Maine Mendoza accepts fans' disapproval of her team-up with another leading man

by Bernie V. Franco
Oct 1, 2019
Maine Mendoza admits that some fans do not approve of her having another leading man other than Alden Richards.
PHOTO/S: Noel Orsal

Tanggap ni Maine Mendoza, 24, na hindi lahat ng kanyang fans ay pabor na maipareha siya sa ibang leading man, lalo pa’t highly identified siya bilang ka-love team ni Alden Richards, 27.

Nabuo ang phenomenal team-up nila nina Maine at Alden—ang AlDub—noong 2015 sa pamamagitan ng "Kalyeserye" sa Eat Bulaga.

Sa kalagitnaan ng 2018, nagdesisyon sina Maine at Alden na gumawa muna ng separate projects.

Una nang ipinareha si Alden sa Kapamilya star na si Kathryn Bernardo para sa blockbuster hit na Hello, Love, Goodbye, na siya ngayong may hawak ng record bilang highest-grossing Filipino movie.

Sa bagong pelikula naman ni Maine na Isa Pa With Feelings, makakapareha niya ang ABS-CBN actor na si Carlo Aquino, 34.

Samantala, may following din ang team-up ni Carlo sa dating girlfriend na si Angelica Panganiban, ang CarGel.

Sa katunayan, nabuhay ang kanilang fans nang magkaroon sila ng reunion movie noong 2018, ang Exes Baggage.

Continue reading below ↓

MAINE MENDOZA ON DISAPPROVING FANS

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Maine at Carlo kung ano ang opinyon nila tungkol sa fans na hindi pumapabor na magkaroon sila ng ibang kapareha.

“Parang given naman po na parang meron talagang as in group of people sa fandom na hindi natuwa sa bagong pairing,” pag-amin ni Maine sa presscon ng Isa Pa With Feelings sa ABS-CBN Studio Experience, Trinoma Mall, Quezon City, nitong September 30, Lunes.

“Pero nandito na ito, e, parang parte talaga siya dito sa mundo ng showbiz na hindi puwedeng iyon at iyon lang ang makakatrabaho mo.”

Dagdag ng aktres, umaasa siyang darating ang araw na mauunawaan din siya ng ibang fans.

“And feeling ko, eventually, maiintindihan din nila na it’s a chance for the artist to grow and to explore.

“Pero kahit ganoon pa man po, meron pa rin naman pong as in talagang suporta, solid pa rin ang pagsuporta sa proyekto po namin,” saad ni Maine.

Continue reading below ↓

Sumang-ayon lang naman si Carlo sa sinabi ni Maine.

“What she said,” aniya.

Nakaramdam ba sila ng pressure o pangamba sa kanilang tambalan considering na maraming followers ang kani-kanilang love teams?

Sagot ni Carlo, “More than pressure, ako, mas in-enjoy ko na lang yung bagong kapareha, di ba?

“Mas nag-concentrate ako sa doon sa mga matututunan ko kesa doon sa ma-pressure.”

Pagsang-ayon ni Maine, “Same din po ako.

"Parang winelcome and in-embrace ko na lang ang pagkakataon to get to know another person, to work with another actor, with another team. In-enjoy lang.”

SIMILARITIES WITH THEIR CHARACTERS

Sa pelikula, ginagampanan ni Maine ang role ni Mara, isang babaeng mag-aaral ng sign language at magiging teacher niya si Gali (Carlo), isang deaf-mute.

Base sa trailer, mahuhulog ang loob ni Mara kay Gali.

Ano ang pagkakapareho ng kanilang characters sa tunay na buhay?

Unang sumagot si Maine.

Aniya, “Nakikitang pagkakapareho namin ni Mara, a lot of people are expecting from her, so parang nakikita ko rin siya, yung struggles ni Mara…

Continue reading below ↓

“Nakikita ko din and nakikita ko sa sarili ko, so minsan doon ako nakakahugot.”

Ayon naman kay Carlo, “Si Gali, meron siyang parang ipinapakita sa tao, pero deep inside, insecure… maraming insecurities.

“Ganoon din ako, kahit na maraming praises ang mga tao sa acting, marami talagang insecurities.”

Ang Isa Pa With Feelings ay idinirek ni Prime Cruz at magbubukas ito sa mga sinehan sa October 16.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maine Mendoza admits that some fans do not approve of her having another leading man other than Alden Richards.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results