thea Tolentino says she feels sorry for her friend and fellow Kapuso actress Kris Bernal, whose social media accounts have been hacked: “Sobrang sakit naman talaga nun. Tama yung sinabi niya na yung pinaghirapan niya, bigla na lang kukunin."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results