Vice Ganda posts message for detractors: "Kaawa awa. Malulungkot."

by Bernie V. Franco
Oct 4, 2019
Vice Ganda tweets: “May mga taong ang tanging trabaho sa buhay ay pagmasdan ka at kainggitan ang mga tagumpay mo."
PHOTO/S: Noel Orsal

May mensahe si Vice Ganda, 43, tungkol sa mga taong inggitero.

Malaman ang dalawang tweets ni Vice ngayong Biyernes ng gabi, October 2, tungkol sa mga taong naiinggit sa kasiyahan ng iba.

Walang direktang binanggit si Vice kung sino ang pinatutukuyan niya sa kanyang tweets, pero malinaw na mayroon siyang hugot, lalo pa’t recently ay ipinahayag ng It’s Showtime host ang kanyang kasiyahan partikular na sa buhay pag-ibig niya.

Unang tweet ni Vice: “May mga taong ang tanging trabaho sa buhay ay pagmasdan ka at kainggitan ang mga tagumpay mo.

"At magpanggap na di sila natutuwa sayo at palabasing may mali sa mga ginagawa mo.

"Kaawa awa. Malulungkot."

Continue reading below ↓

Pero sa halip daw na huwag pansinin ang mga ito, hinimok ni Vice na ipagdasal ang mga naiinggit.

“Dont just ignore them. Pray for them.

"Be compassionate even to your detractors," tweet ni Vice.

VICE HAPPY WITH HIS LOVE LIFE

Isang recent development kay Vice ay ang unti-unting pagiging vocal niya sa estado ng kanyang love life.

Continue reading below ↓

Nali-link ngayon ang comedian-TV host sa kasamahan niya sa It’s Showtime na si Ion “Kuya Escort” Perez.

Nagsimulang ma-link ang dalawa noon pang 2018, pero recently ay unti-unti nang ipinapahayag ng dalawa kung gaano kaespesyal ang isa’t isa.

Wala mang direktang pag-amin kung sila na nga ba o hindi, hindi maikakailang may espesyal na namamagitan sa dalawa.

Sa press conference ng ABS-CBN noontime show nitong September 30, sinabi ni Vice na special sa kanya si Ion.

Bago ito, may post sa Instagram Story na larawan nila ni Ion at ang caption ni Vice rito ay “My Joy," habang may post naman si Ion na gusto niyang pakasalan si Vice.

Naging makahulugan naman ang Instagram post ni Ion ngayong Biyernes tungkol sa pagmamahal niya kay Vice.

Makahulugang bahagi ng kanyang post: “Lahat ng tama may rason para maging mali pero ang pag mamahal ko sayo walang rason para maging mali.”

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda tweets: “May mga taong ang tanging trabaho sa buhay ay pagmasdan ka at kainggitan ang mga tagumpay mo."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results