Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Senator Tito Sotto: “No such word as transwoman or transman in any dictionary!”

by Bernie V. Franco
Oct 1, 2019
Senate President Tito Sotto assures protesters that SOGIE Bill will not be passed in the Senate. Sotto also reveals that majority of his fellow senators are against the bill.
PHOTO/S: Photo grabbed from ANC 24/7 YouTube

“Just to set the record straight, I said there is no such word as transwoman or transman in any dictionary!”

Ito ang tweet ni Senate President Tito Sotto nitong September 30, Lunes, na tumutukoy sa hindi niya pagpabor sa isinusulong na Sexual Orientation and Gender Identity or Expression (SOGIE) Equality Bill.

Continue reading below ↓

Ang SOGIE Bill ay kilala rin sa tawag na Anti-Discrimination Bill na layong isulong ang mga karapatan ng LGBTQIA (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, intersex, and asexual) community.

Sa isang press briefing sa Senado nitong Lunes, tiniyak ni Sotto na wala na itong pag-asang maisabatas pa.

“We can safely say, and we have studied this proposition already, there is no need for it. It is a redundancy,” pahayag ng senador.

Diin pa ni Sotto, marami nang batas na nangangalaga sa karapatan ng bawat Pilipino at hindi raw makabubuti sa nakararami kung ipapasa pa ang SOGIE Bill.

“All Filipinos and everyone in the Philippines are equally protected by equal rights, and all the rights that are given any individual in the Philippines.

“There are so many laws that protect the individual Filipino, not just a particular sector.

“And what will happen is if we’ll continue doing this and we allow it, we will be allowing it to the greater detriment of the greater majority of the Filipinos.”

Continue reading below ↓

Nagsalita si Sotto sa harap ng reporters at mga miyembro ng Christian Coalition for Righteousness, Justice and Truth (CCRJT) na nagtungo sa Senado nitong Lunes upang iprotesta ang pagsusulong ng SOGIE Bill.

Paniniyak pa ni Sotto sa CCRJT members, “Therefore you can [be] rest assured as far as the Senate is concerned, Senator Villanueva, Senator Pacquiao, and many others, I assure you, there is a great majority in the Senate that support your cause.”

Gaya ni Sotto, sina Senators Joel Villanueva at Manny Pacquiao ay vocal din sa pagkontra sa SOGIE Bill.

Isang reporter ang nagtanong kay Sotto kung tiyak bang hindi na maisasabatas ang kontrobersiyal na panukalang batas.

“Yes na yes,” paniniyak niya.

“You’ll be surprised that some of them… I’d rather not name them now, but when the proper time comes, you’ll see...

“I would say at least 15 and counting,” pagtukoy niya sa mga senador na sumasang-ayon sa kanya.

Continue reading below ↓

Sa karagdagang ulat ng ABS-CBN News Online, sinabi ni Sotto na hindi niya makita sa dictionary ang mga salitang "transgender man" at "transgender woman."

“Hindi ko maintindihan kung paano nila nabaluktot yun, na gamitin yun, na naging transgender ang paggamit, yung trans woman, trans man, ikinalulungkot ko, pero hanap ako nang hanap sa dictionary, walang word na trans woman.

“Lahat ng dictionary hinanap ko, wala. Wala ring trans man.

“So, saan galing? In other words, nag-deviate nang masyado,” pahayag niya.

Ito ang pinanggagalingan ng kanyang tweet.

Kasunod nito, may netizens na kinontra si Sotto at nag-post ng screenshots ng mga online dictionary na nagbibigay ng definition ng trans man at trans woman.

Ayon sa merriam-webster.com, ang trans man o transgender man ay “man who was identified as female at birth.” Ang trans woman o transgender woman naman ay “woman who was identified as male at birth.”

Uminit muli ang usapin tungkol sa SOGIE Bill kasunod ng kontrobersiyang kinasangkutan ng trans woman na si Gretchen Diez nitong August.

Continue reading below ↓

August 13, 2019 nang pigilan si Gretchen ng isang janitress na pumasok sa restroom na pambabae sa isang mall sa Cubao, Quezon City.

Umabot ito sa puwersahan at kinaladkad umano si Gretchen sa security room ng naturang mall, ipinosas pa, at dinala sa himpilan ng pulis.

Dahil sa nangyari, maraming mga artista, personalidad, at mga pulitiko ang nagbigay ng kanilang mga saloobin hinggil sa nangyari.

Kabilang sa mga nag-react sina Vice Ganda, Ice Seguerra, Senator Risa Hontiveros, Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, at Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senate President Tito Sotto assures protesters that SOGIE Bill will not be passed in the Senate. Sotto also reveals that majority of his fellow senators are against the bill.
PHOTO/S: Photo grabbed from ANC 24/7 YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results