Carlo Aquino on Maine Mendoza: "Mahal ko ‘tong si Maine."

by Bernie V. Franco
Oct 2, 2019
Carlo Aquino and Maine Mendoza reveal their level of closeness after working together in the movie Isa Pa With Feelings.
PHOTO/S: Noel Orsal

Nagkasundo sina Maine Mendoza, 24, at Carlo Aquino, 34, sa pagsasabing mahirap makahanap ng totoong tao sa showbiz.

Kaya naman masaya silang nagkatrabaho sa isang pelikula dahil nakita nila sa isa't isa ang pagiging totoo.

Ito ang inamin ng dalawa sa press conference ng Isa Pa With Feelings na ginanap sa ABS-CBN Studio Experience sa Trinoma Mall, Quezon City, nitong Lunes, September 30.

Tinanong si Maine, na isang Kapuso, at si Carlo, na isang Kapamilya, kung ano ang pinakamagandang karanasan nila sa pakikipagtrabaho sa isa’t isa.

Naunang sumagot si Maine.

“Ang hirap mag-isip ng particular experience, pero siguro yung pagkakataon na makatrabaho ko siya, makilala ko siya, not just as Gali, but as Carlo Jose Liwanag Aquino... makilala ko siya as a person, as an actor, and as a real person,” sabi ng Eat Bulaga! co-host tungkol sa kanyang leading man.

Gali ang pangalan ng karakter ni Carlo sa pelikula.

Continue reading below ↓

Pagpapatuloy ni Maine, “Sobrang laking bagay na sa akin iyon kasi bihira ka nga makahanap dito sa showbiz ng totoong tao, and isa si Carlo sa mga totoong taong nakatrabaho ko talaga.”

Halos ganito rin ang paglalarawan ni Carlo sa kanyang bagong leading lady.

“Para sa akin, yung kabuuan, yung kabuuan na habang ginagawa namin yung pelikula.

“Kasi nga, si Maine, very transparent, e.

“Madalang kang makakita ng ganoon sa industriya.

“Kung ano yung nararamdaman niya, kung papa'no siya sa araw na iyon, totoo siya.

“’Yun yung isa sa mga tini-treasure ko.”

CARLO ON MAINE: “MAHAL KO ‘TO.”

Base sa pag-uusap nila, kapansin-pansin ang pagiging kumportable nina Maine at Carlo sa isa’t isa.

Kasunod nito ay inilarawan ng dalawa ang kanilang level of friendship.

Pahayag ng Kapamilya actor, “Kung basag-basagin mo kasi ako, parang ganun-ganun na lang…

Continue reading below ↓

“Pero mahal ko ‘to, mahal ko itong si Maine.”

Sagot naman ni Maine, “Kumportable po namin sa isa’t isa, na naglolokohan kami sa set, sobrang nagbibiruan.

"Hindi mo alam kung napipikon na ba yung isa."

Malayung-malayo na raw ang narating ng pagiging close nila kumpara noong magsimula silang mag-workshop, sabi ni Carlo.

Inulan naman ng papuri ni Maine si Carlo dahil hindi raw siya nahirapang pakibagayan ang aktor.

“Easy to get along with ka naman talaga. Yung wala kang dating!” natatawang sabi ni Maine tungkol kay Carlo.

Paglilinaw niya, ang ibig niyang sabihin ay hindi intimidating si Carlo.

“Parang sobrang dali niyang i-approach, very friendly, very accommodating.

“Parang hindi ka mahihiya na i-approach siya, parang hindi ka mahihiya i-joke siya, kasi natatawa naman siya.”

Ang Isa Pa With Feelings ay magbubukas sa mga sinehan sa October 16.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Carlo Aquino and Maine Mendoza reveal their level of closeness after working together in the movie Isa Pa With Feelings.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results