Heart Evangelista on being asked about baby plans: "We all have our personal reasons"

by Jet Hitosis Interview by Justine Punzalan
Oct 4, 2019
Heart Evangelista on being asked about getting pregnant again: “Like, for example, me, right after I lost… you know... what happened to me. Parang people think it’s like bumili ka lang ng bag. ‘So when are you gonna buy another bag?’”
PHOTO/S: @iamhearte on Instagram

Para kay Heart Evangelista, 34, isang personal na usapin ang tungkol sa pagkakaroon ng anak kaya natural lang na maging maselang topic ito para sa iba.

Paliwanag ni Heart, may “personal reasons” ang bawat tao tungkol sa pagkakaroon o hindi pagkakaroon ng anak, kaya mahalagang “we should be a little bit more kinder to each other.”

“I think we have to stop being at each other’s backs or down our throats all the time about something so personal,” sabi ni Heart nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters sa launch ng kanyang Love Marie Collection para sa isang mobile phone brand kahapon, October 3.

Sa event, hiningan si Heart ng reaksiyon sa naging pakiusap ni Anne Curtis sa entertainment press nitong September 30 na tigilan na ang pagtatanong sa mga babae kung kailan mag-aasawa o magbubuntis.

Magdadalawang taon nang kasal si Anne sa YouTube content creator na si Erwan Heussaff.

Continue reading below ↓

Paliwanag ni Heart, “Some people, they work for their family. May mga pinapaaral sila, and they have their sacrifices.

“It’s not that they don’t want to have a baby.

“You’ll never know.”

HEART’S MISCARRIAGE

Gaya ni Anne, madalas ding natatanong si Heart sa mga press conference kung kailan nila planong magkaanak ni Sorsogon Governor Chiz Escudero.

Matatandaang June noong nakaraang taon nang nagkaroon ng miscarriage si Heart sa panganay—at kambal—sana nila ni Chiz.

May 12, 2018 nang ihayag ni Heart, sa pamamagitan ng isang Instagram post, ang kanyang pagdadalantao.

Makalipas ang isang linggo, sinabi niyang kambal sana ang kanyang ipinagbubuntis pero hindi nag-develop ang isa sa mga ito.

Subalit makaraan ang isang buwan, kinumpirma ni Heart na nawala na rin ang natitira pa sa kambal.

Continue reading below ↓

“PEOPLE THINK IT’S LIKE BUMILI KA LANG NG BAG.”

Sa katunayan, ginawa pa ngang halimbawa ni Heart ang kanyang sarili upang ipaliwanag ang punto niya sa isyu.

Patuloy niya, “Like, for example, me, right after I lost… you know... what happened to me.

“Parang, people think it’s like bumili ka lang ng bag. ‘So when are you gonna buy another bag?’ Di ba?”

Aniya, hindi marahil madaling intindihin para sa iba ang pagre-“recover” ng mga babaeng nakaranas ng kanyang pinagdaanan.

“We all have our personal reasons, so I guess we should be a little bit more kinder to each other,” sabi ni Heart.

Bagamat nilinaw na hindi siya naiinis o napipikon sa mga tanong kung kailan siya magbubuntis uli, sinang-ayunan ni Heart si Anne na importanteng irespeto ang mga babae, ang kanilang mga desisyon, at ang mga pinagdadaanan.

Dagdag ni Heart, “We’re all going through something.”

Continue reading below ↓

BABY PLANS

Sa panayam ng PEP.ph kay Heart noong May 8, 2019, sinabi niyang “maybe next year” na siya magbubuntis ulit dahil sa dami ng ginagawa niya ngayong taon, kabilang ang isang international movie.

Bago ang nasabing interview, April 26 nang sinagot ni Heart ang isa niyang Instagram follower na nagtanong: “When are you planning to have another baby?”

Sagot ni Heart: “I am currently focusing on what the universe all of a sudden presented to me, and so maybe we try again end of next year.”

Gayunman, sinabi ni Heart na pipiliin niyang gawing pribado na ang kanyang susunod na pagbubuntis.

“But one thing is for sure, I will announce only when I give birth.

“I will make sure to Protect my baby from any kind of negative energy [heart emoji].”

February 15, 2015 nang ikinasal si Heart kay Chiz, na teenager na ngayon ang kambal na anak sa dating asawa.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Heart Evangelista on being asked about getting pregnant again: “Like, for example, me, right after I lost… you know... what happened to me. Parang people think it’s like bumili ka lang ng bag. ‘So when are you gonna buy another bag?’”
PHOTO/S: @iamhearte on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results