Sarah Geronimo on closeness to Regine Velasquez: "One text away lang." 

by Rachelle Siazon
Oct 3, 2019
Sarah Geronimo (right) on Regine Velasquez: "Masuwerte ako na meron tayong Regine Velasquez sa buhay natin at sa industriya natin."
PHOTO/S: Noel Orsal

Hindi raw matatawaran ang magandang samahan nina Sarah Geronimo, 31, at Regine Velasquez, 49.

Bukod sa nasubaybayan ni Regine ang kanyang showbiz career, napatunayan din daw ni Sarah ang malasakit sa kanya ng Asia's Songbird sa labas ng trabaho.

"Even sa pagiging Sarah ko po, sa personal ko pong buhay, si Ms. Reg, one text away lang," nakangiting lahad ni Sarah.

"Ako pa talaga yung mahihiya na, 'Oh my gosh! Magti-text ba ako, tatawag ba ako?'

"Masuwerte ako na meron tayong Regine Velasquez sa buhay natin at sa industriya natin."

Sandaling nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sarah sa mediacon para sa pelikula niyang Unforgettable, sa Novotel Hotel sa Quezon City, Huwebes ng hapon, October 3.

May special participation sa Unforgettable si Regine.

Malaking bagay raw kay Sarah na makatrabaho si Regine sa pelikula.

Aniya, "Itong acting project namin ni Ms. Reg, ito yung second time na magkasama kami sa film.

Continue reading below ↓

"Yung first, Captain Barbell [2003], supporting role lang po ako dun. Ta's may eksena kami ni Ms. Reg na hindi ko rin malilimutan.

"Ngayon, gumawa ako ng isa pang movie, as always si Ms. Regine napaka-supportive niya po."

REGINE AS EVER-SUPPORTIVE MENTOR

Kuwento ni Sarah, saksi siya kung gaano ka-generous si Regine sa pagbahagi ng oras at talento nito kahit noong baguhan pa lang siyang singer.

"Sa lahat po ng gawin ko—magmula nung mag-umpisa ako gumawa ng solo concert, pag-record ng album, nag-backup sa akin si Ms. Reg.

"I mean, sino gumagawa nun, di ba po? Uupuan ka, siya ang magga-guide sa 'yo.

"Sa recording mo, siya pa magba-backup sa 'yo. Di ba, grabe?"

Si Regine ang TV host ng singing competition na Star For A Night (2002), kunsaan grand champion si Sarah at naging daan para mapasok niya ang showbiz.

Taong 2005 nang mag-guest si Regine sa first solo concert ni Sarah na The Other Side.

Continue reading below ↓

Dagdag ni Sarah, "Anytime na kailanganin mo si Ms. Reg, 'Ms. Reg, puwede po ba kayo mag-guest sa concert ko?'

"Anytime—talagang pupuntahan at pupuntahan ka niya."

THROWBACK KULITAN OF REGINE AND SARAH

Minsan nang sinabi ni Regine na "unang anak-anakan" ang turing niya kay Sarah.

Hindi rin kaila sa mga tagasubaybay ng dalawa na isa si Regine sa mga malapit kay Sarah na harapan kung tuksuhin ang Popstar Royalty tungkol sa relasyon nito at ni Matteo Guidicelli.

Tulad nang mapaamin si Sarah sa "dinner date" nila ng "mahal" niyang si Matteo noong nakaraang Valentine's Day.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sarah Geronimo (right) on Regine Velasquez: "Masuwerte ako na meron tayong Regine Velasquez sa buhay natin at sa industriya natin."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results